Kabanata III

697 21 3
                                    


Habang tumatagal eh nararamdaman kong bumibilis ang mga araw. At sinong mag may aakala na natapos ko na din sa wakas ang First Project ko sa PNPO na The Nutracker. Ang dami kong natutunang bagong pieces at natutunan ko din ang mga collaboration sa ibang mga instruments.

Ang saya ng pakiramdam ko na feeling ko kapag pumupunta ako sa Auditorium kung saan kami nagpa-practice eh pumapasok ako sa langit. Isang paraiso talaga kung maituturing. Bukod pa dun, Nakapag exam na din kami para sa 2nd Quarter. Nabayaran na din namin yung mga natirang utang dahil dun sa sweldo ko na nung una eh hindi ko naman akalaing ganun pala kalaki.

Kaya lang, mas dumadami naman yung absent ko sa school at nagtataka na din yung mga teachers at classmates ko dahil iba iba lagi ang nagiging dahilan ko. Lalo na yung dalawa kong best friends na sina Ria at Coleen. Ayoko ng magsinungaling sakanila pero wala naman akong magagawa. Ano na bang gagawin ko?

"So Ano na ba Ms. Villanueva? Ano ba talagang dahilan ng mga pag-absents mo? Alam ba ng magulang mo 'to?" tanong naman sakin ni Ma'am Cielo nung pinatawag nya ako bigla sa Office nya.

"Ano po kasi Ma'am.." napakagat labi lang ako't napayuko. Sabihin ko na kaya yung totoo Sakanya? Baka sakaling maintindihan nya ako kasi sya naman ang English Teacher ko't alam kong marami syang alam sa buhay.

"Mangangako po ba kayo na hindi nyo ipagsasabi sa iba pag sinabi ko po sayo? And please don't freak out." tanong ko naman sakanya.

"Na ano? Na buntis ka!?" sabay biglang banat nya.

"Argh! Hindi po! Hindi po ako buntis! Ma'am naman eh!" sigaw ko naman sakanya. Grabe. Buntis agad? Eh wala pa nga akong boyfriend eh!

"Eh ano? Ano ba yun at kailangan pang sekreto." Tanong pa niya ulit.

"Kasali po kasi ako sa PNPO." kabadong sagot ko naman pero nakayuko.

"PNPO? Is that a gang?" sabay taas niya ng kilay sakin.

"No Ma'am! PNPO po. Philippines New Philharmonic Orchestra at Ako po yung pinakabata dun." sagot ko naman.

"What!? Are you sure? But How?" sigaw naman nya na parang ayaw nyang maniwala.

"Now, You're freakin' out." bulong ko naman pero nakayuko pa din.

"Just tell me. Bakit at pano ka napasali dun?" tanong naman nya ng mahinahon.

"The truth is.. I'm really a Violinist, and that time, My family really needs a money kaya naisipan ko pong mag audition sa kanila. And thank god.. Nakapasok po ako't tinanggap pa rin nila ako kahit ganto yung edad ko." sagot ko naman.

"You're a Violinist? And you didn't tell us. That's a great talent Clarissa! Ba't kailangan mong itago?" bulalas niya.

"Eh kasi po Natatakot po ako. Ayoko pong may makaalam na iba. At baka sabihin na dahil sa talent ko eh maging Attention seeker ako. Ayoko po ng ganun. Gusto ko pong mag-aral at maging normal na estudyante lang." mabilis na tugon ko naman.

"I understand you Clarissa. And I'm not freakin' out. I just can't believe na one of my students eh kasama pala sa sikat na orchestra club dito sa bansa. And this school.. Pwede ka naming ipagmalaki Kaya lang ayaw mo naman. Sayang ang chance tsaka, Madaming gusto maging tulad mo. Did you know that?" sabi naman nya na concern talaga.

"Sa ngayon po hindi ko po iniisip yan. All this time itinago ko po yung talent ko sa iba bukod sa pamilya ko. Pero ngayon.. Hindi na po ako nagiisa. Pakiramdam ko po, mas lalong lumawak yung mundo ko sa musika. Magiging maramot po ba ako kung gugustuhin kong solohin muna ito?"

"Hindi Clarissa. Dahil ikaw ang may hawak sa talentong yan at ikaw rin ang nakakita sakanila. Karapatan mong itago o ipagmalaki yang nasa sayo. Ikaw ng magde-desisyon sa bagay na yun. Ang mahalaga alam mong nageenjoy ka sa ginagawa mo."

Silver StringsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang