Chapter two

11.6K 368 14
                                    

WHROXIE

NANG maihinto ni Grey ang sasakyan sa tapat ng isang café agad na bumaba si Jethro ng sasakyan at sumunod siya. Nasa kabilang sasakyan naman si Philip at Jace na agad ding bumababa.

Ang akmang pagpasok niya ng café ay natigil nang mahagip ng paningin niya ang Jollibee na kahilera lang ng café. Isang establisyemento lang ang pagitan.

"Hey, Grey!" Jace yelled. Tiningan niya ito.

"Tara!" nauubusang pasensiyang yaya ng kaibigan. Nasa may pinto na ang tatlo ng café.

"Pare, sa iba na lang tayo," he suggested. Sabay-sabay na napakunot-noo ang tatlo at lumapit sakanya.

"Dito na lang tayo. Dito maraming chicks eh," ani Philip. Kung tutuusin wala naman talaga silang makakain sa café kundi pastries at iba't ibang klase ng drinks. Gusto lang talaga ng mga kaibigan niyang mang-stalk ng babae.

Tambayan kasi ng mga studyante ang bitter-sweet café na ito tuwing weekend. Actually isang beses palang siya nakakatambay dito at ang dami ngang studyante. Isang studyante rin ang may-ari ng naturang café. Nakilala na niya 'to. Si Vien. Iyon ang pangalan ng babae. Studyante rin sa university na papasukan niya ayun kila Philip. Sa San Beda College siya nag-aaral sa kursong Architecture noong third year.

Pero nakick-out siya sa eskuwelahan na talagang sinadya niya para mapilitan ang magulang niyang ilipat siya sa Universidad kung saan pumapasok ang kapatid niya at tagumpay naman siya. Pero syempre hindi naging madali 'yon. Pagkatapos ng insidente ay ipinatapon siya ng ina sa California kung saan talaga sila halos lumaking magkapatid.

Then their parent decided to move to the Philippines for good para dito magnegosyo. Bumagsak ang ekonomiya sa California kaya medyo apektado rin ang kabuhayan ng pamilya roon.

Isang taon pa lang sila sa Pilipinas. Sa magkaibang Universities sila ipinasok na magkapatid. Magiging bad influence raw kasi siya sa kapatid niya.

"Sa iba na lang. Gutom talaga ako eh. Hindi ko type ang pastries."

"Saan tayo?" si Jace. Sumalyap siya sa Jollibee at ngumiti. They are going to curse him once they heard his suggestion.

"Sa Jollibee." With that, ang malulutong na mura ay nag-unahan sa bibig ng mga ito.

"Ano naman ang makikita natin 'don? Mga bata?" dismayadong turan ni Philip.

"Pagkain ang ipupunta natin d'on at hindi ang paghahanap ng babae." Oh c'mon, Grey! Don't be such a f..... hypocrite! A little voice in his mind ridiculed him.

Okay, fine. Umaasa siya na baka makita pa niya ang babae.

"Let's go." He turned away from his friend and headed to the Jollibee. Wala ng nagawa ang mga kaibigan niya kung hindi ang sumunod.

Umupo sila mesa na pangmaramihan at hinayaang si Jace at Philip ang um-order ng pagkain.

Napangiti si Grey nang masulyapan niya ang mesa kung saan sila nagsalo ng babae isang linggo na ang nakakaraan. Bawat detalye ng mukha ng dalaga ay tandang-tanda pa niya. Tila nakaukit iyon sa utak niya.

Grey shook his head. Kailan pa ba siya nagmemorya ng mukha ng isang babae? Naputol ang pag-iisip niya ng ilapag ni Philip at Jace ang dalawang tray na naglalaman ng pagkain.
Agad niyang kinuha ang Chocolate sundae at fries. Napapangiti siya habang nakatitig doon.

"Oh!" inilapag ni Philip ang aloha sa harap niya.

"Mukha kang tanga." Philip said as he noticed he was smiling for no apparent reason. He just laughed.

Destined FlameМесто, где живут истории. Откройте их для себя