Chapter seven

8.2K 296 43
                                    

Hi guys!! Hihingi lang ng tulong. hehe! Please support naman Destined Flame(J404) and Your boyfrriend is my husband..(J6)

Please vote my stories via SMS..

To vote for your favorite Kwentong Jollibee entry, text
KJOLLIBEE< space >[Story Code] and send to 3456.

J6 and J404 ang code ng story ko.. one code per vote..
ex. KJOLLIBEE J6 and send to 3456.

PS: 2.50 ang per vote. Start na ang voting ngayon hanggang august 31.. Thank you so much!! visit this.

 Thank you so much!! visit this

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

___

"AW!" Napangiwi si Cathy nang mabangga siya ng isang kaklaseng nagmamadali habang papalabas siya ng classroom. Hays! Bakit ba ganito ang mga studyante dito, ang hilig-hilig mangbangga. Natigil si Cathy sa may pinto nang makita ang isang taong hindi niya inaasahan.

"Hi, Cath."

"H-hi, Grey. A-anong ginagawa mo rito sa art department? Nag-shift ka na ba ng course?" Pagbibiro niya nang makabawi sa pagkagulat.

"May susunduin lang ako." Nakangiti nitong sagot.

Tuluyan siyang lumabas at lumapit sa binatang nakasandal sa railing.

"Classmate ko ba?"

Umiling ito. "Hindi . . . Ikaw ang susunduin ko."

"Ako?"

"Hindi ka masusundo ni Jackson, and he asked me to drive you home."

Alam niyang hindi siya masusundo ni Jackson dahil may importante raw itong lalakarin.

"Hindi na kailangan. Kaya kong umuwing mag-isa." Nagsimula siyang maglakad sa hallway at sinabayan naman siya ni Grey. Nasa ikalawang palapag ng art building ang classroom niya. Cathy was taking up Media arts and technology

"Pero gusto ko.." tiningala niya ang binata.

"Akala ko ba hindi mo na ako kukulitin pagbalik natin ng Manila."

"Hindi ko kaya eh.." sagot nito at kinindatan siya. Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa dinadaanan. Ramdam niya ang pag-init ng pisngi niya. Bakit ba nagkakaganito siya sa mga simpleng gesture  ni Grey.

Habang naglalakad sila ay hindi sinasadyang nahulog ang kanyang I.D na nakaipit sa colar ng kanyang puting polo shirt. Pinulot iyon ni Grey at tiningnan.

"Catherine Ramos.." basa nito sa pangalan niya saka siya tiningnan.

"Catherine Ramos ang buong pangalan mo?" medyo nakakunot ang nuong tanong nito.

"Oo.." Kinuha niya ang ID mula sa lalaki.

"Catherine Ramos!" Isang sigaw ang nakapagpalingon sa kanila ni Grey. May babaeng patakbo sa direksyon nila pero napangiti siya nang lumapit ito sa isang babae na nasa likod nila.

Destined FlameWhere stories live. Discover now