Chapter 11

9.3K 314 19
                                    

NASA gitna si Cathy  ng ballroom. Ngayon napapaisip siya kung makikilala kaya siya ni Grey. Maraming tao sa buong bulwagan. Cathy is wearing a layered blue gown at isang blue glittery mask. Natatakpan ang kanyang mata at patusok ang disenyo niyon pababa  sa kanyang pisngi. Kita ang ilong pati ang bibig niya.  She had her hair messy up-do.

Alam niyang hindi siya makikilala dahil kahit mismo  siya nang tumingin sa salamin kanina ay hindi niya mamukhaan ang sarili.

Nanigas si Cathy sa kinatatayuan niya nang may kamay na humaplos sa baywang niya patungo sa kanyang tiyan. Naramdaman din niya ang paglapat ng likod niya sa katawan nito at ang bibig nito sa nasa tapat ng kanyang tainga.

"Hey, princess!" Bulong nito. Hindi iyon boses ni Grey.

Tangka siyang lalayo sa lalaki pero bigla siya nitong pinihit paharap at hinapit sa baywang. Naka-half-silver mask ito. Kita ang kalahati ng mukha  ng lalaki. Ang agad niyang napansin dito ay ang kilay na katulad ng kay Grey. May scar kaya parang putol  ang kilay. Itim ang suot nito na may kapa.

"Sandali, may date ako," pilit niya itong itinulak pero mahigpit ang hawak nito sa baywang niya. Hiniwakan nito ang isang kamay niya at bigla na lang siya nitong isinayaw.

"You look lost kitten, Princess." Nagpatianod na lang siya sa ginagawa nitong pagsasayaw. They sway in the music.

"Your prince was stupid  to let her princess alone in the world  of full of beasts."

"And f--off, ugly beast, because  her handsome prince is here now!" Mabilis siyang bumitaw sa lalaki nang marinig  ang boses ni Grey na nasa likuran ng lalaki. At hindi siya makapaniwala sa suot nito dahil parehas ng sa lalaki ang suot ni Grey.

Humarap ang lalaki kay Grey.

"Congratulations for having a gorgeous princess, man." Nilagpasan na nito ni Grey. 

"And you, lady.." hinawakan siya ni Grey sa baywang at hinila palapit sa katawan nito. Agad naman niyang ipinulupot ang mga braso sa batok nito.

"Who told you that you can dance with a beast?"

Pigil siyang natawa.
"Who am I?" Nakangiti niyang tanong. 

"The only girl that I love, the only girl who makes my heart beat crazily, the girl who owns me and the girl that I own, my kitten." 

"How did you find me? Paano mo ako nakilala. Nang daya ka 'no?" Kinuha ni Grey ang kamay niya at inilagay sa dibdib nito sa tapat ng puso.

"As I told you, you are the only who makes my heart beat crazily. Nakilala ka nito." he said, referring  his heart.

Malapad siyang  napangiti saka muling ipinaikot ang mga bisig sa binata. Ipinagdikit nila ang kanilang mga noo saka marahang nagpatangay ang mga katawan sa saliw ng musika habang nakatingin lang sa mata ng isa't isa. Napakasaya niya. Sobrang saya. Hiling lang niya na huwag matapos ang kasiyahang nararamdaman  niya. Hiling lang niya na magigising na lang siya isang  araw na hindi na komplikado ang relasyon nila ni Grey. Na kaya niyang ipagmalaki sa lahat na magkasintahan sila.

"Is that Grey, right? Sino ang babaeng kasayaw niya?"

Cathy stilled upon hearing the girl's voice who seemed curious about her.

"Let's go outside." Hiniwakan ni Grey ang kamay niya at hinila na siya palabas ng function  hall. Nagtungo sila sa pool area ng hotel.

Umupo sila sa leather love seat na naroroon. Inalis ni Grey ang sariling maskara .

"I wanna see your face." Inalis ni Grey ang maskara niya at suminghap ito kaya marahan siyang natawa. Hindi niya alam kung totoo o pineke lang nito. 

Destined FlameWhere stories live. Discover now