Chapter 12

10.1K 314 16
                                    

Hi guys! Destined flame won an award #OnceUponAJollibee. Thanks sa lahat ng sumuporta, thank you sa mga votes  niyo na kahit may bayad ay nag-vote kayo. Love you guys! Muawh! Akala ko talaga hindi na siya papasok kasi hindi complete pero na-surprise ako ng bonggang-bongga. 😊😊😍

--

GABI na ng marating nila ang bahay bakasyunan na pag-aari ng pamilya ni Phillip. May dala rin si Grey-ng damit niya. Si Joanna raw ang mismong nag-empake ng mga damit niyang iyon. Ang kaibigan talagang niyang iyon hindi niya alam kung concerned o pinapahamak siya.

Pagkatapos niyang magshower ay kinuha niya ang towel na nakasabit sa  towel holder at ipinulupot sa katawan pagkatapos  tuyuin ang basang katawan. Lumabas siya nang banyo pero halos mapaigtad siya nang mabungaran si Grey sa labas ng pinto at nakataas ang isang kamay na mukhang kakatok sana.

Napatulala rin ito sa bigla niyang paglabas.

"Grey? May kailangan  ka?"

"Ha?" Nakatulalang tanong nito.

"Sabi ko kung may kailangan ka?" Umiling ang binata at bumaba ang tingin sa katawan ni Cathy. Agad na humigpit ang kapit niya sa tuwalya sa tapat ng kanyang dibdib.

"Grey!" Hinampas niya ang dibdib ni Grey at muling bumalik ang mata nito sa mukha niya.

"Tutusukin ko ang mata mo!" Napahaplos si Grey sa likod ng ulo at parang balisang nagpakawala ng hangin mula sa bibig.

"Magbihis ka na muna," Mabilis itong tumalikod, "You're a tease," bulong nito bago lumabas ng silid. Napangiti  na lang siya saka tinungo ang kama at kinuha ang damit na nakalatag roon at nagbihis.

INILIBOT ni Cathy ang paningin sa labas ng bahay bakasyunan habang nakatayo siya sa verandah ng silid. Hiwalay sila ng silid ni Grey. Gusto ni Grey na magtabi sila pero hindi siya pumayag. Mahirap na. Sabi pa naman nila kapag mahal na mahal mo ang isang tao ay nakakalimot sa mga bagay-bagay.

Napangiti si Cathy sa ganda ng lugar. May mga malalaking pine tree sa paligid at cool sa mata dahil sa berdeng kapaligiran ng over-looking view. Katapat ng silid na ukupado niya ay hardin at tanaw rito ang malawak na lupain. Parang taniman. Maybe a vegetable field or a strawberry  field. Sa huling hinuha ay nakaramdam siya ng pagnanais na mamitas ng strawberry. May larawan ang mommy at daddy niya na namimitas ng strawberry at gusto niyang magawa iyon.

Nanonoot din ang malamig at sariwang hangin sa katawan niya kahit naka-jacket siya. Cathy embraces herself as she closes her eyes and she inhaled some  morning fresh air.

Muli siyang dumilat nang  may mga brasong pumulupot sa katawan niya  mula sa kanyang likuran.

"Good morning. How's your sleep?" Inihilig niya ang ulo sa balikat ni Grey.

"Masarap ang tulog ko. Ang lamig."

"Do you like the place?"

"Yes, nakaka-relax, pero hanggang kailan tayo dito?"

"I don't know. One week, two or maybe we can stay  here forever." Napangiti siya. Kung pupwede lang sana na talaga ay iyon na lang ang gagawin niya.

"Halika magbreakfast tayo. I cooked." Bumitaw siya mula  sa pagkakayakap nito at hinarap ito.

"You do?"

Nakangiting tumango si Grey. "First time kong gawin. Sinunod ko ang recipe na nasa google." Kinuha nito ang kamay niya at sabay silang lumabas ng silid na magkahawak kamay.

Pinaghila siya ni Grey ng upuan nang marating nila ang komidor at umupo naman ito sa pinakadulo ng mesa.

"Wow! Mukhang masarap, ah." Komento niya habang nakatingin sa omelette at fried rice na nasa harapan niya.

Destined FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon