Chapter 9

8.3K 331 15
                                    

Hindi ko na edit. Please  comment na lang po sa mga error. Thanks!

___

___

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




PAGMULAT ng mata ni Cathy ay nakangiting mukha ni Grey ang nabungaran niya.

Ikinurap-kurap niya ang mata at inilibot ang paningin sa buong silid.

"Asan ako?" Nakatulala niyang  usal. Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Grey kaya muli niya itong  binalingan.

"Haven't you remembered? We've spent the whole together." Malapad ang ngiting sabi nito.

Bahagyang napaawang ang labi ni Cathy nang maalala kung nasaan siya. Nakiusap si Grey na kung puwedeng mag-stay siya kagabi ng kahit ilang sandali na pinagbigyan naman niya. Nanood sila ng movie and oh God! She fell asleep.

Mabilis siyang dinampian ng halik ni Grey sa labi. "Good morning, Kitten." Ipinulupot pa nito ang isang braso sa katawan niya at hinila siya palapit sa katawan nito. Magkaharap ang mga mukha nila.

Inilapat niya ang palad sa pisngi ni Grey at kapagkuwa'y sa gilid ng leeg nito.

"Wala ka ng lagnat.."

"Magaling ang nag-alaga sa 'kin kagabi eh." Sabi nito habang nakatitig sa mukha ni Cathy.

"Kailangan ko ng umuwi, baka nag-aalala na si mama." Inalis niya ang braso  ni Grey saka tumayo.

"Tinawagan ko si Joanna kagabi at sinabi  kong nandito ka. Tingin ko sasabihin  niya sa  mama mo nasa kanila ka. So, 'wag ka nang mag-alala.

"May extra toothbrush ka ba? Puwedeng  pahingi." Tumayo si Grey at nilahad ang kamay mula sa kanya.

Inabot naman niya iyon saka sila nagtungo sa bathroom.  Kinuha ni Grey ang isang toothbrush saka inabot sa kanya.

Tinitigan niya ang toothbrush na mukhang gamit na.
"Toothbrush ko 'yan."

"At ipapagamit mo sa 'kin." Nagkibit ito at saka siya hinawakan sa magkabilang baywang at pinaharap sa sink.

"Naghalikan na nga tayo 'di ba? Mandidiri ka pa ba sa 'kin." Nakagat ni Cathy  ang pang-ibabang labi. Pinamulahan siya dahil sa sinabi nito.

"Sige na, 'yan na lang gamitin mo, wala akong extra eh." Walang nagawa si Cathy  kundi ang hugasan ang toothbrush  mula sa gripo at gamitin iyon. Si Grey pa mismo ang naglagay ng toothpaste sa toothbrush.

"Puwede mo na akong iwan," aniya. Nasa likod pa rin kasi niya ito. Nasa counter ang dalawang kamay nito at nakakulong siya mga braso nito.

"Dito lang ako. Magto-toothbrush  din ako pagkatapos mo."

"Ilang babae na ba ang gumamit ng toothbrush  mo?" Tanong niya bago nagsimulang magsipilyo.

Namimilyong ngiti ang sumilay sa labi  nito bago ipinaikot ang mga braso sa baywang niya at inilapit nang husto ang gilid ng mukha sa gilid ng mukha niya.  Napapakislot siya sa sobrang pagkailang.

Destined FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon