Chapter Five

8.5K 320 21
                                    

Natikman niyo na ba ang Adobo flakes yum burger ng Jollibee? Must try it, guys, ang sarap, promise. Favorite ko na nga 'to eh. Hehe! Sana gawin ng regular sa menu nila 'to.

Usapang Jollibee talaga tayo dito. Love story 'to ni Jollibee. Si Jollibee ang makakatuluyan ni Cathy dito. LOL!

--

"Nasan ba ang lalaking 'yon?" Cathy muttered as she looked around her.

Hinahanap nila si Grey. Bigla na lang kasing nawala ang lalaki. Nasa isang grocery sila kanina para mamili at nang matapos sila sa pag-go-grocery ay bigla naman nawala.

Cathy squinted her eyes as she saw Grey inside the Jollibee store. Nakaupo ito banda sa may glass panel at tumatawa. Hindi niya makita ang kausap nito dahil natatakpan iyon ng haligi ng establisyemento.

Napabuntong-hininga at napailing si Cathy nang maisip na possibleng naka-share nito sa table at ngayon ay komportableng nakikipaghuntahan katulad nang unang pagkikita nila.

Siguro babae ang kausap nito at nakikipag-flirt na kaya nakalimutan na nitong may kasama. Nagpasya siyang pumasok ng fast food.

"Grey!" Tawag niya sa lalaki. Natigil ito sa pagtawa at kapagkuwa'y ngumiti nang makita siya.

Lumapit siya. "Kanina ka pa namin hinahanap," aniya sa medyong iritang tono. Binalingan niya ang mga kausap nito at noon niya natuklasan na mga bata pala iyon. Tatlong batang magkakatabing nakaupo.

"Cath, halika, upo ka!" Inabot ni Grey kamay niya at hinila siyang paupo sa tabi nito. Nagtataka pa rin siyang nakatingim sa mga bata.

"Kids, this is Ate Cathy."

"Hello po, Ate Cathy!" Sabay-sabay na bati ng tatlong bata. Isang lalaki, isang babae at ang isa ay binabae siguro ayon na rin sa kilos nito. Parang halos magkaedad lang ang lalaki at ang binababae at pinakabata naman ang babae na mukhang 5 or 6-year-old.

"Magkapangalan po tayo," sabi ng batang babae.

"At magkasing ganda din kayo," sagot ni Grey. Bumungisngis ang bata.

"Kuya Grey, girlfriend mo siya?" Tanong ng uli ng batang babae na Cathy din pala ang pangalan.

"Naku, hindi, kaibigan ko siya." Medyo natatawang sagot ni Grey.

"Ay sayang naman po. Bagay kayo, ang ganda niya at ang pogi mo naman." Natawa si Grey sa sinabi ng binabae na pumitik pa ang mga daliri sa hangin kaya napangiti si Cathy.

"Paglaki ko gusto ko kasing ganda niya ang magiging gir-friend ko.." Muling tumawa si Grey sa sinabi ng batang lalaki na maganang kumakain ng chicken joy meal nito. May tag-iisang laruan din ang tatlo. Spaghetti with chicken ang kinakain ng batang babae at may halo-halo sundae.

"Maganda nga siya kaso nga lang... ang sungit.." pabulong na sabi ni Grey sa huling salita. Agad niyang tinapunan ng masamang tingin si Grey.

Agad na nagtaas ng dalawang kamay si Grey. "Biro lang!" Nakatawa nitong sabi.

"Ano palang ginagawa mo rito? Kanina ka pa namin hinahanap. At sino sila?" This time ay mahinahon na ang boses niya.

Tumingin si Grey sa relong pambisig.
"Mag-e-eleven na pala," anito.

"Medyo naiirita kasi ako sa loob ng grocery kanina. May nakita akong hindi gusto ng mata ko." Tumaas ang kilay ni Cathy pero bago pa man siya makapagtanong kung ano 'yon ay nadugtungan na nito ang sasabihin.

"Then I saw them outside at nakatingin sa mga kumakain dito sa loob kaya inaya ko na lang silang kumain." Sabi nito na may kasamang kibit-balikat.

Destined FlameWhere stories live. Discover now