Chapter three

10.5K 377 49
                                    

WHROXIE

"ARAY!" Halos tumilapon si Cathy nang banggain siya ng isang studyante na tumatakbo. Nagmamadali itong pumasok ng gymnasium.

"Cathyyyyy!" She flinched upon hearing the high-pitched scream from her friend, Joanna.

Joanna grabbed her shoulder hustong makalapit ito.

"Ano'ng problema mo? Kung makatili ka wagas!"

"Saan ka pupunta?"

"Sa gymnasium, may usapan kami ni Jackson na pupuntahan ko siya d'on. Tapos na siguro ang practice"

"Halika, sabay na tayo. Gusto kong makita 'yong mga transferee," said Joanna and they walked side by side.

"Transferee?" She asked.

"Oo, kanina pa sila pinag-uusapan sa halos buong campus. Ang guguwapo raw."

Parang narinig nga niyang may pinag-uusapan ang mga classmate niya kanina. Nang makapasok sila ng gymnasium agad siyang napakunot-noo. The gymnasium was too crowded. Basketball practice palang pero daig pa ang may malaking laban. Hinila siya ni Joanna sa gilid mas malapit sa mga players.

She searched out Jack with her gaze but before she could even spot her boyfriend her breath hitched when she suddenly spotted the man she believed her other half.

The man was laughing with his teammates.

"Ang gu-guwapo nila? Pero parang familiar 'yon isa." Saglit niyang binalingan si Joanna na nakatingin sa kumpulan na mga players at muli ring ibinalik ang tingin sa grupo. Siguradong si Grey ang tinutukoy nito.

"Siya si Grey." Aniya habang nakatingin kay Grey.

"Huh?" Muli niyang tiningnan ang kaibigan.

"Siya 'yong nasa painting na ginawa ko."

"Ang twin flame mo!" Mahina nitong bulalas at muling tumingin sa kinaroroonan ng binata.

"Siya nga! Ay grabe! Ang guwapo nga niya!" Muling bulalas ni Joanna.

Isang pulang Jersey uniform ang suot nito. Number 28 ang nakatatak sa likod. Her heart almost leaped out inside her chest when Grey's gaze met hers and locked. His wide smile slowly disappeared as he saw her. Tila nagulat din ito.

Ilang sandali lang silang nakatingin sa isa't isa hanggang sa muling sumilay ang ngiti sa mga labi nito. At hindi lang iyon. Tumakbo pa ito palapit sa kanya.

"Hey, Cathy! Dito ka rin nag-aaral?" Bakas ang kasiyahan sa mukha ng binata.

Cathy couldn't do anything but smile like a fool. "Oo," she simply replied.

"Wow! I didn't expect to see you here. I'm glad na dito ka rin pala nag-aaral. Ano'ng year mo?"

"Junior."

"Senior naman ako." Hindi maitago ni Grey ang excitement and that was too obvious for her not to notice. That made her smile.

"Cath," narinig niya si Jackson na nawala sa isip niya. Kasunod niyon ay ang pagpulupot ng isang braso nito sa baywang niya.

"You two know each other?" Takang tanong ni Jackson. Sa halip na sagutin ito ay muli niyang tiningnan si Grey. Nakakunot-noo ito habang nakatingin sa kamay ni Jackson na nasa baywang niya.

"Um.. yeah.. nakasabay ko siyang kumain sa Jollibee." Sagot niya habang nakatingin kay Grey.

Nag-angat ng tingin ang lalaki at muling nagtama ang mata nila. The excitement and happiness that visible in his eyes were already gone.

Destined FlameWhere stories live. Discover now