CHAPTER 8

8.9K 331 20
                                    

"AHAHAHA! Anyare sa mata mo?" Malakas na tawa ang kumawala mula kay Phillip nang tanggalin ni Grey ang shades pagkaupo niya sa ukopadong mesa ng mga kaibigan niya sa cafe ni Vien.

"Sino ang nanuntok sa 'yo? Resbakan natin," sabi naman ni Jace. Nagka-black-eye siya dahil sa suntok ni Cathy.

"Si Cathy," sagot niya. Kinuha ang soft drink na nasa tapat ni Phillip at sumimsim.

"Bakit?" tanong ni Jethro.

"Pinagtakpan ko ang kalokuhan ni Jackson eh. Ayon galit din sa 'kin."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

Ikinuwento nga niya sa mga kaibigan ang nangyari. Pati ang break-up ni Cathy at Jackson.

"O 'di ayos! This is your chance, pare!" Palatak ni Phillip.

"Kung puwede lang eh, ginawa ko na. Tang-ina naman kasi, bakit kay Cathy pa ako tinamaan nang ganito? Bakit si Jackson pa ang naging boyfriend niya?"

Tinanggal niya ang straw sa baso at ininom ang lahat ng laman ng baso. Nang maihatid niya si Cathy sa university kanina hindi pa rin siya inimik ng dalaga. Bigla na lang itong bumababa at iniwan siya, pati ang bulaklak na bigay niya ay iniwan din.

PAPAUWI na si Grey ng condo nang tawagan siya ng kanyang daddy. Pinapupunta siya nito sa mansiyon at may pag-uusapan raw sila. Nang marating niya ang mansiyon at makababa ng sasakyan ay nakita niya si Jackson at Missy sa gazebo na naghahalikan. Lumapit siya at sumandal sa poste ng gazebo at pinagmasdan ang dalawa. Nakatalikod sa kanya si Missy at si Jackson ay nakaharap sa dereksiyon niya. Nakapikit pa ang tarantado.

Ngumisi siya nang magulat si Jackson  nang makita siya pagdilat nito. Marahan nitong nilayo si Missy sa katawan nito.

"Grey, kanina ka pa ba diyan?" Tanong nito, lumingon naman si Missy at nag-"hi" sa kanya saka nagpaalam. Kapansin-pansin ang namumulang mata ng babae na parang galing sa pag-iyak.

"So?" tumaas ang makapal na kilay ni Grey. Naihilamos ni Jackson ang kamay sa mukha at umupo.

"I don't know what to do! Missy is crying and begging for me to choose her."

"And?"

"Inaamin ko namang may nararamdaman pa rin ako kay Missy, but I love Cathy, too."

"Pero alam mong hindi mo sila puwedeng pagsabayin."

Jackson breathed out and nodded. "I would choose Cathy." Inihilig ni Grey ang ulo sa poste ng gazebo at ipinikit ang mata. Bakit hindi 'yon ang gusto niyang marinig mula kay Jackson? Bakit mas gusto niyang sabihin nitong si Missy ang pinipili nito?

Dumilat siya at muling binalingan ang kapatid.

"Paano si Missy?"

"I don't know. Nagagalit rin sa 'kin si mommy. Gusto niyang balikan ko si Missy but I do really love Cathy."

"And still love Missy." Dugtong niya, hindi umimik si Jackson. Bumuntong hininga si Grey bago iniwan ang kapatid at tumuloy sa loob.

"Oh, he's here." Mabilis na tumayo ang kanyang ama nang makita siya at agad siya nitong sinalubong.

"May ipapakilala ako sa 'yo, Grey." Tumayo ang isang lalaki mula sa pagkakaupo nang makalapit sila sala ng ama.

"Grey, son, this Architect Nicholas Silva, Nick, this my son, Grey, my future architrect."

"Hi, sir," inilahad niya ang kamay sa ginoo at tinanggap naman nito.

"Nice to meet you, Grey. Your father was very proud of you. Magaling ka raw."

Destined FlameWhere stories live. Discover now