Chapter 6

8K 293 33
                                    

MATAMANG nakatitig si Grey kay Cathy na tawa nang tawa. Nasa may tabing dagat sila. Nakaupo ito sa putol na kahoy at siya naman ay sa banig na inilatag nila. May siga sa tapat nila. Tawa ng tawa ang dalaga dahil sa ginagawang kalandian ni Reymond. Naka-one-piece ito na kulay itim at panay ang model. Ipapakilala ang sarili na para bang kasali sa isang beauty pageant.

"Tunaw na," narinig niyang sabi ni Phillip na umupo sa tabi niya pero ang mata naman niya ay hindi iniwan ng titig si Cathy.

"Ang suwerte ng kapatid mo 'no?" Anito.

"At ang malas mo naman." Dagdag ni Phillip, doon niya ito tiningnan ng masama. Tumawa lang ito.

"Tinamaan ka talaga sa kanya?" Bumuntong-hininga siya at muling tumingin kay Cathy.

"Sapol na sapol, pare!" Aburido siyang napahilamos sa mukha. Humalakhak si Phillip. Muli niya itong binalingan at masamang tingin ang ipinukol dito.

"Sorry, pare, pero kung makikita mo lang ang itsura mo kahit ikaw matatawa eh."

Napapailing na muling tumingin si Grey kay Cathy.

"Bakit hindi mo na lang sulitin sa kapatid mo?"

"Gagu!" Kung pwede lang ginawa na niya. Kung ibang lalaki siguro ang boyfriend ni Cathy, maybe, he might do the moves to steal Cathy from his boyfriend, pero kapatid niya ang boyfriend nito at 'yon ang masaklap.

Tumayo si Grey at nilapitan si Cathy. Umupo siya sa tabi ng dalaga na aliw na aliw sa pinaggagawa ni Reymond na ginagaya naman ngayon si Aura. Nilingon siya ni Cathy at nginitian at muling tumingin kay Reymond at natawa na naman ito ng malakas.

Such a lovely, woman! He breathed out.

NATIGIL naman si Reymond sa pag-pose nang makita si Grey kung paano titigan si Cathy. Tinuro ni Reymond kay Cathy ang binata. She snapped her head towards him only to see  how Grey stared at her intently.

"Bakit?" She asked.

Grey sighed and said, " I'm just wondering if why Jackson is so in love with you.." her brow cocked.

"Hindi ka naman kagandahan.." nakangiting sabi nito. Agad na naningkit ang mata niya sa tinuran ni Grey.

"Pero ang cute mo." Sabay pisil nito sa pisngi niya nang napakalas.

"Ouch! Greyyy!" Hiyaw niya.

"Buwiset ka ang sakit!" Tangka niya itong aabutin para gantihan sa pagkurot nito sa pisngi niya nang bigla itong tumayo at tumakbo palayo.

Sobrang sakit talaga at hindi siya papayag na hindi magantihan ang lalaking 'to. Mabilis siyang tumayo at hinabol si Grey. Tawa naman nang tawa si Grey na tumakbo palayo sa kanya.

"Kapag nahuli kitang buwesit ka! Hindi lang pisngi mo---aay!" Malakas siyang napatili sa gulat nang lumusot ang isa niyang paa sa maliit na butas sa buhanginan.

NATIGIL si Grey sa pagtakbo nang marinig ang pagtili ni Cathy.

"Oh God! Ang sakit!" Hawak nito ang binti na tila maiiyak na.

Mabilis siyang tumakbo at nilapitan ang dalaga. Umupo siya sa gilid nito.

"Cath, are you okay? What happened? Ano'ng--" hindi pa man niya tapos ang sasabihin ay dinamba na siya ni Cathy.

"Huli ka!" Tumatawa nitong sabi. But Grey was dumbfounded because of their  awkward position. Nakaupo si Cathy sa tiyan niya.

"Aw!" Napadaing siya at nahimasmasan mula sa pagkagulat nang kurutin ng dalaga nang pagkalakas-lakas ang magkabilang pisngi niya.

Destined FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon