IKTP - 1

39.2K 962 31
                                    

→ Korra Filomeno ←

I yawned, lying on my bed. It's already 12:13 in the midnight and i'm still awake. Katatapos ko lang kasing mag basa at ngayong nakaramdam na 'ko ng antok plano ko ng matulog.

Pero bago ako matulog na isipan kong i-text muna ang boyfriend kong si Jacob Perel na paniguradong tulog na kasi nag text siya sa'kin kanina ng 'Goodnight babe, tulog na 'ko i love you po.' mga bandang 11pm 'yun. Almost three months na din mula nang maging kami, siya pa lang so far ang nakatagal sa ugali kong matigas ang ulo and cold-hearted. Ang totoo sa ngayon mas matagal pa ligawan namin kesa sa kung gaano na kami katagal ngayon. Lagpas isang taon kasi siyang nanligaw sa'kin eh.

May mga nag bago sa'kin simula ng maging kami. Ang pagiging cold-hearted, unemotional, unfeeling attitude ko nag lightened dahil sa kanya. Kahit papaano natutunan ko ang love dati kasi wala akong pakialam dun. Naging pursigido kasi ang mokong kaya ayun bumigay ako.

Bago pa 'ko makapag text sa boyfriend ko may nakita akong text message at five misscalls na galing sa nag iisa kong kaibigan na si Mikaella Lorell. Ini-open ko 'yung message para basahin.

** K. Call me ASAP! **

Napataas kilay ako sa tinext niya sa'kin. Ano kayang meron?

Dinaial ko na number niya at ilang sandali lang din naman sinagot niya 'to. "Hello?" Halos pasigaw na niyang sagot, siguro kaya pasigaw dahil tingin ko nasa Club na naman siya. Party goer kasi 'tong best friend ko eh.

"Ano ba 'yung ASAP na tinext mo sa'kin?"

"Pumunta ka dito sa Club, ngayon na!" Utos ba 'yun o request? Para kasing utos eh.

"Miks, alam mo namang hating gabi na diba? Tsaka magagalit si Jacob pag pumunta ako dyan ng walang paalam."

"Nandito si Jacob!"

"What?" Eh nag goodnight na siya sa'kin eh.

"Nandito si Jacob!" Paguulit niya.

"Anong ginagawa niya dyan?"

"Basta! Pumunta ka para malaman mo!" Pagpupumilit niya.

"Miks, sabihin mo na! Anong ginagawa ni Jacob dyan?"

"May kasamang ibang girl si Jacob. Pumunta ka kasi dito para ikaw ang makakita."

What the fuck! Tama ba 'ko ng dinig na si Jacob may kasamang ibang babae sa Club?

Sinungaling 'yun ah!

Parang bigla tuloy kumirot 'yung puso ko sa narinig ko.

"Korra! Pupunta ka ba o susugurin ko na 'tong mga 'to?" Tanong ulit ni Mikaella.

"Pupunta ako!" Sagot ko. Gusto kong ako ang sumugod sa babaerong 'yun.

"Okay, bilisan mo para maabutan mo pa sila dito." Pagkasabi niya nun ibinaba na niya 'yung tawag.

Ewan ko ba pero parang natulala ako sa binalita ng kaibigan ko pero umiling din naman agad ako para bumalik ako sa katinuan ko. Umalis ako ng kama ko at kumuha ng pwedeng suotin papuntang Club. Ayoko namang sumugod dun ng naka pajama lang.

Kumuha ako sa closet ko ng Jeans and blouse at ito ang isinuot. Hindi na 'ko nag abalang mag make-up dahil sa nagmamadali ako. Tama si Miks, para maabutan ko 'yung pangloloko sa'kin ng boyfriend ko kailangan kong bilisan.

Pagkabihis ko nag simula agad akong maglakad paalis ng bahay, without pagpapaalam kela Mama baka din kasi hindi ako payagan dahil hating gabi na.

Dumiretso ako sa pag sakay sa kotse ko. Pag start ko ng makina sinimulan ko agad 'yung byahe ko papunta sa Club.

I Kissed The Playboy..Where stories live. Discover now