IKTP - 8

17K 521 10
                                    

Nandito na kami ngayon sa parking ng Cafe. Kaya kami ay dahil hinatid ako dito ni Scott gamit nga lang ang kotse ko. Hindi naman daw kasi siya nag dala ng kotse kaya sa kotse ko na siya sumakay.

Pag dating namin ng parking, sabay na kaming bumaba ng kotse ko. Lumapit siya sa'kin at ibinigay 'yung susi ng kotse ko.

"Salamat sinipot mo 'ko sa date natin." He said.

"Ayoko lang na pumunta ka pa sa bahay at magpakilala kay Mama na boyfriend ko tulad nang ginawa mo kay Ate."

He chuckled, amusingly. "Gusto ko talaga 'yung pagiging prangka mo."

I shrugged. "Get use to it." Kinaway ko nalang 'yung kamay ko bilang pag papaalam tsaka naman ako nag lakad papasok ng Cafe. Bago ako pumunta sa office ni Ate tumingin muna ako sa paligid ng restaurant. Medyo madami nang costumer.

Sa pag dating ko sa office ni Ate, nakita kong busy siya sa cellphone niya.

"Hi Ate." Bati ko tsaka ko naman sinimulang mag bihis ng uniform ko. Habang nag bi-bihis hindi ko maiwasang tignan 'yung pa baloon ni Scott.

"Hi, i heard galing ka daw date."

"Sinong nag sabi sa'yo?" Pagtataka ko sabay harap sa kanya.

She smiled, teasingly. "Ah. So, date nga ang pinuntahan mo. Nabanggit lang ni Mama na maaga kang umalis ang hinala ko nakipag date ka. So totoo pala ang hinala ko, si poging Scott ba ang ka-date mo at sa kanya ba galing 'yang heart shape baloon?"

I rolled my eyes. "Oo. Napilitan lang naman ako sa date na 'yun."

"Pero nag enjoy ka?"

"Hmm," Nag enjoy nga ba 'ko? Wait! 'Yung pag sayaw niya na talaga namang nakakatawa at pagkain namin ng ice cream. "Yah, medyo." Pagamin ko.

Sa pagtapos kong mag palit ng uniform, lumabas din naman agad ako sa office ni Ate at nag hanap ng pwedeng gawin. Papunta palang ako sa mga table nang makita ko si Scott na nakaupo ulit sa pinag pwestuhan niya dito nung kumain siya at ngayon ay kumakain na naman siya.

Lumakad ako papalapit sa kanya. "Bakit nandito ka pa?" Tanong ko.

"Gusto pa kasi kitang makita ng ilan pang oras kaya naisip kong mag stay muna dito. Pangako, hindi kita guguluhin." Nagtaas ulit siya ng kanang kamay para kumbinsihin ako.

"Okay, ikaw ang bahala."

Iniwan ko nalang siya at nag hanap na ng pwedeng gawin. Nag punas ako ng mga lamesang pinagalisan nung mga costumers, kumuha ng orders. Paulit-ulit lang 'yun hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras pero itong si Scott hindi pa din umaalis at kung anu-ano na din inu-order niya pero hindi siya sa'kin umu-order kundi sa ibang ka-trabaho ko. 'Yung mga inu-order naman niya hindi naman niya kinakain.

Nandito lang ako sa counter dahil wala nang magawa at 'di ko maiwasang pag masdan si Scott na busy lang kaka-pindot ng cellphone niya.

"Nandyan pa din boyfriend mo." Biglang pag sulpot ni Ate na halos ikatalon ko sa gulat.

"Ate naman eh, papatayin mo ba 'ko sa gulat?" Pag aangal ko.

She laughed, softly. "Sorry naman. So, bakit nandito pa din siya?"

"Ewan ko, pati nga 'ko nagtataka kung bakit nandito pa din siya."

She tapped my back. "Alamin mo, mag break ka muna pagkatapos mong mag break, puntahan mo 'ko sa office may iuutos ako." Pagkasabi niya nun nag lakad na siya pabalik sa office niya.

Sa wakas breaktime na, makaka-upo na 'ko. Kumuha lang ako ng isang malaking ensaimada at juice para sa ito ang kainin. Sinabi ko nalang sa cashier namin na ilista nalang muna sa'kin. Tsaka naman ako nag lakad papunta sa table ni Scott at umupo kasama niya.

I Kissed The Playboy..Kde žijí příběhy. Začni objevovat