IKTP - 17

15.2K 469 13
                                    

Nagising ako mula sa pagkakatulog ko at sa pagmulat ng mga mata ko ang una ko agad nakita ay ang heart shape baloon na binigay sa'kin ni Scott noong nag date na kami.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at ini-angat muli ang tingin sa balloon. Itinaas ko ang kamay ko, hinawakan ang tali nito at hinila. Hinawakan ko ang mismong balloon at 'yung drawing ko agad na mukha ni Scott ang nakita ko.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang ugok na 'yun. Dalawang araw na din kasi siyang hindi nakakapasok dahil sa sakit niya.

Puro lang siya text sa'kin ng kung anu-anong pa-cute niya, habang ako sinisermunan lang siya lagi sa text. Imbes kasi mag pagaling puro siya text at pangungulit sa'kin na gusto niya 'kong makita pero lagi ko naman din siyang nire-replyan nang, hindi pwede.

Bakit ko ba iniisip 'yung ugok na 'yun?

Hinayaan ko nalang ulit na liparin at mapasandal muli sa kisame ko ang balloon.

Umalis na 'ko ng kama, lumabas ako ng kwarto at dumiretso din naman agad sa kusina. Ang niluto lang ni Mama na kakainin ko ang naabutan ko sa dining.

Umupo ako agad ako sa silya at sinimulan din naman agad ang kumain.

"K." Dinig kong tawag sa'kin ni Mama mula sa likod ko. Nilingon ko lang siya.

"Birthday mo bukas, sinong iimbitahan mo?" Tanong niya.

"Ma, i already told you ayoko po talagang mag celebrate ng birthday ko kaya po wala akong iimbitahan."

"Eh anong plano mong gawin?"

"Kung maghahanda pa rin po kayo, tayo-tayo nalang nila, Ate."

"Sige, tutal celebration na din naman na 'yun."

Haay! Ayaw na talagang papigil ni Mama na i-celebrate ang birthday ko.

Nang matapos akong kumain, hinugasan ko nalang din muna 'yung pinagkainan ko. Nang magawa ko 'yun umakyat na din naman agad ako sa kwarto ko para mag asikaso naman sa pag pasok sa school ang plano kong gawin.

Nag shower lang ako, nag bihis at nag make ng light, pwede na.

Nang matapos akong mag asikaso, binitbit ko lang 'yung bag ko tsaka naman ako lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa hagdan at laking bigla ko nang makita si Scott na nakaupo sa couch namin.

Ngumiti siya nang makita ako.

Nag lakad ako papalapit sa kanya at ang una kong ginawa ay hinaplos siya sa forehead niya.

"Wala ka ng sakit?" Tanong ko. Uupukan ko kasi talaga siya pag pumunta na naman siya dito ng may sakit pa siya.

"Yup!" He reassured.

"Kaya mo ng pumasok ng school?"

"Yup! Gusto na din kitang makita eh."

"Sige, pumunta na tayo ng school." Lumingon ako at tumingin direkta sa kusina.

"Ma, aalis na kami!" Paalam ko.

"Okay, ingat!" Dinig kong tugon niya kaya nag lakad na kami ni Scott palabas ng bahay.

Dumiretso kaming dalawa sa kotse niya na si... sino nga ulit 'to? Si Pia ata. Pinag buksan niya 'ko ng pinto tsaka naman siya nag salita.

"Niyaya pala ako ni Tita para sa celebration mo ng birthday bukas."

Sinabi na pala niya 'yun kay Scott. Si Mama talaga, sinabi ko ng kami-kami nalang eh. Sinabihan pa talaga niya si Scott.

"Hindi mo kailangang pumunta kung ayaw mo."

I Kissed The Playboy..Where stories live. Discover now