IKTP - 20

14K 458 18
                                    

Tinignan ko ang gallery ng cellphone ko para i-check kung 'yung wallpaper ko lang ba ang picture niya dito. Pero pag dating ko ng gallery puro selfies niya ang nakita ko. Mga 15 photos din ata 'yun. Meron din siyang mga kuha na kasama sila Mama at Ate.

Grabe!! Cellphone niya?

Hay! Loko talaga 'yung si Scott!

Hindi ko na ulit ipapahawak sa kanya 'yung cellphone ko!

Itinabi ko nalang 'yung cellphone ko sa side table ko. Kumuha nalang ako ng libro at nag basa pang palipas ng oras. Ayaw kong ma-bored, wala pa na ngang pasok sa school pati pa sa trabaho kaya magbabasa na lang ako.

Hindi ko na namalayan ang oras sa pagbabasa ko at nakaramdam ako ng antok.

Nagising ako mula sa pag kakatulog ko. Inunat ko ang katawan ko sa kama habang humihikab.

Bumangon ako sa kama, nag lakad ako palabas ng kwarto ko at bumaba sa  hagdan. Hindi pa man din ako tuluyang nakakababa narinig ko namang nag uusap si Mama at Ate.

"Don't worry about her, Ma." Dinig kong sabi ni Ate.

"Hindi mo maalis sa'kin 'yun Nanay ako eh. Maiintindihan mo lang ako kapag nag ka-anak ka na." Dinig ko namang sabi ni Mama.

"I know, kaya lang ganun na si K. Hindi na siya nag papakita masyado ng emosyon niya mula nang tingin niya iwan siya ng mga tao sa paligid niya. Na pagod sigurong masaktan."

Ako pala ang pinaguusapan nila.

"Tapos na sundan pa ng pag alis nung kaibigan niyang... sino nga ulit 'yun?"

"Si Kendrick, 'yung best friend niya. Grabe din ang iyak niya nun sa pagkakatanda ko."

Ayokong ako ang topic nila. Binabanggit nila 'yung mga taong nang iwan sa'kin.

"Kaya nga mas lalo akong nag aalala, pati ang enjoyin ang birthday niya hindi niya magawa. Hanggang kailan siya ganyan?"

"At least Ma, natuto na ulit siyang ngumiti inabot lang ng maraming taon pero at least 'di ba? Nag improve. Pasalamat tayo sa kaibigan niyang si Mika at ni Jacob kaso... nag hiwalay din sila. 'Di bale may Scott naman na ngayon."

"Tama ka."

Hindi na lang ako nag patuloy na bumaba ng hagdan. Bumalik na lang ako sa kwarto ko.

Hindi ko ma-intindihan kung bakit masyado pa silang nag aalala sa'kin eh ayos lang naman ako. Ma-iintindihan ko pa kung may sakit ako eh, kaso wala naman. Pero kung iisipin tama sila nag simula ang hindi ko pagpapakita masyado ng emotion ko sa kanila noong umalis si Papa at si Kendrick na kababata ko. Ilang araw pagkaalis ni Papa, si Ken ang sumunod kaya nasaktan ako ng bongga. Lahat nalang kasi ng importante sa'kin umaalis.

Sa pagkakatanda ko pa nga noon, lagi akong nag tatanong kung kailan sila uuwi pero wala namang sumasagot hanggang sa napagod nalang din ako sa pagtatanong. Hanggang sa wala nalang akong pakialam.

Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng pinto na dahilan para mawala ako sa iniisip ko.

"K. Nandito si Mika." Boses 'yun ni Ate.

Anong ginagawa dito ni Mika?

Nag lakad ako papalapit sa pinto at binuksan ito.

"Bakit hindi ka pa bihis?" Tanong ni Mika sa pag bukas ko ng pinto.

"What do you mean?" Pagtataka ko.

"Anong what do you mean? May birthday party ka sa bahay ni Scott 'di ba?"

I rolled my eyes. "'Di ba nga sinabi ko na? Hindi. Ako. Pupunta. Sinabi ko na 'yun kay Scott."

"Ate Karoline, tulungan mo nga akong kumbinsihin si K na sumama." Mika told Ate.

I Kissed The Playboy..On viuen les histories. Descobreix ara