IKTP - 41

13.9K 399 47
                                    

Nakasay kami ngayon kay Bea, papunta sa Pangasinan kung saan ang honeymoon namin ni Scott. May bahay daw sila do'n kaya do'n namin planong mag honeymoon.

Dalawang oras lang ang nilaan namin kasama ang family and friends namin after nang kasal namin ni Scott sa isang judge. At napapangiti ako tuwing na aalala ko ang kasal na nangyari kanina.

Flashback...

"You may now kiss your bride." Judge told Scott na ngayon ay asawa ko na.

Ang bilis ng mga pangyayari at sinong magaakalang, kay Scott pala ang bagsak ko.

Hinawakan ni Scott ang magkabilang pisnge ko. Habang nakangiti, dahan-dahan niyang inilapit ang labi niya sa labi ko. Finally, nag lapat na ulit ang mga labi naming dalawa.

Tama nga siya memorable nga 'tong first kiss namin bilang couple dahil sa kasal namin nangyari 'to.

Palakpakan ang dahilan para bumitaw kami sa kiss namin ni Scott.

Tumingin kami sa mga pumalakpak na family and friends namin.

Isa-isang lumapit sa'min ang mga magulang namin para batiin kami. Si Papa at Mama teary eye, hindi ko maintindihan e pumayag naman na silang magpakasal ako. Haha.

Sunod naman na yumakap at bumati sa'kin ay si Ate.

"'Di pa din ako makapaniwalang na una ka pa sa'king ikasal." Lagi na lang 'yan ang sinasabi ni Ate simula nang magkita kami at malaman niya ang about sa kasal namin ni Scott.

"Sisihin mo si Scott, Ate."

Sunod naman na lumapit ay si Mika na may kasama pang pagtili at pagtalon.

"Grabe hindi ako makapaniwalng Mrs. Constancia ka na sa pasukan!" Laking ngiti niyang sabi na may kasamang pag-giggle.

I grin. "Oo nga e." Ang bilis talaga ng lahat. Bigla din tuloy akong napa isip. Ano kayang magiging reaksyon ng schoolmates namin at ng mga fans ni Scott ang about sa pagiging Mrs. Constancia ko.

"Patanggi-tanggi ka pa dati at puro pakipot, papakasalan mo din naman pala si Playboy." She teased.

I laughed. "Malay ko ba!"

"Ready ka na sa honeymoon mo?"

"Honestly i don't know." Ang totoo kinakabahan ako sa honeymoon namin.

Binaling ko ang tingin ko kay Scott, kausap na niya ngayon sila Papa at mukhang binibilinan siya ng mga 'to.

Tumingin siya sa'kin nang mapansin niyang nakatingin ako. Ngumiti lang siya sa'kin at sinuklian ko naman din agad ng ngiti 'yon.

End of flashback...

"Ba't parang ang lalim ng iniisip ng asawa ko?" Tanong ni Scott kaya na ibaling ko ang tingin sa kanya.

"Iniisip ko lang 'yong kasal natin kanina."

"Mmm." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito habang nakatingin sa kalsada.

"Hindi ka ba nagsisising nagpatali ka na agad sa'kin?" Tanong ko.

"Hindi! Bakit pa 'ko magaaksaya ng pagod sa pagaasikaso ng kasal natin kung pagsisisihan ko lang din pala?"

I laughed. "Kung sabagay!"

Hinayaan ko na lang siya na makapag focus sa pagmamaneho niya para makarating na din kami sa bahay nila sa Pangasinan at makahiga na. Hinahanap na ng katawan ko ang paghiga sa malambot na kama e.

I Kissed The Playboy..Where stories live. Discover now