IKTP - 6

18.1K 541 20
                                    

I'm on my way to school again, humihikab pa 'ko habang nasa byahe medyo inaantok pa kasi ako dahil hanggang closing ako sa Cafe, dagdagan pa ng pagbabasa ko kaya eto puyat na naman. Mas masarap kasing mag basa sa gabi eh, tahimik.

Pag dating ko ng school, nag park lang ako tsaka ako bumaba ng kotse ko. Sinimulan ko ang mag lakad ng campus papuntang classroom ko pero habang nag lalakad nakita kong sasalubungin na naman ako ni Scott at may bitbit pa 'tong bulaklak kaya pinag titinginan siya ng mga girls.

"Good morning, Koko!" He greeted.

"It's Korra!" Pagtatama ko pero 'di niya lang pinansin 'yun at inabot niya 'yung bulaklak sa'kin. Mukhang hindi na kuntento ang ugok sa paper flower kaya nag bigay na din ng totoo bulaklak.

"A beautiful flowers for a beautiful lady." He said smiling.

"Dapat ba 'kong kiligin dyan?" I coldly asked.

"Hi-hindi mo ba na gustuhan?"

"Hindi. Nag sayang ka lang ng pera, malalanta din 'yan."

Nag patuloy nalang ako sa paglalakad nang hindi inaabot ang bulaklak na binigay niya. Hindi kasi talaga ako mahilig sa mga ganun, ang korni kasi. Mas na a-appreciate ko pa ang pagkain kesa flowers. Sa pagkain kasi mabubusog pa 'ko.

Nakarating ako ng classroom at nakita ko na si Mika sa upuan niya.

"I knew it." Sabi niya habang papa-upo palang ako sa upuan ko.

"You knew what?" I asked, sitting.

"I knew it hindi mo tatanggapin ang pa-flowers ni Scott."

"Alam mong bibigyan niya 'ko ng bulaklak?"

"Oo, nakita ko siya. Winarningan ko naman siya na you're not into romantic thingy hindi kaso hindi siya nakinig."

"Hindi ako makapaniwalang ang dami mong ikinu-kwento sa kanya tungkol sa'kin."

She shrugged, smiling. "Nagtatanong eh. Type ka talaga niya, bakit hindi mo pag bigyan?"

"Hindi ako interesado."

"Eh siya mukhang interesado talaga," Sabi niya habang naka tingin sa dirkesyon ng pintuan. Tumingin ako sa direksyon ng pintuan at si Scott ang nakita kong naka sandal sa pintuan habang hawak pa din ang bulaklak.

"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko.

"Iniisip ko muna kung lalapit ba 'ko sa'yo."

"'Wag mo nang subukan!"

Hindi niya pinakinggan 'yung sinabi ko at umalis siya sa pagkakasandal sa pinto para sinimulan maglakad papalapit sa direksyon ko.

Inabot niya ulit sa'kin 'yung bulaklak pero hinawi ko lang 'yun. "Playboy ka ba talaga? Alam mo wala kasi sa awra mo ba na mangulit sa nililigawan mo?" Irita kong sabi. Pero kahit irita na 'ko ngumiti parin ang gago.

"May nakakatuwa ba sa sinabi ko at nakangiti ka pa din?" Tanong ko.

"Oo, dahil binigyan mo na tayo ng label sweetie."

"Ha?" Kailan ko sinabi 'yun? Imbento talaga 'tong kumag na 'to.

"Nakalimutan mo na agad? Kakatanong mo lang kung nasa awra ko ba ang mangulit ng nililigawan and i know you're referring to yourself, kaya ikaw na mismong nag sabing nililigawan kita."

"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin."

He smirked. "I don't care." Nilapag niya 'yung flowers sa table ko at hinalikan ako sa forehead ko. "See yah later, sweetie." He winks.

Nag simula na siyang mag lakad palabas ng classroom, pinanuod ko lang siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

"Obvious naman kung bakit ka niya kinukulit," Mika murmured. I looked at her. Kinuha niya 'yung bulaklak sa table ko at inamoy ito. ",gusto ka kasi talaga niya."

"Lahat naman gusto niya."

Inilapag niya 'yung bulaklak ulit sa table ko. "Pero hindi lahat kinukulit niya."

"Nandyan na si Sir." Sabi nung lalakeng classmate namin kaya nahinto ang pag uusap namin ni Mika. Itinabi ko nalang 'yung bulaklak para hindi istorbo sa pagaaral ko.

Nang matapos dumating ang free time...

Lumabas kami ni Mika sa classroom namin. Wala akong choice kundi bitbitin 'yung bulaklak na binigay ni Scott sa'kin dahil hindi naman pwededng iwan ko 'to sa classroom kasi sa ibang classroom na kami mamaya after ng free time namin.

Habang nag lalakad papuntang canteen may humarang sa daan namin na dalawang babae at mataray kung tignan ako.

"May kailangan kayo?" Wala sa mood kong sabi. Kung away hanap ng mga 'to, mali ang napag diskitahan nila.

"Ikaw ba si Koko?" Tanong nung babaeng mataray, sabay tingin sa'kin mula ulo hanggang paa.

"May kailangan ba kayo?" Irita kong tanong.

"Mukhang mga fans sila ni Scott." Hula ni Mika.

"Mmm. I see, so mga walang kwentang taga hanga pala ng bwiset na si Scott ang mga 'to." Kaya pala Koko din ang tawag nila sa'kin. Bwiset talagang Scott 'yan pauso ng pangalan.

Nag lakad siya ng mas malapit sa'kin na tila 'di nagustuhan ang sinabi ko. Plinano niya akong sampalin pero napigilan ko 'yun sa pamamagitan ng pag hawak sa kamay niya. Patapon ko 'tong binitawan at sinamaan siya ng tingin.

"Kapag inulit mo 'yan, uubusin ko na buhok mo." I warned.

Nag patuloy nalang ulit kami sa paglalakad, binunggo ko pa nga si taray dahil sinisira niya ang araw ko. Nakikidagdag pa siya sa pangungulit ni Scott.

Sa pag dating namin sa canteen dumiretso kami sa bilihan ng pagkain at dun si Scott naman ang naka salubong. "Hi, sweetie-" Bigla ko siyang hinampas nung bulaklak na binigay niya sa dibdib niya. Mahina lang naman.

"Kunin mo na nga lang 'yan, pabigat sa buhay eh." Irita kong sabi. Kinuha naman niya 'yun at pero hinawakan naman niya 'yung kamay ko na ikinainis ko.

"Bumitaw ka nga!"

"May gagawin ka ba bukas?" Tanong niya nang hindi pinapansin 'yung irita ko sa kanya.

"Ano bang pakialam mo?"

"Yayayain sana kitang mag date."

"Ayoko!" Hinila ko 'yung kamay ko at sinimulan ng mag lakad.

"C'mon, wala namang pasok bukas eh."

"May pasok ako sa Cafe."

"Edi bago ka mag trabaho sa Cafe."

"Ayoko pa din."

"Susunduin kita bukas sa inyo." Bigla kong naibaling ang tingin sa kanya dahil sa gulat.

"Alam mo kung saan bahay ko?"

"Oo, sinabi ni Mika."

Oo nga naman! Si Mika nga naman! Tumingin ako kay Mika, nag peace sign lang siya sa'kin. Nalakaloka talaga siya! Anu-ano pa kaya ang sinabi niya kay Scott tungkol sa'kin?

"Koko," Tawag ulit ni Scott sa'kin.

"Bakit?"

"Bukas ha?"

I rolled my eyes. "Fine, basta 'wag ka ng pumunta ng bahay. I-text mo nalang kung saan." Mamaya magpakilala din siyang boyfriend ko tulad ng ginawa niya kay Ate.

He smiled. "Okay."

--

Sorry maksi. ✌

I Kissed The Playboy..Where stories live. Discover now