IKTP - 16

14.1K 498 27
                                    

Biglang sinandal ni Scott ang ulo niya sa balikat ko at tila siya matutumba kaya inalalayan ko agad siya.

"Scott," Tawag ko sa kanya pero hindi siya nag respond. "Constancia!" Tawag ko ulit pero hindi na naman siya nag respond.

"Mika!" Tawag ko sa kaibigan ko. Dali-dali siyang lumapit sa'kin.

"Tulungan mo 'kong dalhin si Scott sa clinic." I told her.

Tumango lang siya bilang sagot. Hinawakan namin ang magkabilang kamay ni Scott at ini-akbay 'to sa'min para pagtulungan siyang dalhin sa clinic.

Nang madali namin siya sa clinic, inihiga namin siya sa kama tsaka siya inasikaso ng nakatokang nurse. Nilagyan lang siya ng basang bimpo sa forehead nito tsaka din naman may tinanong sa'kin ang nurse.

"Kung gusto mo ikaw na ang pumunas ng katawan niya ng basang bimpo para makatulong sa pagbaba ng temperature ng katawan niya."

"Ako? Bakit ako?"

"Ikaw kasi ang girlfriend." Pangaasar ni Mika.

"Hin-"

"Sweetie." Hindi ko na natuloy ang pagsasalita ko dahil sa pagtawag ni Scott sa'kin.

Haay!

Kinuha ko na 'yung basang bimpo sa nurse tsaka ko sinimulang punasan si Scott.

Una kong pinunasan ang mukha niya sunod ang leeg niya.

"Pati katawan niya beb!" Sabi ni Mika mula sa likod ko.

"Tama siya, pati katawan niya." Panggagatong pa ng nurse.

Pambihira naman oh!

Wala na 'kong nagawa. Inisa-isa ko nang tanggalin sa pagkaka-botones ang polo niya hanggang sa maubos ko 'to.

Sinimulan ko na siyang punasan sa chest niya na medyo naiilang pa nga ako. Paanong hindi ako maiilang eh ngayon ko lang 'to ginawa sa buong buhay ko.

"Wow! Ang hot talaga ni Scott." Dinig kong sabi ni Mika.

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. "Tumigil ka nga dyan! May Enzo ka na 'di ba? Bakit pinagpapantasyan mo pa si Scott?!"

She laughed. "Ang selosa mo beb, humahanga lang ako sa katawan ni Scott hindi ko naman siya aagawin sa'yo nu."

"Sinong nagsabing nagseselos ako?!"

"Shh! Both of you!" Nurse scolded us.

Tumayo nalang ako sandali at hinarang 'yung kurtina.

"Aba gusto mo talaga siyang solohin ah." Biro na naman ni Mika.

"Isa pang biro Miks, sasabihan ko si Scott na 'wag ituloy ang plano niyang i-setup ng date sa'yo si Enzo!" Banta ko.

"Woe! Oo na! Titigil na po."

Buti naman!

Binaling ko ulit ang tingin kay Scott na natutulog pa din sa kabila ng ingay namin ni Mika.

Ibinaba ko ang tingin sa katawan niya at tama nga si Mika, hot 'tong ugok na 'to.

Iniling ko ulo ko. Pambihira kung anu-ano na naiisip ko.

Pinagpatuloy ko nalang ang pag punas sa katawan ni Scott, hindi nalang ako tumitingin sa katawan niya para hindi masyadong nakakailang.

Nang matapos ko siyang punasan, sinara ko na 'yung damit niya. Pinagmasdan ko pa muna siya at bigla kong naisip 'yung sinabi niya kanina bago siya mawalan ng malay.

Ang sabi niya in love na siya sa'kin. Totoo kaya 'yun? Baka naman nag de-deliryo lang siya kaya kung anu-ano na ang sinasabi niya. Tama! May sakit siya kaya baka dahil lang dun kaya niya 'yun nasabi.

I Kissed The Playboy..Where stories live. Discover now