IKTP - 11

15.4K 528 13
                                    

Mom is busy... busy sa pag luluto dahil darating ang panganay niyang anak kasama ang boyfriend niya. Habang ako nandito lang sa sala habang nag babasa. Off ko kasi sa trabaho kaya sitting pretty lang ako dito sa bahay.

Habang busy ako sa pagbabasa narinig ko na nag ring ang cellphone ko. Sinarado ko muna 'yung libro ko kinuha 'yun mula sa lamiseta. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at napa irap ako nang makita si Scott 'yun.

"What?" I answered it.

"Namimiss kita."

"Kung makasabi ka ng miss mo 'ko, parang tayo na ah?!"

"Gusto mo ba?"

"Siraulo!" Kung tanungin niya 'yun parang nanghihingi lang siya ng piso.

I heard him laughed. "Napaka sweet mo talaga."

I rolled my eyes. "Ano bang kailangan mo?" Tanong ko.

"Namimiss nga kita."

"Hindi kita namimiss!"

"Aww! That's very sweet."

"Ibaba ko na 'to!"

"No wait sweetie, i still want to hear your voice."

"Wala ka namang matinong sinasabi eh."

"Matino naman 'yung sinabi ko ah?"

"Sabi mo eh, baka mag tampo ka na naman."

He laughed. "Gusto ko talaga kapag kausap kita, napapatawa mo 'ko."

"Hindi naman ako nag jo-jokes ah?"

"Oo nga! Pwede ba kitang puntahan dyan?"

"Scott, mag ga-gabi na. Ano pang gagawin mo dito? At tsaka darating ngayon si Ate kasama ang boyfriend niya."

"I see, edi pupunta din ako dyan para may kasama ka ding boyfriend."

"Sira-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya 'kong binabaan. Haay! Paniguradong pupunta talaga 'yun, unstoppable pa naman 'yung ugok na 'yun.

Tumayo nalang ako mula sa pagkakaupo ko dito sa couch at nag lakad ako papuntang kusina kung saan nandun si Mama.

"Ma, uhm uh ayos lang po ba na dagdagan nyo kunti 'yung niluluto mo? Darating din po kasi si Scott."

"Really?"

"Yah. Nabanggit ko kasing pupunta dito si Ate kasama ang boyfriend niya kaya ang sabi niya pupunta din siya."

Hindi ko nalang pala sana sinabihang pupunta din dito sila Ate edi sana hindi siya nakaisip na pumunta dito.

"Okay sige, da-dagdagan ko ang lulutuin ko."

"Salamat po." Bumalik na 'ko ng sala pagkatapos kong sabihin kay Mama na darating ang manliligaw kong makulit.

Naisip kong magbasa ulit habang hinihintay ang mga bisita namin.

Lumipas din ata ang kulang-kulang isang oras nang may marinig akong nag doorbell. Binaba ko 'yung binabasa kong libro tsaka ako tumayo para pag buksan na 'yung nag doorbell.

Pag bukas ko si Scott ang nakita ko na may bitbit na tingin ko ay cake.

"Hi, sweetie." Bati niya.

"Hi." Walang gana kong bati. "Pasok ka."

Sumunod naman siya sa sinabi ko.

"Ma, nandito na si Scott!" Halos pasigaw kong sabi.

Ilang sandali lang nagpakita si Mama na may apron pa. "Hi, Tita." Bati ni Scott kay Mama tsaka ito nag mano bilang pag galang.

I Kissed The Playboy..Where stories live. Discover now