Chapter 27

14.8K 266 65
                                    

Sandara Elizabeth's POV

After 3 days....

"Uy! Mag-kwento ka naman sa nangyari sa trip niyo ni Taeyang."

Aish. Kanina pa 'yan. -____-

Nangungulit tungkol sa nangyari nung nakaraan na pauwi kami dito sa Manila.

Si Taeyang naman kasi eh. Binroadcast pa na sabay kami uuwi.

Pwede naman na huwag nalang ipaalam sa ib------ oops. Joke. (-__-')

"Mag-kwento ka na kasi!" pagpupumilit niya.

"Anong ikukwento ko? Wala namang nangyari. Umuwi ka na nga."

Walang nangyari? Meron. Madami.

"Walang nangyari? Bakit antagal niyo makabalik sa Manila noong araw na 'yon? Dali na. Magkwento ka na. Andaya mo naman eh!" sabi niya.

"Wala nga. Dali na, tayo ka na diyan. Hinahanap ka na ni Tristan." sabi ko habang pinipilit siyang tumayo.

Napangiwi ako dahil may biglang sumakit sa tuhod ko.

"Andaya mo talaga." saad niya nang tuluyan siyang makatayo.

"Wala talagang nangyari. Sige na, umuwi ka na. Love you, Bommie! Hehe." sambit ko habang tinutulak siya palabas.

"Hmp. Damot." naiinis niyang sabi at umalis na.

Nag-wave ako ng "goodbye" sa kanya pero inirapan niya lang ako. Hahaha.

Nang tuluyan siyang makaalis, napaupo ako sa sofa.

Napapikit ako.

"I really missed you. Come here...."

*LUB DUB LUB DUB*

Napahawak ako sa may dibdib ko.

*LUB DUB LUB DUB*

Napadilat ako.

"Ano na namang nangyayari sa akin?" bulong ko.

Flashback

Andito kami ni Taeyang ngayon sa isang park na malapit sa Pampanga. Magga-gabi na at hindi pa rin kami nakakausad dito sa Pampanga. -____-

"Saan pa tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

Sabay kasi kami pabalik sa Manila kaso sa iba niya ako dinala. At ang mas malala, pinaalam niya kela Bommie na kami ang sabay.

Ano nalang iisipin nila? Urrgh.

"Dito muna tayo." sabi niya.

"Anong dito? Uulan na oh!" sabi ko.

Makulimlim na kasi at mukhang uulan. Kumukulog na rin.

Atsaka madami-dami na din kaming napuntahan kanina, okay na 'yon. Wag siyang ano diyan.

"Ano naman? Edi maligo tayo." sabi niya ngumiti.

Maya-maya ay may biglang tumulo sa braso ko.....

"Taeyang, umuulan na! Tara na!" sambit ko at hinila siya--- pero dahil malakas siya, naunahan niya ako at siya ang unang kumapit sa kamay ko at hinila niya ako papalapit sa kanya.

Napaharap ako sa kanya.

"Dito muna tayo." sabi niya.

Wala na. Basang-basa na kami. Malakas kasi ang buhos ng ulan.

"Dito mo mukha mo!" sabi ko at sinipa sa kanya ang tubig na nasa paanan ko para mas lalo siyang mabasa.

Tumakbo ako bigla.

MIMMF Book 2: Innocent No More Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon