Chapter 35

6.6K 125 34
                                    

Bommie's POV

"Dara, samahan mo ako." sabi ko sa kanya.

Nasa bahay ko kasi siya dahil pinapunta ko siya kahit magga-gabi na. May importante kasi kaming gagawin.

Sobrang importante.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya sakin.

"Kay Tristan." seryoso kong sagot.

Napatayo siya at lumapit sakin.

"Ano? Ano naman gagawin mo dun?" tanong niya.

"Tatanungin ko lang naman kung mahal niya pa ako. Kasi ako, mahal na mahal ko pa rin talaga siya."

"Huwag na. Huwag mo na gawing tanga ang sarili mo, Bommie. Hayaan mo siyang lumapit sayo." sabi niya sakin.

"Para alam ko kung titigil na ba ako o hindi." mahina kong sagot at yumuko.

I heard that she let out a heavy sigh.

Napatingin ako sa kanya.

"Uhm. Sige. Sasamahan kita."

Napangiti ako--- peke.

"Sala-----"

"Pero, i-promise mo sakin na hindi ka magpapakatanga kapag nakaharap mo na siya." sabi niya.

"Oo, promise." sabi ko at ngumiti ulit.

"Tara na." sabi niya.

Umayos na kami at lumabas na sa bahay ko.

"Kotse ko nalang ang gamitin natin." saad niya.

Tumango nalang ako as sagot sa kanya.

Pumasok na kami do'n at nagsimula na siyang mag-drive.

Pinanlamigan ako.

Kinakabahan ako sa pagkikita namin ni Tristan. Kinakabahan ako sa sasabihin ko. Kinakabahan ako sa itatanong ko. Kinakabahan ako sa gagawin ko.

"Ayos ka lang ba?"

Napatingin ako kay Dara dahil sa tanong niya.

Huminga ako ng malalim.

"O-oo. Ayos lang ako." sagot ko.

Matapos ang ilang minuto, nakarating na kami sa tapat ng bahay ni Tristan.

Nakita kong nag-aalis na ng seatbelt si Dara.

"Huwag. Dito ka na lang, Dara." seryoso kong sabi.

"Bakit?" nagtataka niyang tanong.

"Dito ka na lang. Ako nalang mag-isa ang pupunta." sagot ko habang nakatingin sa bahay nila Tristan.

Tristan.. Tristan.. Tristan..

Bakit ka naging ganito, Tristan?

"Sigurado ka?" tanong niya ulit.

MIMMF Book 2: Innocent No More Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon