Chapter 44

3.9K 99 34
                                    

Third Person's POV

"Habulin niyo 'yon! Baka narinig niya usapan natin!"

"Hala boss, paano kung talagang narinig niya? Baka isumbong tayo sa pulis!" sabi ni Kiefer kay Harry.

"Edi papatayin niyo."

Nilabas ni Harry ang baril niya.

"Teka. Boss, hindi kami pumapatay ng walang dahilan." apela ni CJ.

"May dahilan, CJ. Nakinig siya sa usapan natin."

"Atsaka ano pang hinihintay niyo? Habulin niyo na!" utos ni Harry.

Hinabol na nila Kiefer si Harin.

"Ayun siya, Pare oh!" turo ni Seb sa tumatakbong si Harin.

"Halika dito!!!" sigaw ni CJ kay Harin.

Patuloy pa rin ang pagtakbo ni Harin.

Nilabas niya ang cellphone at binuksan iyon.

Binuksan niya ang contacts.

Calling Kuya Taeyang..

Aksidente niyang napindot ang pangalan ni Taeyang. Pero pinatay niya agad ang tawag.

Nilagay niya naman ang recording na nakuhanan niya kanina sa madaling makita sa cellphone niya.

Nilagyan niya ng label na "OPEN."

"Dalian niyo tumakbo!" sigaw ni Kiefer kela Seb.

"Easy. Haha!" sabi ni Seb.

Malapit na nilang maabutan si Harin.

Nang hindi na magawang makapindot ni Harin sa cellphone, pinatay niya na ulit ito at tinago. Tumakbo siya.

"H-hala..." bulong ni Harin habang umiiyak.

1........

2.......

3.......

May biglang humarang na kotse sa harapan ni Harin. Nagulat siya.

Umiyak ng umiyak si Harin.

Bumaba ang nasa loob ng kotse.

Ngumisi siya.

"Gotcha."

"H-huwag po...." pagmamakaawang sabi ni Harin kay Harry.

Naabutan na nila Kiefer si Harin.

"Bilis talaga neto ni Boss oh." sabi ni CJ.

Hindi pinansin ni Harry ang sinabi ni CJ.

"Hawakan niyo na 'yan." utos niya.

Hinawakan na ni Kiefer at Seb si Harin.

"Eh jackpot pala tayo eh. Kapatid 'to ni Faith!" sabi ni CJ.

MIMMF Book 2: Innocent No More Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon