Special Chapter (TrisBom)

3.1K 64 21
                                    

Bommie's POV

(After the wedding ceremony of Jiyong and Faith)

"Hmp! Bwiset! Ampangit nung katabi niya! Sana sa susunod, piliin niya naman kung kanino siya tatabi."

Nakatingin lang ako sa kanya.

"Pangit din naman siya. So, quits na sila. Pangit nila. Che!"

"Huy!"


"Ay punyeta— anong ginagawa mo dito, Kenneth?!"

Bwiset talaga 'tong taong 'to eh. Bigla-biglang sumusulpot.

"Nakaharang ka diyan. Dadaan sana ako kasi daanan 'to. Eh bigla kitang narinig na tina-trashtalk si Tristan." sabi niya at ngumisi.

"A-ako?! Tina-trashtalk si Tristan?! Hindi ah!!! ... Tsaka wala na akong pake sa kanya noh!"

Okay. Nagi-stammer ako. Ayoko na. Lamunin sana ako ng lupa.

Nagulat ako nung bigla niya akong nilapitan.

"Woy!"

"Huwag mo na i-deny. Obvious masyado. Puntahan mo na siya— mahal ka nun."

Ngumisi siya sakin at kumindat.

"Leche. Umalis ka sa harapan ko." inirapan ko siya.

"Bye Bommieeee~" nang-aasar niyang paalam sakin. I just glared at him. Peste talaga yung kumag na yun eh.

Mahal ka nun.

Mahal ka nun.

Mahal ka nun.

Napashake ako ng ulo ko.

Paano kung mahal niya pa talaga ako? Pero pano kung may mahal na din pala siyang iba? Sino yung nakita ko sa arena? Bakit niya ako biglang iniwan sa ere?

Napatingin ako sa kanya.

Bakit niya ako nagawang ipagpalit kung mahal niya ako? Am I not enough? Hindi ko man kamukha si Liza Soberano, pero alam kong mas maganda ako dun sa babaeng nakita ko sa arena.

Tss. Naiinis lang ako kapag naiisip ko yun.

Nung nawala ako, bumaba taste niya!

Napatingin ulit ako sa katabi niya— medyo pahaba yung shape ng face niya, chinky eyes, pointed nose, beautiful lips, mas matangkad siya sakin, short hair siya.

Ang ganda ng description ko sa kanya pero pangit pa rin siya para sakin, kaya hindi siya threat.

Mahal ka nun.

Bumalik na naman sa isip ko yung sinabi ni Kenneth. Hinayupak talaga yun eh.

Madaming questions ang bumabagabag sa akin pero isa lang ang gusto kong itanong kapag kaharap ko siya, "mahal mo pa ba ako?"

Moving-on stage? I think not.

Hangga't masakit pa, mahal ko pa rin.

Pero hindi ako bitter ah! Hindi talaga! Promise! Lalo na sa mga nakakasama niyang girls! Hindi talaga!

Sa totoo nga lang gusto ko pang mag-donate ng ganda sa kanila eh. Act of Charity ko na. :)

MIMMF Book 2: Innocent No More Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon