Chapter 43

3.7K 87 41
                                    

Joax Taeyang's POV

"Ano? Wala pa ring balita sa investigation do'n sa office?" tanong ko.

"Maya-maya tatawag dito yung kaibigan ko na tiga-NBI para malaman yung resulta." sagot ni Tristan.

Nasan kami? Nandito kami sa bahay ko at nagpa-plano ng mga gagawin namin.

Kailangan na namin ayusin lahat ng 'to dahil malapit na ang trial para sa kaso ni Jiyong. 

Malapit na siyang hatulan kung inosente siya o hindi. 

"Mga 'tol, paano kung takutin nalang natin yung babae na sabihin yung totoo? Idamay natin yung pamilya ganon!" suggestion ni Kenneth.

"Malinis tayong lalaban, Kenneth. Huwag tayong gagaya dun sa mga ungas." sabi ko sakanya.

Phone rings

Narinig namin may tumawag sa telephone.

"Tristan, ikaw na sumagot." utos ko.

Ginawa niya naman ang sinabi ko at ako pinagpatuloy ko ang panonood ng CCTV footage ng opisina nila Tita Mina.

"May resulta na?"

Patuloy kong pinapanood yung footage.

"Ano? Fabricated yung kopya na nasa office?"

Nagkatinginan kaming tatlo nila Alexander nung narinig namin yung sinabi ni Tristan.

"Well... Hindi na ako magtataka." saad ni Kenneth.

Puta. Kanina pa akong madaling araw nanonood dito ng footage tas tangina kaya pala wala akong makita ni isang bakas.

"Eh? Alam ko, tagong-tago yung security cameras at pati yung mga pagtataguan ng NVR." sabi ko.

"Fuck." 

"Na sainyo na yung original copy?"

"Si Harry Villanueva, na-background check na ba?"

Napapwesto ulit ako sa may desktop.

"Sige sige. Pupunta kami diyan right away."

Nakita naming binaba na ni Tristan yung telepono.

"Ano sabi?" tanong kagad ni Alex.

"Guys, yung pinapanood ni Taeyang, fabricated na 'yon. Nasa NBI na yung original copy nung footage sa opisina. And yung the rest, puntahan nalang daw natin sila para malaman natin." sagot niya.

"Oh, ano pang hinihintay natin?" sambit ni Kenneth.

"Tara! Tara!" sabi nila.

Inayos na nila ang mga sarili nila.

Tinapik ako ni Tristan.

"Oh, ano pang hinihintay mo?"

"Mauna na kayo. Dadaan pa ako kay Faith." sabi ko.

"Oh bakit ka pupunta do'n?" tanong nila sakin.

"May mga naiwan pa kasi akong gamit sa kanya. Kasi diba, iisang bubong lang ang tinitirhan namin?" sabi ko.

"Ah sige. Una na kami." paalam nila at sabay sabay na umalis.

Napabaling na ulit ako sa computer at nag-search.




Harry Villanueva






May mga nabasa akong articles tungkol sa kanya.

MIMMF Book 2: Innocent No More Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon