Chapter 39

4.6K 103 24
                                    

Catherine Faith's POV

Antagal naman ni Dara.

2 hours ko na siyang hinihintay. Ano na kayang nangyari sa kanya?

Psh. -___-

Ibibigay ko lang naman sa kanya yung invitation para sa presscon bukas.

Invited din siya kasi nga diba may picture din sila ni Jiyong na na-feature.

*Phone rings*

Kinuha ko ang cellphone ko sa may sala. Tinignan ko kung sino yung tumawag.

"Uh. Napatawag siya?" sabi ko at pinindot yung answer button.

Kiefer calling...

"Hello?"

[Oh hi, Chaerin!]

"Bakit ka napatawag?"

Napatingin ako sa niluluto kong beef steak.

[I just wanna ask you kung pupunta ka sa presscon bukas. The whole crew will be there kasi.]

"Ah oo. Pupunta ako. That will be my last presscon na pupuntahan ko."

Napaupo muna ako habang hinihintay kong maluto yung beef steak.

[Last? But why?]

"I just need to rest. 'Yon naman talaga ang dapat na ginagawa ko dito diba? Puro nalang kasi trabaho. Haha."

[Want me to accompany you during your rest?]

Ugh. Ayan na naman siya sa pagiging maalaga niya. Hindi ko tuloy mapigilan na ngumiti.

"No. 'Wag na, Kiefer. I can manage."

[Are you sure?]

"Yes."

[Aw okay. Kung ayaw mong samahan kita, susunduin nalang kita bukas. Okay? I won't take no for an answer.]

"Sige na nga. Haha."

[Yon! That's great!]

"Haha. Ay-- Kief, I need to hang up na ah."

[Oh sige sige. Bye Chae! See you tomorrow!]

"Bye."

Call Ended

Napangiti na naman ako.

He's very thoughtful talaga. He's really the man that every woman wants and I am that woman.

Kung hindi lang talaga ako babae, niligawan ko na 'yan si Kiefer eh.

Ewan ko ba kung bakit ako nahulog sa tarantado noon.

Sana siya nalang pala yung unang nakilala ko. Edi sana, hindi ako nangungulila sa anak ko. Edi sana, hindi ko naging kahati si Zoey.

But that's only a "sana." Well, I can say na, tragic talaga ang naging buhay ko. Wala eh. Nakakulong ako sa buhay niya.

I will try to bury everything in the past. Wala na naman akong magagawa diba? He-he.

But anyway, tapos na ang niluluto ko. Naghain na ako para sakin at para kay Dara.

*BZZT BZZT*

"Si Dara na 'yan." mahina kong sabi.

Tumayo ako at binuksan na ang pinto. Nakita ko naman si Dara na nakangiti sakin. Nginitian ko din siya.

MIMMF Book 2: Innocent No More Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon