Chapter 2

25.5K 798 23
                                    

WALANG nagawa si Kahlan ng pagbuksan na siya ni Mark nang pinto ng kotse nito. Napasunod na lang siya ditong pumasok sa loob ng kotse ng binata.

"I need to go back at GSB company, kaya kung may kailangan ka ay pwedi bang sabihin mo na." Anito kay Mark.

Parang baliwala naman kay Mark ang narinig. Agad nitong inistart ang kotse niya at pinaharurut yun. Habang nagmamaniho si Mark ay pinindot nito ang cellphone niyang nakalagay sa comforter ng kotse niya. Connected ito sa sasakyan kaya automatic na kapag may tatawagan ka o tumatawag ay direct loudspeak na yun. Kaya hindi muna kailangan pang ipitin sa tainga mo para makipag-usap sa kausap mo sa tawagan. Automatic din na kapag may tumatawag ay maririnig mo agad ang computer na iniiform ka about the incomming caller.

"Napatawag ka Villagas?" Tanong ng tinawagan ni Mark na dinig ni Kahlan.

"Napatawag ako dahil hihiramin ko lang si Miss Mendoza." Anitong kinatirik ng mata ni Kahlan.

"Gago, ibahin mo si Kahlan. Hindi siya gaya ng mga naging fling girlfriend natin, malilintikan ka talaga sa'kin at sa pinsan niyang si Dave." Ani Frank dito.

"You mean, magpinsan sila ni Dave?" Ang hindi makapaniwalang tanong nito kay Frank.

"Oo, magpinsan silang buo. At kilala mo si Dave kaya magpakatino ka." Saad dito ni Frank.

"Langyang yun, hindi sinasabi na meron siyang magandang pinsan." Ang natatawang ani Mark na kinapula naman ng mukha ni Kahlan. Kaya ibinaling na lang nito ang mata sa labas ng sasakyan upang itago ang pamumula ng mukha niya.

"Ang weird ng lalaki na 'to, kanina ang sungit niya pero ngayon ibang tao naman atah! ang kasama ko." Anito sa isip habang nakikinig sa pag-uusap nila Mark at Frank.

"Ihatid mo ng maayos yan dito sa opisina Villagas. Kundi ako ang babasag ng two balls mo." Banta ulit dito ni Frank.

"No problema boss, walang labis, walang kulang." Ang natatawang sagot nito kay Frank.

"Gago...."

"Fvck you." Saad nito kay Frank na natatawa.

"Tangina mo, desturbo ka sa trabaho." Ani Frank na kinatawa lalo ni Mark.

"Don't worry, bro, dahil I know kakailanganin mo rin ang kagwapuhan kung ito soon." Ang nakangising turan nito kay Frank.

"Tst! Bahala ka sa buhay mo, wag kana tumawag ulit para mangdesturbo kung ayaw mong ipasunog ko ang restaurant mo." Pabirong pagbabanta dito ni Frank.

"If I know, hindi kayo marunong magluto. Ako lang ang mabait na hingian niyo ng pagkain after niyo gumawa ng milagro dito." Natatawa parin nitong turan kay Frank.

"Tangina mo." Ani Frank sabay patay ng tawagan nitong kinatawa ni Mark lalo.

Ng matapus ang pag-uusap nila Mark at Frank ay pakanta-kanta lamang ito habang nagmamaniho. Napapangiti naman ng lihim si Kahlan na nakikinig sa kasama habang kumakanta ito. Hindi naman kasi pangit ang boses nito habang kumakanta.

"May tinatago rin pala itong talento sa kantahan." Ani Kahlan sa isip.

Makalipas ang ilang minuto nilang byahe ay biglang huminto ang sasakyan ni Mark sa parking lot kung saan ang pag-aari nitong restaurant. Agad itong bumababa ng sasakyan at ipinagbukas niya ng pinto si Kahlan. Kaya walang nagawa ang dalaga kung ang hindi bumaba sa sasakyan.

"Anong gagawin natin dito?" Agad na tanong dito ni Kahlan.

"Kakain tayo, hindi pa kasi ako kumakain ng breakfast. May maaga kasi akong inasikasong business kaninang umaga." Anito kinatango ni Kahlan.

I Knew You Love Me(Completed)Where stories live. Discover now