Chapter 5

23.4K 714 36
                                    


AGAD na tumuloy sina Mark at Kahlan sa restaurant ng binata. Tinawagan din kasi niya ang ibang mga kaibigan lalo na si Frank para itanong dito ang magandang gagawin niya para sa natuklasang kahinahinala sa loob ng kumpanyang pag-aari ng ama. At pagdating nga nila doon ay agad na nilang natanaw sina Frank, Brexx, Blake, Flake at Austin na nandoon.

"Ang tagal niyo." Reklamo agad ni Blake.

"So, anong atin at pinatawag mo kami? Wala ang iba dahil busy sila." Agad namang tanong ni Flake.

"Pwedi bang maupo muna kami bago ko sagutin yan." Anito sabay pinaghila niya ng upuan si Kahlan bago siya naupo.

"Kaya ko kayo pinatawag ay dahil kailangan ko ang tulong niyo. Gusto kung malaman kung sino ang nasa likod ng anumalya sa loob ng company ni Dad." Saad niya sa mga ito ng makaupo sila ni Kahlan.

"Oh! Anong nangyari?" Bigla namang tanong ng kararating lang na si JB.

Huminga muna ito ng malalim sabay tingin niya sa mga kasama. "Someone trying to steal a money on my Dad company." Sagot niya sa mga ito.

"How much?" Curious na tanong ni Blake.

"20.5 million." Anitong kinalaglag ng panga ng mga ito. "What? How about your dad, does he know about that?" Tanong naman ni Flake.

"No, nasa bakasyon sina Dad at Mom ngayon e." Anitong kinatango ng mga ito.

"May pinaghihinalaan ka ba na maaring nasa likod niyan?" Seryoso namang tanong ni Austin.

"Yeah! Ang Vice-President ng kumpanya." Deritsang sagot nito. "Kung ganon, ano ang plano mo?" Aniya naman ni Austin dito.

"Yan ang kailangan kung ihingi ng tulong sa inyo mga bro." Sagot nito sabay tanggal niya ng suot na necktie.

"Kung ang pinaghihinalaan mo ay ang Vice-President nang kumpanya ni tito Marco ay kailangan nating gawin ay pag-aralan ang bawat galaw niya, sino ang kasama nito palagi at kausap." Biglang saad sa mga ito ni Frank.

"Great, we need to start with his office. After that were going to follow him wherever his going. So, ang una nating kailangan ay ang maglalagay ng secret survelance camera sa mismong opisina niya." Agad na pagsang ayon dito ni Austin.

"Yeah! Pero, pano naman natin gagawin ang plano na yan. I mean pano natin malalagyan ng CCTV ang opisina nito kung may mga security na nagbabantay sa kumpanya?" Naguguluhang tanong sa mga ito Flake.

"It's not a big deal, pwedi ko naman siguro bigyan ng bakasyon ang mga security guard at palitan natin ng secret agent." Ani Mark.

"Great. So, bukas mo kausapin ang mga security guard ng kumpanya ng dad mo ng mapalitan natin agad. At bukas ng gabi ay magawa natin first mission natin." Saad dito ni Frank.

"Okey! so, baka pwedi muna kaming pakainin Villagas." Ang seryosong ani Blake na agad binatukan ni Austin.

"Doon ka nga pumunta sa restaurant ni Ellah at magpaluto ka kay Sally." Saad ni Austin sa pinsan nitong si Blake.

"Takot yang tamaan ng machine gun mouth ni Sally, bro. Kaya dito siya makikikain dahil wanted siya doon. Nanliligaw pero sumasideline parin kasi sa tabi-tabi." Panglalaglag dito ng kakambal niyang si Flake.

"Kingina mo bro, bakit mo ba ako nilalaglag. May utang ka pa sa'kin. Masakit pa ang sinapak ni Laine, bakit ba tayo naging magkamukha e mas gwapo naman ako sa'yo. Napagkakamalan parin nilang ako, ikaw." Ani Blake na tinawanan lang nila.

I Knew You Love Me(Completed)Where stories live. Discover now