Chapter 13

20.9K 584 20
                                    

MATAPUS mag-almusal nila Mark kasama ang mga kaibigan niya ay iginaya niya ang mga ito sa opisina niya sa loob ng restaurant niya. Dahil may sasabihin daw si Cyrus at Elijah sa kanila. At ang inaakala niya ay sina Blake, Flake, Austin at JB lang ang makikinig sa sasabihin ng dalawa. Yun pala ay nagkamali siya. Dahil ang mga kaibigan niyang hindi niya alam kung sadyang mga busy ba talaga o gwardyado de kumander na ay biglang nagsidatingan at nagsiksikan pa talaga sa opisina niya. Kung makaasta ang mga ito ay daig pa nila ang mga grade student na nagtutulakan.

"Ano ba ang sasabihin ng dalawang ito? I'm in hurry, may meeting ako ngayon." Ani Rain.

"Magsilayas na nga kayo, ang ingay niyo e." Reklamo naman ni Mark sa mga ito. Dumaan lang daw kuno ang mga ito para marinig ang sasabihin ni Elijah at Cyrus. At himala atah at interesado ang mga kaibigan niyang lahat na makinig dahil halos nandoon silang lahat. Ang magkaibigang NBI na sina Brexx at Renan ay nandoon din na pawang unipormado ang dalawa.

"Husshhh.....magsitahimik kayo, shotgunnin ko kayo isa-isa e. Ang ingay niyo samantalang ang kukuripot niyo naman." Sita ni Elijah sa mga ito. Bigla naman natahimik ang mga ito. Takot lang silang kutungan ni Elijah kaya daig nila ang nakaziper mouth.

"Mukha niyo nga ang kukuripot, yan na ang ebidensya e bigla kayong nakaziper mouth. Pero yang butas ng ilong niyo gumagalaw naman. May mautot sana sa inyo." Ang natatawang ani Elijah sa mga ito. Maging si Cyrus na nagpipigil na wag matawa ay biglang lumabas ang tawa niya.

"Wait, bro, kukunan ko lang sila ng video. Isasali natin sa mannequin challenge." Ani Cyrus na mabilis inilabas ang cellphone niya at kinunan niya ang mga ito ng video.

"Ano ang ginagawa niyo, naglalaro ng mannequin challenge? Eh! kung isa-isahin ko kaya kayo kutusan. Baka gusto niyong isumbong ko kayo sa mga kumander ninyo. At ikaw magaling na lalaki nakisali ka rin." Boses ni Raids na kinakamot nilang lahat na nandoon.

"Raids, wala akong alam sa laro nila. Tahimik lang akong nakaupo dito." Mabilis na dipensa ni X.

"Lalo na ako, Raids. Hinihintay ko lang na magsalita ang dalawang ito." Sabat naman ni Alex sabay turo niya kay Elijah at Cyrus.

"Mas lalong wala akong kinalaman sa laro nila. Ikaw bro, kasali ka rin ba?" Ani Axel sabay tanong nito kay Frank na umiling lang.

"Tst! Magkakaibigan nga kayong lahat may mga saltik ang tuktuk ng ulo sa kapraningan." Ang iiling-iling na ani Raids sa mga ito. "Ikaw tsinoy, sabihin muna ang gusto mong sabihin sa kanila ng makaalis na sila. Wag mong hintaying tsinelasin ko kayong lahat. At yang mata mong singkit ay iinatin ko yan." Utos ni Raids kay Elijah na napakamot ng batok.

"Hindi naman ako ang may sasabihin Raids kundi itong si Mendoza." Sabay turo ni Elijah kay Cyrus.

"Ako na naman." Nakasimangot nitong aniya. Ng lingonin nito si Raids ay nagbabanta ang mga mata nitong nakatingin kay Cyrus. "Fine, sasabihin ko na ang natuklasan ko about Mr Suarez." Ani Cyrus na kakamot-kamot ng ulo.

"Good. Now talk." Utos dito ni Raids. Kilala nila si Raids na kapag nagsalita ito ay walang preno at kapag binantaan ka niya ay aasahan mong lalagapak talaga sayo yun kapag hindi mo siya pinakinggan o sinunod sa gusto niya.

"Okey." Pagsuko ni Cyrus. "Si Mr Suarez ay myembro ng isang sindikato sa bansa. Ilang taon na ng magsimula ang grupo nila. Aktibo ang grupo nila sa pagbibinta ng ilegal na mga armas sa bansa. Ang grupo nila ang pinakamabilis na pinagkukunan ng mga NPA at iba pang rebelde sa Pilipinas ng armas. Malakas ang grupo nila sa pamahalaan dahil may kapit sila sa ilang opisyales ng gobyerno. Ngunit ng lumaganap nitong taon ang war on drugs at pagtuligsa ng ating bagong admin sa mga tiwaling namamahala sa ating pamahalaan ay biglang bumagsak ang negosyo nila Mr Suarez at ang grupo niya. Kaya upang matustusan ang pangangailangan nila at maisalba ang kanilang hiden business na unti-unti na papalubog ay kinakailangan nila ng malaking halaga para dito. Kaya ang kumpanya ng daddy mo ang palihim na ninanakawan ni Mr Suarez." Ani Cyrus.

I Knew You Love Me(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon