Chapter 10

21.7K 632 25
                                    

KINAGABIHAN gaya ng napag-usapan nila Mark kasama ang mga kaibigan niya ay isinakatuparan nga nila ito. Agad nilang ikinabit ang secret CCTV sa opisina ni Mr. Suarez ang bise president ng kumpanya ng ama. May ikinabit din silang mini-microphone sa ilalim ng mesa nito upang marinig nila ang bawat sinasabi nito.

"What do you think mga bro, magwork kaya ito?" Tanong sa kanila ni Rain.

"Sana bro, dahil kung hindi ay babasagin ko ang two balls ng lalaking yun." Sagot ni Tyrone na kinatawa ng mga kaibigan. "I think, tapus na ang trabaho natin dito? Kaya mauna na ako sa inyo." Maya ay paalam ni Tyrone sa mga ito.

"Tst! Ang sabihin mo ay may namissed ka lang sa bahay mo Javier." Ani JB.

"Ganun talaga kapag meron nagpapatibok nito." Sagot naman ni Tyrone sabay turo niya ng bandang dibdib bago niya tinalikuran ang mga ito.

"Thanks for the help mga bro." Maya ay pasalamat ni Mark sa mga ito.

"Nhaaaa.....what friends for." Anang luko-lukong si Jeb sabay akbay nito kay Mark. Seryoso ang mukha nito na tila ang layo ng iniisip. Na siyang ipinagtaka ng mga kaibigan niya.

"May problema ba tayo Hernandez?" Takang tanong dito ni Mark.

"A-ano? Wala, bro, may iniisip lang ako." Sagot nito. Ngunit tila hindi kumbensido ang mga kaibigan niya sa sagot nito pero pinili na lang nilang manahimik.

Matapus nga ang trabaho nilang magkakaibigan ay agad nilang tinungo ang kani-kanilang mga sasakyan at nagsiuwian. Si Mark naman ay sa bahay ng magulang ni Kahlan agad siya tumuloy. Meron daw kasing hinandang dinner ang ina ng dalaga.

Agad inipark ni Mark ang dalang sasakyan sa labas nang tahanan ng mga Mendoza bago siya lumabas ng sasakyan. Nagdoor bill muna si Mark ng marating niya ang mean gate ng malaking bahay. Hindi rin naman nagtagal ng may magbukas noon. Kaya agad siyang pumasok sa loob at nasa labas pa lang siya ay dinig na niyang tila nagkakatuwaan sa loob ng malaking bahay.

"Ehmmm....good evening." Bati ni Mark na bahagyang tumikim muna upang makuha ang atensyon ng mga ito. Ang lahat naman ng naroon ay napatingin sa kanya. Ng makita naman siya ni Kahlan ay agad itong tumayo at nakangiting nilapitan ang seryosong si Mark. Hindi kasi nakaligtas sa mata ni Mark ang lalaking katabi ni Kahlan sa kinauupoan nito bago siya dumating.

"Hey! are you okey?" Agad ditong tanong ni Kahlan at agad nitong ginagap ang kamay ng binata.

"Yeah! I'm fine. I'm just miss you." Sagot nito na agad dinampian ng halik sa labi si Kahlan. Wala siyang pakialam kung may nakamata sa kanila. Dahil gusto lang nitong iparating sa mga itong Kahlan is only for him. Ayaw niyang may kahati siya sa babaeng mahal niya. At sa isiping yun ay biglang lumundag ang puso ni Mark na para bang nasagot ang mga katanungan sa isip niya nitong nagdaang mga araw kung ano ba ang totoong pagtingin at nararamdaman niya para kay Kahlan.

"I miss you, too." Sagot dito ni Kahlan at agad siyang inakay.

"Kumusta ang trabaho, iho?" Agad na tanong ng ama ni Kahlan ng makalapit sila sa mga ito. Tila nagmamalaki ang ginoo sa mga taong kasama nila.

"Doing good, tito." Tipid nitong sagot matapus nilang maupo ni Kahlan.

"Siya nga pala, siguro ay nagtataka kayo kung sino siya." Anang ama ni Kahlan na naupo ng tuwid. "Gusto kung ipakilala sa inyo si Mark Anthony Villagas." Pakilala ng ginoo kay Mark. Tipid namang ngumiti si Mark sa mga ito.

"Kaano-ano mo si Marco Antonio Villagas, iho?" Tanong ng lalaking nasa harap ng kinauupoan nila Mark at Kahlan.

"His my Dad, Sir." Sagot nito.

"Oh! so, you mean you are the owner of MAV Restaurant. One of the high class restaurant here in Manila?" Ang tila hindi makapaniwalang tanong ng lalaki kay Mark.

I Knew You Love Me(Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora