Chapter 20

23.2K 687 16
                                    

LUMIPAS ang buwan at sumapit ang araw ng pag-iisang dibdib nila Mark at Kahlan. Gaya ng inaasahan ni Mark ay uulanin naman siya ng mga kaibigan niya sa pagbuksa. Lalo pa dumami sila. Nitong nagdaang mga araw kasi ay nakilala nila ang mga pinsan ni Renan na si Lance at Lawrence, ang kapatid ni Yugene na si Chase, ang pinsan ni Frank na si Andrie at si Simon na dating inaasar nila ay ngayon bumabanat na rin siya ng pang-aasar sa kanila. Dahil kaya na nitong makipagsabayan sa kanila. Marami man ang nangyari sa kanilang lahat sa mga taon at buwang lumipas ay masasabi nilang nanatiling matatag ang pagkakaibigan nilang lahat.

"Kahlan ano itong nasa binti mo?" Tanong ng natatawang si Nicole kay Kahlan. Nasisiguro na kasi ni Nicole na meron iipiting baril ang kaibigan nilang ikakasal kaya kinapa niya ang binti nito at hindi nga siya nagkamali. Nakasimangot naman siyang binalingan ni Kahlan.

"Loka-loka ka talaga, ikakasal ka ngayon. Hindi sasabak sa gyera." Sabat naman ni Jham.

"Wag mong tanggalin yan sis, incase na meron umipal sa kasal mo ay bigyan mo ng sample." Sigunda naman ni Raids na kinatawa nila. Malaki na tiyan nito sa una nilang anak ni Rain.

"Sabihin mo lang kung need mo ng back up at magdadala kami ng dos for dos." Saad naman sa kanila ni Mizzy na agad nakipag high five sa kanya si Jasmine na natatawa rin.

"Gusto niyo e ako ang gumawa ng bomba para sa mga lintang kumakapit sa mga asawa natin." Ang sabat rin ni Aslea Dennisse sa kanila.

"Naku! sis kapag binomba mo sila ay baka dumanak lang ang dugo ng mga hitad sa mundo. Kaya maganda e ipoison muna lang sila." Mungkahi naman ni Ellah na kinatawa ni Sheryn.

"Alam niyo, para kayong mga ewan. Nhaaaa.....buti hindi understanding ang mga asawa niyo kundi baka pumatong na sila sa kabilang bakod." Ani Cynth na tinawanan lang nila.

"Hindi niyo pa kasi alam ang feeling ng may asawa na. Kapag ikinasal na kayo sa mga boyfriend niyo ay malalaman niyo kung ano ang feeling naming mga legal wife." Anang asawa ni Frank na si Erica.

"Oh! siya kailangan na nating lumabas dito. Baka himatayin na ang groom kapag nalate tayo dito." Singit sa kanila ni Kath.

"Yeah! hindi na daw mapakali si kuya sa loob ng simbahan sabi ni Elijah." Saad naman sa kanila ni Sam.

Kaya maingat na inalalayan ni Kath at Sam si Kahlan sa paglalakad nito.

"Okey! ka lang?" Biglang pag-aalala ang makikita mo sa kanilang magkakaibigan ng makita nilang tila nahihilo si Kahlan.

"Yeah! I'm fine. Parang nahihilo lang ako." Sagot nito. Nagkatingnan naman ang magkakaibigan sa sagot ni Kahlan.

"Kailan ang huling period mo?" Curious ditong tanong ni Erica. Napakagat naman ng labi si Kahlan na nag-isip. Natutup na lang niya ang bibig ng maalalang magdadalawang buwan na pala siyang walang period.

"Almost two months." Kagat labi nitong sagot.

"Kapag ba nagtatanim ng saging si Mark sa gabi ay gumagamit siya ng protection?" Tanong naman sa kanya ni Raids. Mabilis naman siyang umiling bilang sagot. "Ayun, sigurado akong nakabuo na si Mark. Nagbunga ang pagtatanim niya sabay gabi-gabing pagdidilig niya." Ang nangingiting aniya pa ni Raids na sinang ayunan nila.

"Gaya ng asawa ko mahilig magtanim sa gabi." Sabat ni Aslea Dennisse na kinatawa nila. "Lahat naman sila mahilig magtanim ng saging. Abah branch atah ng Del Monte ang mga saging nila. At proud akong XL ang Del Monte." Aniya pa ni Erica.

"Maganda nga ang Del Monte dahil malaki na mahaba pa at makinis with a light color. Wag lang Saba, XS na nga dark color pa." Sabat naman ni Mizzy na kinatawa nila lalo.

I Knew You Love Me(Completed)Where stories live. Discover now