Chapter 19

20.7K 624 13
                                    

Warning:RATED SPG

MATAPUS ang maghapong trabaho ni Mark sa kumpanya ng kanyang ama ay pabagsak siyang naupo sa kanyang swivel chair. Ngunit agad din namang napawi ang pagud niya ng makita ang nobyang kapapasok lang sa kanyang opisina. Meron itong bitbit na plastic bag.

"Hey!"

Nakangiting bungad sa kanya ng nobya na bahagyang itinaas ang dala niya.

"Lumabas ako habang meron kang meeting kanina and I brought this." Anito sabay lapag niya ng binili sa mesa ng nobyo bago siya dito lumapit at agad na kinintalan si Mark sa labi ng halik.

Ng dumampi sa labi ni Mark ang labi ng nobya ay agad niya itong hinapit sa baywang. Kaya bumagsak ito sa kanyang kandungan.

"Honey." Saway nito sa binata sabay simangot niya ng hapitin siya nito sa baywang na siyang dahilan upang bumagsak siya sa kandungan nito. "What?" Painosente nitong turan sa nobya ngunit nakangiti ng pilyo.

"Umayos ka nga," saad nito sa binata sabay tampal niya sa noo ni Mark ng mahina. "Halika at kainin natin ang binili kung cake." Yakag nito kay Mark.

Natatawa namang pinagbigyan ng binata ang nobya. Agad nga nilang kinain ang binili nitong meryenda.

"Let's go home, kailangan pa nating daanan ang restaurant." Aya nito kay Kahlan ng matapus nilang kainin ang binili ng dalaga na cake.

"Okey," tugon nito sabay ayos niya ng sarili. "Hindi ba pumunta sina tito ngayon doon?" Curious nitong tanong sa nobyo.

"May pinuntahan si Dad, kaya hindi sila nakapunta dun kanina." Sagot nito. Napatango naman ang dalaga.

Agad na ipinulupot ni Mark ang isa niyang kamay sa baywang ng nobya nago sila lumabas ng kanyang opisina.

"Jane mauna na kami sayo." Paalam ni Kahlan sa secretary ni Mark. Nakangiti naman itong tumango. "Sige po, ingat po kayo. Thank you nga po pala sa cake." Ani Jane. Isang matamis na ngiti lang ang sinukli ni Kahlan bago nila nilampasan ang mesa ni Jane.

GAYA ng sabi ni Mark ay dumaan muna sila sa MAV restaurant bago sila uuwi sa bahay niya. Gaya ng inaasahan niya ay matao parin ang restaurant niya.

"Good evening Sir, ipaghahanda po ba namin kayo ng dinner?" Magalang na taong ng isa sa mga waiter ni Mark ng dumating sila. Dahil sa matraffic ay inabutan sila ng gabi bago nila narating ang pag-aari niyang restaurant.

"Yeah! kung pwede." Sagot nito sa waiter. "Sige po, Sir. Ipapahanda ko rin po agad ang dinner niyo." Magalang nitong sagot kay Mark. At isang tango lang ang isinagot ni Mark bago niya inakay ang nobya.

Agad na naupo sina Mark at Kahlan sa pangdalawahang mesa. At habang hinihintay nila ang dinner nila ay pakiramdam naman ni Kahlan ay lahat ng mata sa loob ng restaurant ay nakatuon sa kanila. At hindi nga siya nagkamali dahil marami ang nakatingin sa kanila.

"May problema ba, honey?" May pag-aalalang tanong ng binata sa nobya. Hindi kasi maipinta ang mukha ni Kahlan habang nakayuko siya.

"Bakit ba lahat sila ay dito ang mata nakatuon sa atin?" Anitong ayaw na luminga sa paligid. Pakiramdam kasi niya ay unti-unti siyang pinapatay ng mga kababaihang nandoon sa isip nila. Siguro kung nakakamatay lang ang isip ay baka kanina pa siya nakabulagta ngayon.

Natawa naman si Mark sa tinuran ng nobya. At mukha ngang tama ito. "Hayaan muna sila honey, masanay kana sa kanila." Anito sabay gagap niya ng kamay ng nobya. Kaya napabuntong hininga na lang ang dalaga.

Makalipas ang ilang minuto nilang paghihintay ay tahimik na hinaing ng mga waiter ang pagkain nila Mark at Kahalan. Kaya matapus maihaing sa kanila ng mga ito ang pagkain nila ay tahimik rin silang kumain ng dinner nila. Tudo stema ang binata sa nobya kaya hindi maiwasan ni Kahlan na hindi mapangiti sa ginagawa ng nobyo. Kaya nga sa pagdaan ng mga araw ay mas lalo niya itong minamahal ng subra. Kung isang Mark na kasi ang nagmahal sayo ay masasabi mong napakaswerti mo sa buhay. Bukod sa mapagmahal ito ay maasikaso din at syempre masipag sa trabaho. Kaya magbubuhay reyna ka lang sa buhay niya.

I Knew You Love Me(Completed)Where stories live. Discover now