Chapter 14

21.5K 643 14
                                    

HABANG nasa daan sina Mark ay biglang tumunog ang tawagan nito. Kaya maingat niyang kinuha ang tawagan niya at sinagot yun.

"Hello! kuya, nakauwi na sina Mommy at Daddy." Bungad ng kapatid ni Mark na si Sam sa kanya.

"Kailan sila dumating?" Kunot noo nitong tanong kay Sam. "Ngayong umaga lang. Kaya pumunta kayo ni Kahlan dito sa bahay. And by the way, nasabi ko kay Dad ang tungkol sa problema sa company. Kaya gusto ka niyang makausap." Anang kapatid niya.

"Okey!" Anito bago niya pinatay ang tawagan. "Bro, could you drive us sa bahay nila Dad?" Ani Mark kay Ace ng ibaba maibaba niya ang tawagan.

"Sure, bro." Sagot ni Ace at bigla nitong kinabig ang manibela ng sasakyan papunta sa bahay ng magulang ni Mark.

Makalipas ang ilang minuto nilang byahe ng marating nila ang tahanan ng mga Villagas. Agad na ipinagbukas ng security guard ang sasakyan ni Mark ng pagsino nila ito. Ng magbukas ang malaking gate ay agad ipinasok ni Ace ang sasakyan sa loob.

"Thanks, bro." Pasalamat ni Mark kay Ace. "Nhaaa....wala yun, bro." Agad binuhat ni Mark si Kahlan na tulog parin at maingat niya itong dinala sa loob ng bahay ng magulang niya.

"Anak, sino yan. Anong nangyari sa kanya?" Anang ina ni Mark na naabutan niya sa malaking sala kasama ang kanyang ama.

"I explain you later, Mom." Anitong tuloy-tuloy na umakyat patungo sa ikalawang palapag nang bahay ng magulang niya kung saan ang kwarto niya. Nakasalubong naman ni Mark ang kapatid niyang si Sam na pababa na sana ito. Kunot noo itong nakatingin sa kanya at nagtatanong ang mga mata nito.

"Sis, pakibuksan ang room ko. Pakitingnan narin si Kahlan. Nilalagnat kasi siya." Anito kay Sam. Iiling-iling naman itong ipinagbukas siya ng pinto. Kaya agad nitong dinala sa kanyang kama ang natutulog na si Kahlan at maingat niya itong inihiga sa kama.

Matapus maihiga ni Mark si Kahlan ay agad sinalat ni Sam ang noo at mukha ng natutulog na dalaga. Natatawa namang binalingan ni Sam ang kapatid niya.

"Don't worry kuya, i'll gave her a med. Ikukuha ko lang siya. Normal lang ang nangyari sa kanya." Anitong natatawa. Doctor siya kaya alam niya kung bakit nilalagnat ngayon si Kahlan.

"She is fine, right?" May pag-aalala parin nitong tanong sa kapatid niya sabay haplos niya ng mukha ni Kahlan.

"Yeah! she is fine. Mamaya ay mawawala rin yang lagnat niya." Ani Sam sabay tapik niya ng balikat ng kuya niya. "Sige na puntahan mo muna si Dad at kausapin. Ako na ang bahala kay Kahlan." Kaya agad kinintalan ni Mark sa noo ang nobya ng halik bago ito lumabas ng silid.

"Hey! Dad, kumusta ang bakasyon niyo?" Anito sa kanyang ama ng makalapit siya sa ama't inang tila hinihintay talaga siya.

"Great."

Tipid na sagot ni Marco sa kanyang anak. Kaya napatango si Mark sabay binalingan nito ang kanyang ina na si Dawn.

"How about you, Mom?" Tanong naman nito sa kanyang ina. "Okey! lang naman, anak. Masaya." Sagot ng kanyang ina.

"Mark, nabanggit samin ni Sam ang problema sa company_

"Dad, wag muna alalahanin ang problema sa company. Ako na po ang bahala, nandyan naman po ang mga kaibigan ko at handa nila akong tulungan. Leave this for me Dad." Anito sa ama na naiiling.

"Dad, come on. I swear, kaya kung i-hundle ang problema. Ganito na lang po, ikaw ang pumalit sa akin sa MAV restaurant. Kahit isama mo pa si Mommy kung gusto niya. At ako muna sa company, I'm enjoying working at your company Dad." Anitong kinatawa ni Marco.

"Sige-sige, mukha namang wala ka talagang planong bitawan ang kumpanya. Kaya sige, magpalit muna tayo at kami ng mommy mo ang mamahala ng restaurant mo. Babe, what do you think?" Ani Marco sabay tingin nito sa kanyang asawa.

I Knew You Love Me(Completed)Where stories live. Discover now