Chapter 17

20.9K 648 15
                                    

NANG ihatid ni Elijah si Mark sa bahay ng magulang niya ay tahimik na ang kabahayan. Kaya agad na tumuloy sa kwarto niya si Mark. Ng marating niya ang kanyang silid ay agad siyang pumasok doon. Agad naman siyang napangiti ng makita ang nobya. Payapa itong natutulog na tila nakatulogan ang paghihintay sa kanya.

Agad na nagbihis si Mark bago siya maingat na tumabi sa kinahihigaan ng nobya. Tila naramdaman nito ang pagdating niya at papungas-pungas itong nagmulat ng mga mata.

"H-honey, kanina ka pa ba?" Namamaos nitong tanong kay Mark na agad siyang hinalikan sa noo. "Kakauwi ko lang," sagot nito. "Just go back to sleep, honey." Anito sabay yakap niya kay Kahlan na humarap ng pagkakahiga sa binata.

Agad naman tumango si Kahlan bilang pagtalima sa gusto ng nobyo. Agad niyang isiniksik ang mukha sa leeg ni Mark. Kaya napangiting hinalikan ng binata ang buhok ng nobya.

Makalipas ang ilang minuto ng tingalian ni Kahlan si Mark. Nagtaka naman ang binata kaya kunot noo niya itong tiningnan.

"Uhm! Honey, what happen with Mr. Suarez?" Tanong ni Kahlan na walang kakurap-kurap. Napangiti naman ang binata dahil mukhang hindi matatahimik ang nobya kung hindi niya dito sabihin ang nangyari kanina.

"Nasa kamay na ng mga batas si Mr. Suarez kasama ng mga kasamahan niya. Ang pinaghahanap na lang ng batas at pamahalaan ay ang mga distributer nila sa mga lalawigan. I know magtuturuan na yan silang lahat dahil nahuli na ang pinakapinuno nila. Ang bawat isa sa kanila ay lalangoy ang mga yan maisalba lang ang sarili." Anito sa nobya.

"Sila-sila na ang maggigisahan niyan masabi lang na inosente siya. Pareho ang liko ng mga bituka nila. Pero kapag nagkahulian na ay kanya-kanya ng hugas kamay." Sigunda naman ni Kahlan sa tinuran ng nobyo.

"Yeah! That's why I hate politics," anitong naiiling. "Kumusta nga pala ang pakiramdam mo?" Malambing nitong tanong kay Kahlan na nakayakap sa kanya habang nakatingala.

"Kunti na lang ang nararamdaman kung kirot. I think nakatulong ang binigay ni Sam na gamot kanina," sagot nito sa tanong sa kanya ni Mark. "Hindi ko naman kasi alam na ganyan pala kalaki ang ipinagmamalaki mo. Masarap nga pero masakit naman ang kapalit." Nakasimangot nitong turan sa nobyo na natawa.

"Ganun talaga ang mga nabiyayaan ng kagwapuhan honey. Dapat sulit, hindi lang gwapo kundi pati ang armas niya ay may ibubuga. Kesa naman sa gwapo nga pero bitin naman ang partner dahil kasing haba lang ng hintuturo niya." Pilyong sagot ni Mark sa nobya na agad siyang tinampal sa dibdib.

"Dyan ka talaga magaling," nakangusong ani Kahlan na tinawanan lang ng binata. "Ang halay ng utak mo." Dagdag pa nito. Kaya agad itong hinapit ni Mark sa baywang at agad na siniil ng halik. Agad din naman itong tinugon ng dalaga.

Habol nila ang hangin ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Kung hindi lang alam ni Mark na hindi pa magaling ang private part ni Kahlan ay baka naibyahe na naman niya ito sa langit. Pero mukhang kailangan niyang maghintay ngayon ng ilang araw bago tuluyang gumaling ang kaselanan ng nobya.

"Matulog na tayo, baka hindi kasi ako makapagpigil e makain kita ngayon. Alam kung masakit pa yang private part mo. Kaya kailangan nating maghintay hanggang gumaling yan." Ang natatawang ani Mark kay Kahlan na nahiga ng maayos sa tabi ni Mark.

KINABUKASAN matapus mahuli si Mr. Suarez at ang mga kasamahan nito ay agad na isinampa sa kanila ang kasong smuggling of fire arms. At dahil hindi basta-bastang mga tao sa lipunan ang nakabangga nila ay wala silang lusot sa batas.

Samantala matapus mahingan ng statement of complainant si Trexy. Ay agad na idinagdag sa kasong kakaharapin ni Mr. Suarez ang kasong sexually abuse na isinampa sa kanya ni Trexy sa batas. Dahil sa mga pasang natamo ni Trexy ay agad na pinanigan ito ng batas.

I Knew You Love Me(Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя