Chapter Five

2.1K 110 1
                                    



                      DING DONG!!!!

                     Biglang naghiwalay ang magkasintahan sa kanilang liplock. Nagulat sila pareho sa biglang pagtunog ng doorbell ng kwarto ni Dei. Bigla silang napabangon. Napatayo silang pareho at si Dei ay biglang tumakbo sa banyo. Si chard naman ay huminga muna ng malalim at saka lumapit sa pinto. Sinilip nya sa peephole kung sino ang nasa pinto. Pero wala syang makita kaya binuksan na lang nya ito. At si Nico ang bumungad sa kanya.

                    " Oh pre nandito ka pa pala. Si Dei nasan?" ang tanong nito.

                    " Oo pre, pero paalis na rin ako. Nasa banyo sya." ang sagot ni Chard na malakas ang kabog ng dibdib. Muntik na silang nahuli o kaya naman ay muntik na silang may nagawa. Buti na lang dumating si Nico.

                    " Dala ko kasi ang bihisan nya. Nakalimutan ni Tatay ibigay kanina. Yung sa iyo nasa kwarto mo na." ang sagot naman ni Nico. Napangiti sya dahil napansin nyang namumula ang tenga ni Chard.

                  Lumapit si Chard sa pinto ng banyo at kinatok ito.

                  " Love, lilipat muna ako ha. mag soshower na rin ako. Susunduin na lang kita after I take a shower." ang sabi ni Chard sa saradong pinto.

                 Bahagyang bumukas ang pinto at sumilip lang si Dei. 

                 " Sige love. I'll wait for you. Kuya akina yung mga damit ko." ang sagot at sabi naman ni Dei.

                Lumabas na si Chard ng kwarto at dumeretso sa kwarto nya. Tuluyan naman binuksan ni Dei ang pinto ng banyo at lumabas. Dahil hindi inabot sa kanya ni Nico ang damit nya, sa halip ay nahiga sa kama nya at nanood ng T.V.

                " Kanina pa kayo umakyat hindi ka pa nakapaligo? Anong ginawa nyo ha? Kayo ha." ang panunukso ni Nico.

                  Biglang namula ang pisngi ni Dei.

                  " Wala we were just talking." ang sagot ni Dei.

                  " Talking, eh bat nag bablush ka? Ay naku Dei, wag ako." ang patuloy na panunukso ni Nico.

                  " EEiii Kuya naman eh. Quiet ka na lang. Galing ka rin naman sa ganito eh." ang sabi ni Dei sa kuya nya.

                  " Kaya nga tahimik lang naman ako ah. Oh sya maligo ka na.Mamaya mo nyan nandito nanaman yung boyfriend mo." ang sabi ni Nico habang napapangiti sa kapatid.

                  Bumalik na sa banyo si Dei, at maya maya narinig na ni Nico ang shower. Tumayo na ang binata at lumabas ng kwarto ng kapatid at lumipat sa kwarto nya para makapag ready na rin para sa hapunan nila.

                  Si Chard naman ay nag mamadaling pumasok sa kwarto nya at nakita nyang nakalatag na sa kama nya ang bihisan nyang damit. kaya dumeretso na sya sa banyo para maligo at nang makabalik na sa kwarto ni Dei. Parang sa sandaling iniwn nya ang dalaga ay na miss na nya to agad. At ang labi ng dalaga gusto nya uling halikan. Naaddict sya sa mga labi ng dalaga. Habang naliligo ay inisip nya ang mga labi ng dalaga. Admittedly nakailang girlfriends na rin sya peri this is the first time that he is feeling this way towards a girl. Yung tipong there is something lacking if he is not with her. Not see her, smell her and touch her.

                  " My God. Pano na lang pag umuwi na kami sa mga bahay namin? Mababaliw na ba ako? Dei what spell did you do to me? And your lips are so addicting. So soft and sweet." ang sabi ni Chard sa sarili.

                   Nagmamadali nang maligo ang binata. Nang matapos ay agad syang nagbihis at lumabas ng kwarto nya. Lumipat sya sa kabilang pinto at nagdoorbell sa kwarto ni Dei. Walang sumagot sa pagdoorbell nya kaya naisip nyang naliligo pa siguro si Dei kaya hinanap nya ang kwarto ng ama at ng kuya nya. Naalala nya na nasa ibang floor nga pala ang kwarto ng Daddy at Kuya RD nya. kaya bumalik na lang sya sa harap ng pintuan ni Dei at naghintay na matapos ang dalaga maligo.Maya maya ay biglang bumukas ang elevator na malapit sa room nila. At lumabas ang Tatay ni Dei sa elevator. Biglang napatayo ng tuwid si Chard. 

                  " Oh Chard anong ginagawa mo Dyan?" ang tanong ni Tatay Teddy sa kanya.

                  " Hinihintay ko po si Dei. Di pa po ata tapos maligo eh." ang paliwanag ng binata.

                 " Ah ganun ba? Matagal talaga maligo yang bata na yan. Lalo na ngayon. Teka itry natin uli." ang sabi naman ni Tatay Teddy sabay pindot uli sa doorbell ni Dei.

                 Pagkapindot ni Tatay Teddy ng doorbell ay nakarinig sila ng mahinang kaluskos galing sa loob. Maya maya ay bumukas na ang pintuan.

                 " Oh buti naman at tapos ka na. Kanina pa ata dito sa labas si Chard eh." ang sabi ni Tatay Teddy at pumasok na sila.

                 " Kanina ka pa sa labas? Kakatapos ko lang po Tay." ang sagot at tanong ng dalaga na nakabalot pa ang ulo sa twalya. Halatang kakalabas lang nga ng banyo.

                 " Hindi naman. Mga ilang minutes pa lang." ang sagot ni Chard.

                 " Oh sya dalian mo na Dei at nang makakain muna tayo bago ka mag video call sa nanay mo. Natawagan ko na sila at nag reready na rin sila. Gusto nga ni Nanay mo na sumunod dito. Ang sabi ko wag na at uuwi na rin tayo bukas." ang mahabang paliwanag ni Tatay Teddy.

                 "Okay po tay I'll just comb my hair. Chard will you stay with me when I call Nanay? Gusto kong ipakilala kita agad sa kanya."

                " Iha anak baka tatawag din si Chard sa pamilya nya. Pabayaan mo muna." ang sabi naman ni Tatay Tddey kay Dei.

               " Okay lang po sir, maiintindihan naman po ng lola at kapatid ko kung di muna ako makakatawag. Siguradong nasbi na ni Daddy lahat ng nangyari. Okay lang Dei. Gusto ko rin makilala ang Nanay mo." ang nakangiting sabi ni Chard.

               " Thank you. Excited na akong ipakilala ka kay Nanay." ang nakangiti ring sbi ni Dei.

               " Oh sya bueno okay ka na ba Dei? Siguradong nasa baba na sila Nico at ang Daddy at Kya ni Chard naghihintay s atin. Tara na." ang sabi ni Tatay Teddy.

                " Yeah okay na po ako Tay. Let's go Chard." ang sgot ni Dei.

               Magkahawak kamay ang dalawa na lumabas ng kwarto. Nas likod nila si Tatay Teddy, masaya ito para sa anak. Mukhang mabait si Chard at attentive ang binata sa kanyang anak. Laging nakaalalay. Umakbay si Chard kay Dei nang makapasok sila sa elevator at humawak naman sa baywang nya si Dei. Inoobserbahan naman ni Tatay Teddy ang kinikilos ni Chard, at makikita sa mga kilos ng binata na may paggalang ito sa anak nya. humawak man ito sa anak nya ay makikita mong may pag iingat. Kaya pwedeng pumasa s kanya si Chard.


***********************************************************************************************


Yun oh pwede daw pumasa ang binata natin. Buti na lang gentleman ang bibi boy natin. 

Guys I appreciate you votes.. thank you guys. again, comment naman kayo... kung nagustuhan nyo and please don't forget to vote... thak you and enjoy reading..

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon