Chapter Forty-eight

1.8K 95 4
                                    


              Kinabukasan ay maagang nagising si Dei para mamalengke ng ihahanda nya sa lunch nila ng mga magulang at nang makauwi ang dalaga ay unumpisahan na nya ang ang paghahanda. Nang magtanghali na ay dumatiing ang mga magulang ni Dei at nagsalo salo sila sa niluto ng dalaga para sa kanila.

              Nagpahinga muna ang dalaga pagkatapos ng pananghalian nila habang hinihintay nya si Chard para sunduin sya. Di namalayan ng dalaga na nakatulog na pala sya at nagising na lang sya nang maramdaman nyang gumalaw ang kama nya.

              " Wake up sleepy head." ang narinig na boses ni Dei.

              Unti unting nagmulat ng mga mata nya si Dei at nabungaran nya ang nakangiting mukha ni Chard.

              " You're here." ang pabulong na sabi ni Dei.

              " Yes I am." ang sagot naman ni Chard.

              " Kanina ka pa?" tanong ng dalaga na nakangiti ng matamis kay Chard.

              " Medyo. Tulo na nga ang laway mo eh oh." ang pabirong sabi ni Chard sa dalaga.

              " Ha?" ang napabangong bigla na tanong ni Dei sabay pahid sa gilid ng labi nya. At nang wala namang nasalat ay tumawa si Chard.

             "  Wala naman eh." ang sabi ng dalaga.

             " Joke lang. Ang sarap kasi ng tulog mo eh." ang natatawang sabi ni Chard inabot nya ang kamay ni Dei at hinila palapit sa tabi nya.

             " 3 am na kasi kami nakatulog kaninang madaling araw eh. Then I have to wake up early to prepare lunch. Kaya inantok ako." ang paliwanag ni Dei.

             " Okay lang yun. You can sleep sa byahe later. ang sabi naman ni Chard.

             Tumayo na si Dei at pumunta sa may bag na nakalagay sa paanan ng kama nya.

             " Okay na ba itong luggage ko for a few days? I just brought the important stuffs kagaya ng sabi mo." ang tanong ni Dei sa binata.

             Tiningnan ni Chard ang di kalakihang luggage ni Dei. 

             " Are you sure yan lang ang kailangan mo? Di ba parang konti yan compared with the luggages na dala mo dati?" ang may panunuksong tanong ni Chard.

             " I learned my lesson. Just the important things ang laman nyan. Saka sabi mo we will just buy kung kulang yung dala ko diba?" ang sabi ni Dei.

             " Oo. Ano tara na ba? para di tayo gabihin sa daan?" ang tanong ni Chard.

             " Maliligo lang ako. You can wait for me here o kaya sa baba." ang sagot ni Dei.

             " Sa baba na lang ako maghihintay. Namimiss ko na sila sa kusina eh. I'll be there when you're done ha. Ibababa ko na rin tong luggage mo." ang sagot ni Chard.

             " Okay. I'll be quick." ang sagot ni Dei.

             Pumasok na ng banyo si Dei at lumabas naman ng kwarto si Chard para pumunta sa kusina at makipag kwentuhan kina Ate Pepe at sa iba pa. Di naman nagtagal ay bumaba na rin si Dei. Nakasuot sya ng simpleng shorts at tshirt at ang paborito nyang sneakers. Pag punta nya ng kusina ay nagtatawanan sina Chard at nagmemeryenda ang binata ng natirang cake na binake nya.

            " Ate Pepe na prepare na po ba yung cheese cake ni Chard?" ang tanong ni Dei pagpasok ng kusina.

            " Oo nasa ref na at bibitbitin nyo na lang." ang sagot ni Ate Pepe.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon