Chapter Eighteen

1.9K 96 1
                                    

Nang makarating ang lahat sa dinning room ay nagkanya kanya na ng upo ang mga kaibigan ni Dei. Pinaupo ni Dei si Chard sa pagitan nila ni Dean. nag umpisa na silang kumain. Nag start na rin ang small talks nila.

" Chard iho, kelan mo planong bumalik sa trabaho mo?" tanong ni Nanay Mary Ann sa binate.

" Di ko pa po alam Tita. Malalaman ko po yan bukas pagpunta ko sa office namin. Gusto ko na rin pong bumalik sa work." sagot ng binata.

" Bukas ka na pala pupunta sa office nyo. Si Menggay naman eh bakasyon muna ng one week. Girl bonding muna kami." sabi ni Nanay Mary Ann.

" Naku Tita pwede kaming sumama?" tanong naman ni Janeeva.

" Eh diba may mga trabaho kayo?" Tanong nito kay Janeeva.

" Tita nung nalaman namin na nakabalik na si Dei eh nagfile na kmi ng vacation leave para makasama sya." sagot ni Maryse.

" Ah ganun ba? Oh sige sumama kayo." sagot naman ni Nanay Mary Ann.

Nagkatinginan sina Chard at Dei. Pareho ang iniisip nila na malamang ay di sila masyadong magkikita dahil mag gigirl bonding sila ng Nanay nya at mga ate at mga kaibigan. Pero ngumiti lang si Chard sa dalaga.

" You can join us iho kung vacant ka." sabi ni Nanay Mary Ann sa binata.

" Thank you po Tita pero I'll give you the chance to bond with Dei kasi alam ko po na namiss nyo po sya. Ako din po makikipagbonding sa mga kapatid ko kasi namiss ko din po sila." sagot ng binata.

" Ikaw ang bahala iho pero welcome ka dito anytime na gusto mong pumasyal ha." sabi ni Nanay.

" Thank you po." sagot ng binata.

Nang matapos ang hapunan ay inilabas na ang dalang cake ni Chard. Nag paalam si Dei sa mga magulang.

" Nay, Tay okay lang po ba na dun na lang po kami sa gazeebo kumain ng dessert?" ang paalam ng dalaga sa mga magulang.

" Oh sige. Magdala na lang kayo ng pagkain at inumin." sagot ng Tatay ni Dei.

" Opo tay. Thank you po. Tara love." sabi ng dalaga.

" Labas po muna kami." paalam din ng binata.

Tumango lang ang mga magulang ni Dei. Lumabas na ang dalawa at naiwan ang iba sa hapag. Lahat ay nakangiti silang hinatid ng tanaw.

" Tito ang galang naman ni Chard." komento ni Christian.

" Oo nga. Nagulat nga ako nung makilala ko kahapon. At disente kumilos. Gusto ko yang bata na yan. At kitang kita mo sa mga mata at kilos nya na di nya pababayaan si Dei." ang nakangiting sagot ni Tatay Teddy.

" Opo nga po. Nakakainggit si Dei. Parang knight in shinning armor nya si Chard." kinikilig naming sabi ni Kamille.

" Hay naku girls di lang kayo ang kinikilig. Pati kami ni Coleen kinikilig din sa kanila. Bagay silang dalawa." ang sabi naman ni Nikki.

Nagpatuloy ang pagkukwentuhan ng mga naiwan nina Chard at Dei sa dinning room. Samantalang nang marating ng dalawa ang gazeebo agad na inalalayan ni Chard si Dei paakyat ng ilang baiting ng hagdanan. Maliwanag sa Gazeebo dahil nakasindi ang mga ilaw at ditto ay may privacy silang dalawa. Naupo sila na magkatabi.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon