Chapter Eighty-six

1.3K 92 5
                                    



     Nakalipas ang ilang bwan ng routine nila  Dei at Chard. Work during the weekdays tapos either nasa bahay ng isa't isang pamilya ang isa o nasa Condo sila o na Apartment naman. Dumaan na rin ang pasko at bagong taon. Nagcelebrate sila ng birthday ni Chard na sila lang dalawa. Malapit na ang first anniversary nila pero di sila doon excited. Mas excited sila sa pagaasikaso ng wedding nila na naiset na nila. It will finally happen during summer dahil gusto ni Chard na after ng church wedding ay ang pangarap ni Dei na beach wedding. Ang plinano nila ay sa umaga ang church wedding at sa hapon ang beach wedding para sunset ang effect. Walang mag oofficiate ng beach wedding nila. Parang ang style ay dun nila sasabihin ang vows nila sa isa't isa. Sila mismo ang nagcomose ng vows nila at gusto nila na mawitness ng lahat ng mahal nila ang vows nila para pag may di daw sila natupad ay may pupuna sa kanila.

    Kasalukuyang nasa Concha's garden ngayon sina Dei at Chard at kausap ang wedding ccordinator na kinuha nila para sa wedding.

    " So Dei may gusto ka pa bang idagdag sa mga ito? Ikaw ang bride kaya lahat ng gusto mong mangyari ay pwede." Nakangiting sabi ni Shane ang coordinator.

    " Ano kasi Shane diba usually yung bride ang nag ooffer ng dance number sa groom?" Nahihiyang sabi ni Dei.

    " Oo usually pero sa iba naman pareho. Ikaw ano ba ang gusto mo?" Tanong ni Shane.

    Nakikinig lang si Chard sa pag uusapng dalawa. Tumingin muna sa kanya si Dei bago sumagot.

     " Pwede bang baligtad? Mahal pwede bang ikaw ang magsayaw for me?" Sabi ni Dei sabay baling nito kay Chard.

    " Ha?" Takang tanong ni Chard.

    " Sige na Mahal. Para maiba naman ikaw ang magsayaw para sa. Akin instead na ako ang sasayaw for you." Lambing ni Dei kay Chard.

    " Pwede ba yun Shane?" Tanong ng binata kay Shane.

    " Oo naman. Actually its up to the bride and groom kung sino ang sasayaw. Hindi nga lang usual na yung groom ang sasayaw pero there are some who did it na rin." Explain ni Shane.

    " So you'll do it Mahal?" Tanong ni Dei.

    " Minsan lang tayo ikakasal so syempre I'll do it for you. Anything to make you happy on that day. Kung irerequest mo na kumain ako ng apoy gagawin ko if that will make you happy." Sabi ni Chard sabay halik sa kamay ng dalaga.

    " Thank you Mahal!" Sabi ni Dei sabay yakap kay Chard.

    " Oh kita mo na Shane? Umoo lang ako na magsayaw may yakap na ako agad. Pano na lang kung sumayaw na ako? Sino pang tatanggi?" Nakangiting sabi ni Chard.

    " Ang cute nyong dalawa. Nalala ko tuloy nung mga bata pa kami ng asawako ganyan din kami sa inyo. At hanggang ngayon naman eh ganyan pa rin kami. Di daw rason ang edad para magbago sabi ng asawa ko.  Kaya sana kayo ganun din." Nakangiting sabi ni Shane.

     " Don't worry Shane. Nangako ako sa sarili ko at kay Dei na araw araw ko syang pasasayahin. At saka pinagpray ko sya eh. Nakakahiya naman kay Lord kung di ko iingatan ang binigay nya diba?" Sabi ni Chard.

     " Grabe kayo ha! Grabe ka Chard. Naiingit tuloy ako parang gusto kong papuntahin si hubby dito hahahaha." Natatawang sabi ni Shane.

     " Why don't you call him. He can join us for lunch. Tutal malapit na ding maglunch." Sabi ni Chard.

    " Oo nga Shane papuntahin mo na sya dito." Sabi ni Dei.

    " Pero I'm still working. Nakakahiya naman sa inyo." Sabi ni Shane.

   " We're inviting him. Kaya sige na at saka we will just finalize the other things naman diba? We can do that after we eat. Love can you go to the kitchen para ikaw na pumili kung anong gusto mong kainin?" Sabi ni Chard kay Dei.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon