Chapter Fifty-Seven

1.6K 102 10
                                    


        Natapos ang photoshoot ng walang aberya. Lahat ay pagod sa maghapong shooting kaya kanya kanyang ditetso sila sa mga cottage nila para magpahinga bago ang dinner. Bilin sa kanila ay di pwedeng di sila pupunta dahil darating si Mr. Sanchez at makikipagdinner sa kanila.  Si Mr.  Sanchez ang isa big sa mga big boss nila. Partner ito ng mentor at friend ni Chard na si Mr.  Tuviera.

           Pagkadating nila sa cottage ay agad na dumeretso si Dei sa banyo para magshower.  Naiwan naman sa sala sina Chard,  Paul, at John. Nagshoshower din si Crissia sa kwarto nila.  Humilata ang tatlong binata na halata sa mukha ang pagod dahil sa init maghapon. Agad na lumabas si Dei sa kwarto nila para si Chard nan ang mag shower.  Lumapit sya kay Chard at umupo sa tabi nito.

        " Mahal magshower ka na.  Gusto mo bang ipagtimpla kita ng juice para inumin mo after mo magshower?" tanong ni Dei.

        " Coffee na lang love.  Kung okay lang sa iyo." ang sagot ng binata.

        " Sure no problem. Sige na magshower ka na." sabi naman ni Dei.
        " Hay ang sarap talaga may nagaasikaso." sabi ni Paul.

        Nagulat ang binata nang bigla syang binato ng throw pillow ng kalalabas lang na si Crissia.

        " Tumigil ka nga dyan Pablo.  Magshower ka na dun at nangangamoy ka na." ang sabi ng dalaga. 

        Natatawa namang pumunta ng kitchen si Dei. Natutuwa sya sa mga biruan ng mga kasama nila at ngayon ay kaibigan na rin. Nageenjoy sya sa namgyayari ngayon. Pero biglang naalala ni Dei ung sinabi ni Nay Carl. Isa daw sa mga boss nila si Mr.  Sanchez. May kakilala syang Sanchez ang apelyido. Isang tao na di nya makakalimutan sa buong buhay nya. Pero baka kaapelyido lang. Marami namang Sanchez sa Pilipinas baka nagkataon lang.

        ' Di ko na dapat pang isipin yun.  Matagal na yun. Nakalipas na. Masaya na ako ngayon. Saka mga bata pa kami nun.' bulong ni Dei sa sarili.

        Binitbit na nya ang tinimplang kape sa loob ng kwarto nila dahil baka tapos ng maligo ang binata.  Inayos nya ang mga gamit nila habang hinihintay si Chard na lumabas ng banyo.  Di naman nagtagal ang binata at lumabas na. Agad na lumapit si Chard kung saan nakapatong ang kape na tinimpla ni Dei.

       " Hhhmmmm.. Ang sarap naman ng tinimplang kape ng love ko." ang sabi ni Chard na enjoy na enjoy sa kape nya.

       " Syempre naman. Sayang ang pinagaralan ko kung simpleng kape lang di ko magawa ng maayos. Saka para sa mahal ko yan kaya kailangan masarap at special." ang sagot ni Dei na nakangiti kay Chard.

        " Halika nga dito para ikiss kita.  Yan ang premyo mo sa masarap na kape." ang nakangiti ring sabi ni Chard labas ang dimple nito.

        Lumapit si Dei kay Chard at agad syang niyakap nito at hinalikan sa noo. Napasimangot si Dei.

        " Sa noo lang?" reklamo nito.

        " Relax ka lang." sagot ni Chard na nakapagpangiti kay Dei.

        Sunod na hinalikan ni Chard ang ilong ni Dei. Napasimangot ulit ang dalaga.

        " Sa ilong lang." ang tanong ni Dei.
        " Sabi ko wait ka lang." bulong ni Chard.

        Tumahimik si Dei. Tiningnan sya ni Chard sa mga mata.

         " Thank you for the delicious coffee. I love you." Chard huskily whispers.

         Then he slowly lowers his face towards Dei's face.  Slowly their lips touched and it felt like time stopped for them both. Slowly Chard moves his lips and Dei coppied what he is doing.  Patuloy lang sila hanggang sa lumalim na ang halik nila na yun.  Natigil lang sila nang makarinig sila ng katok sa pinto ng kwarto nila.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon