Chapter Ninety-four

831 56 6
                                    


          It has been a busy week for Dei and Chard. Halos di na sila nagkikita sa sobrang busy nila. Humiling ang parents nila na dun muna sa kanikaniyang bahay sila magstay for the last two weeks of their single life and the indulged their families. Kaya madalas ay sa face time at phone calls na lang sila nagkakausap. Final details of the wedding na rin lang naman ang inaasikaso nila at syempre ang kanikaniyang trabaho na iiwan nila pareho ng isang bwan. Dei has been training her baker sa mga cakes na kailangang ibake habang wala sya at si Chard naman ay binibilinan din ang dalawa nyang managers sa kanyang mga restaurants. At the end of the day, Dei goes home to Bulacan and Chard goes home to Laguna.

         Two nights befor the wedding at kadarating lang ni Dei mula sa coffee shop nya nang kumatok si Nikki sa kwarto nila ni Coleen na ngayon ay solo na ni Dei. Pero nandun pa rin ang kama ni Coleen. 

        " Hi, matutulog ka na ba?" tanong ni Nikki habang nakasilip sa pintuan ng kwarto.

        " Di pa naman, I was planning to take a shower pa naman. Nagpapahinga lang ako." sabi ni Dei.

        " Can we sleep over?" tanong ni Nikki.

        " Ako din!" sabi naman ni Coleen na nagtatago sa likod ni  Nikki.

        " Pwede ako din?" tanong naman ni Nanay Mary Ann na narinig ang mga anak.

        " Me to please?" tanong naman ni Matti mula sa tabi ni Nikki.

        " Aba kami rin dapat!!" sabi naman ni Nico at ni Dean na biglang natulak ng maluwang ang pinto.

        " Ay ako hindi magpapaiwan jan." sabi naman ni Tatay Teddy.

        " Oy ano kayo? Ako din ah." sabi naman ni Ate Pearl. 

        " Hala tayong lahat dito matutulog? Kakasya ba tayong lahat dito?" natatawang tanong ni Dei sa pamilya nya.

        " Oo naman, yung boys sa sahig tas pagdugtungin natin itong beds kasya na tayo." sagot ni Nikki at pumasok na silang lahat.

        " Kami na ang bahala sa beddings. Tara Dean maghanap tayo ng mga pwedeng isapin sa sahig at unan." sabi ni Nico.

        " Tara samahan ko na kayo." sabi naman ni Ate Pearl.

        At sa kalokohan ni Nico ay binuhat nya ang Ate pearl nya na nakapagpatili dito.

       " Bastos ka talaga Nicholas! Ibaba mo nga akong bata ka!" sigaw ni Ate Pearl.

       " Ayaw kong mapagod ka Ate Pepe kaya bubuhatin na lang kita." natatawanan ang magkuya sa kalokohan nila.

       " Mag hahanda lang ako ng makukutkot at panigurong maghahanap yung dalawa na yun. Tay lika samahan mo ako. Matti gusto mong sumama?" sabi ni Nanay Mary Ann.

       " Let's go!" sigaw ni Matti.

       " Wait lang mag sa shower lang ako." sabi ni Dei.

       " Sige aayusin na namin to dito." sagot naman ni Coleen. 

        Naghanda na ang lahat para sa kanilang sleep over. Maya maya naman isa isa nang nagsibalik ang buong pamilya. Agad nilang sinet up ang hihigaan ng mga boys at naisip nilang magkwentuhan hanggang sa antukin sila.

       Paglabas ni Dei ng banyo ay prepared na ang lahat. Nagsuklay lang sya at sumali na sa pamilya nya. 

       Di naiwasan ni Dei na magsnap ng pic ng pamilya nya para ipost sa instagram. Nakakatuwa kasing tingnan ang buo nyang pamilya. May naka upo at nakahiga sa sahig na puno ng unan, may nakahiga o nakadapa sa kama at si Matti ay nakakalong sa kandungan ng lolo nya naghaharutan ang mga ate at kuya nya kaya ang saya nilang pagmasdan. 

      After ng post nya ay tumunog ang cellphone nya at nakita nyang nagrerequest ng video call si Chard. Agad naman nyang sinagot ang tawag.

     ' Hi Mahal!' ang bungad ni Dei  kay Chard.

     ' Hi Love, kumpleto pala kayo tonight?' tanong ni Chard.

     ' Yup at eto sila nanggugulo sa kwarto namin.' Natatawang sagot ni Dei.

     " Oy di kami nanggugulo ha. Makikitulog lang." ang sigaw ni Nico.

     " Oo nga ang damot mo naman, sa sahig na nga lang kami." sabi naman ni Dean sabay nagtawanan ang dalawa.

     Iniharap ni Dei ang cellphone nya kina Dean at Nico at agad namang kinuha ni Dean ang cellphone at sila ang nakipagusap kay Chard. Napapailing na lang na umupo sa kama si Dei at nagpakalong naman agad si Matti sa tita nya.

    " Tita Dei are you leaving soon?" tanong ng inosenteng bata.

    " Why will you miss me?" tanong nya sa bata.

    " Opo, no one will bake masarap na cakes for me." sabi naman ng bata.

    " Don't worry baby you can always go to the coffee shop to get cakes. Just ask your mommy or daddy okay?" sabi naman ni Dei.

    " Talaga?" tanong ni Matti.

    " Oo naman! And I can still make cakes for you after we come back from the honeymoon. For the mean time dun ka muna sa coffee shop kumuha ng cakes when you're craving okay?" bilin ni Dei.

     " Can I get shakes too?" tanong ni Matti.

     " Of course anything you like sabihan mo lang sila dun." sabi ni Dei.

     Maya maya ay ibinalik na ni Nico ang cellphone nya sa kanya pero wala na si Chard. Nagtatanong ang tingin na ibinaling nya kay Nico.

     " Sabihan na lang daw kita ng goodnight. Nagrequest kami na amin muna tong gabi na to. Kaya bukas na daw sya uli tatawag. Matutulog na daw sya at ienjoy mo daw yung movie marathon." sabi ni Nico.

      " So ano bang panonoorin natin?" tanong ni Dei na natatawa sa ginawa ng kuya nya.

      " CARS!!!" ang malakas na sigaw ni Matti.

      Nagkatinginan ang lahat sa sinigaw ni Matti at sabay sabay silang nagtawanan. Wala silang nagawa, nanood sila ng Cars lahat.

      Punong puno ang puso ni Dei ng kaligayahan ng gabing yun at lahat sila ay nakatulog ng may ngiti sa kanilang mga labi.


***********************************************************************************************

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora