Chapter Eighty-three

1.3K 77 10
                                    



    Saturday at maagang nagising si Dei. Before lunch ang usapan nila nina Miggy na punta ng mga ito sa bahay ni Chard. Madilim dilim pa ay bumangon na sya para maumpisahan ang mga cakes na ipapatry nya kina Dani. Isinabay nya na rin ang pagluluto ng breakfast nila ni Chard. Mula sa condo ay sinundo sya ni Chard kagabi paglabas nito sa opisina. Kasama nito kagabi ni Riza para kunin ang mga cakes na binake nya para sa pamilya ng binata. Dahil di pa sila makakauwi ng Laguna kaya pinakuha na lang ni Chard sa kapatid ang mga cakes.

    Habang nagluluto ang dalaga ay tumutugtog ang mga paborito nyang kanta sa speaker na nasa kusina. Minsan minsan ay napapasayaw ang dalaga sa tugtog at napapangiti sya. Naisip nya na she can get used to things like this. Waking up in the morning an preparing her and Chard's breakfast. Habang seryoso sya sa ginagawa ay di nya namalayan na kanina pa sya pinanonood ni Chard mula sa pintuan ng kusina. Kumekembot kembot pa ang dalaga nang biglang magsalita ang binata.

    " Pag ganyan naman lagi ang mabubungaran ko sa umaga eh di ko na kailangan ng alarm clock." Sabi ni Chard.

    " Ay kalabaw mo!" Ang nagulat na bulalas ni Dei.

   Natatawang lumapit si Chard.

   " Ang gwapo ko namang kalabaw." Natatawang sabi ni Chard sabay yakap at halik kay Dei.

   " Ikaw kasi eh. Ginugulat mo ako.!" Sabi ni Dei sabay hampas sa balikat ng binata.

   Nakayakap pa rin ang binata at inaamoy amoy ang leeg ng dalaga.

   " Ang bango bango mo naman. Amoy ka cake. Ang sarap kainin." May pangigigil na sabi ni Chard sabay pakagat kagat sa leeg ni Dei.

   " Mahal ano ba? Tama na yan.... may ginagawa ako... di ka ba napagod kagabi?" Ang nadadala ng sabi ni Dei.

   " Never!" Ang may conviction na sabi ng binata at ipinagpatuloy ang pag halik halik sa leeg ng dalaga.

   " Mahal di matatapos ang niluluto kong breakfast. Hhhhmmmnnnn...." sabi ni Dei.

   " Ikaw ang gusto kong breakfast." Ang malanding sabi ni Chard sa leeg ng dalaga.

   " Wait lang. Wait lang." ang sabi ni Dei sabay mahinang tinulak si Chard.

   Napatingin ng nagtatanong ang binata sa dalaga. Pero nagpadala sya sa pagtulak nito.

   " Mahal, may mga bisita tayo later. Pwede ba mamayang gabi na lang yan? We still have tomorrow. For now. Relax ka muna ha." Sabi ni Dei na biglang naguilty.

   " Namiss lang kasi kita." Sabi ni Chard.

   " Ako din naman pero may mga bisita tayo mamaya at may mga kailangan pa akong gawin before they arrive. We have the whole day tomorrow." Sabi ni Dei na hinihimas ang pisngi ng binata.

   " Hhhmmmppp! Sige na nga. Kundi lang natutuwa ako at this might be a major project for you, the hell with Miggy and Dani." Sabi ni Chard.

   " Richard! Ano ka ba they are friends." Natatawang sabi ni Dei na binalikan na ang nilulutong breakfast nila.

   Natusta na ng husto ang bacon na piniprito nya kanina. Hinango na nya na ito at inilagay sa plato.

   " Wel they are ruining our week end. Friend or no friend basta pag naiistorbo yung alone time ko with you beast mode ako." Sabi ni Chard s=na umupo na sa dining table.

   " Ganyan ka pa rin kaya pag mag asawa na tayo?" Malambing natanong ni Dei.

   Inilapag na nya ang plato sa harapan ni Chard. Hinawakan ni Chard ang kamay nya at hinila sya paupo sa hita nito.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon