Chapter Ten

1.8K 110 2
                                    



                          After a few hours nagland na sila sa Manila. May kanya kanyang sasakyan na naghihintay sa kanila para maghatid sa kanila pauwi. Magkahawak ang kamay na na bumaba ng parking lot sina Dei at Chard. Parehong tahimik ang mgakasintahan. Nalulungkot sila dahil this is the time where they will part dahil kailangan na nilang umuwi sa kanila kanilang bahay. Hinahali halikan ni Chard ang kamay ng dalaga dahil siguradong mamimiss nya ito.

                          " Ahhmm sir pwede po ba munang magrequest?" ang biglang tanong ni Chard kay Tatay Teddy.

                          " Ano yun iho?" ang tanong ni Tatay Teddy.

                          " Pwede po bang bumili tayo ng cellphone bago po tayo maghiwa hiwalay?" ang tanong ng binata. Napatingin sa kanya si Dei at napangiti ang dalaga.

                          " I was thinking the same thing." nasabi ng dalaga.

                          " Oh sige maaga pa naman. We still have time. Pero yung mura lang muna na cellphone para may mode of communication kayo pansamantala. Dei will have her line maybe tomorrow or the next day." ang sabi ni Tatay Teddy.

                           " Opo. Thank you po." ang sagot din ni Chard.

                           " Tay can I ride with them?" ang tanong ni Dei.

                           " Sige, mauna kayo susunod kami." ang sabi ng tatay nya. 

                           Sumakay na sila sa mga sasakyan at dumeretso sa pinakamalapit na Mall para bumili ng cellphone. Habang byahe ay hawak pa rin ni Chard ang kamay ni Dei. Parang ayaw na nyang bitiwan. Kaso hindi pwede. Masyado pang maaga. Di nagtagal narating na nila ang Mall at dumeretso sila sa bilihan ng cellphone. Pumili na sila ng cellphone na magagamit nila at lumabas na sila ng Mall at bumalik sa parking lot. Pagdating sa parking lot ay dumeretso agad sa loob ng mga sasakyan nila ang pamilya nila at naiwan sila para magpaalam sa isa't isa.

                           " Tatawag ka pag nakarating na kayo ha." ang sabi ni Dei kay Chard.

                           " Hindi lang pag nakarating. I'll text you while travelling. I'll miss you so much." ang bulong ni Chard sa dalaga.

                           " Wag kang malalate mamaya sa dinner ha. 7 pm kailangan nasa bahay ka na. Get a haircut para mas lalo kang pomogi ha. I'll miss you too." ang sabi ng dalaga.

                           " Opo mam. Can I get a kiss?" ang nakangiting tanong ng binata.

                           " Hindi pwede nakatingin si Tatay oh." ang sagot ni Dei na ikinapula ng pisngi nya. Lumingon si Chard at nakatingin nga ang tatay ni Dei.

                           " Hhhaaayyy... Oo nga nakabantay." ang buntung hininga ng binata.

                           " Hahaha. Don't be sad. You can kiss me later. Pag punta mo sa bahay may kiss ka. Sa cheek ka na lang muna mag kiss ngayon baka biglang bumaba ng ktse yan." ang natatawang sabi ng dalaga.

                           " Promise mo yan ha may kiss ako mamaya. Yung matagal na kiss ha." ang parang bata na sabi ni Chard.

                          " Oo promise yung matagal. Maraming pwedeng pagtaguan sa bahay namin." ang sagot ng dalaga na muling namula ang pisngi.

                         " Ingat kayo sa byahe ha." ang sabi ng binata.

                         Bigla syang niyakap ni Dei at napahikbi ang dalaga. Hinalikan nya sa pisngi ang dalaga at hinimas himas ang likod nito.

                         " I'll miss you so much." ang bulong ng dalaga. Na patuloy sa paghikbi.

                         " Ako rin I'll miss you so much. Pero isipin mo na lang mamayang gabi magkikita tayo uli tas may kiss pa na matagal. Tapos magkatxt pa tayo sa byahe. Tapos I love you so much pa." ang sagot ng binata habang gumagalaw ang kilay na nakangiti sa dalaga.

                         " Mamaya ha. Maaga ka ha." ang sabi ng dalaga. 

                         " Dei halika na anak. tatanghaliin tayo. Pupunta pa sa bahay mamaya si Chard. Mamaya na kayo magusap uli." ang sabi ng tatay nya.

                         " Opo tay." ang sagot ng dalaga.

                         " Chard iho, agahan mo na lang ang pagpunta sa bahay mamaya." ang sabi naman nito kay Chard.

                         " Opo sir. Thank you po." ang sagot ng binata.

                         Inihatid na ni Chard ang dalaga sa sasakyan nito. Muli silang nagyakap at humalik an uli si Chard sa pisngi ng dalaga. Lalong bumilis ang agos ng luha ni Dei kay puinunasan ito ni Chard at hinalikan ang mata ng dalaga. Hindi na sila pareho makapagsalita. Hinawakan ni Chard ang mga kamay ni Dei at hinalikan ng hinalikan. Tumulo na rin ang pinipigil na luha ni Chard. I nalalayan nyang makapasok si Dei sa sasakyan. Muling yumakap ang dalaga sa kanya sa huling beses. 

                         " Tahan ka na. Mamaya maaga akong pupunta." ang bulong nya kaya Dei.

                         " Promise ha." ang sabi ng dalaga.

                         " Oo. Ilove you." ang sabi ng binata. Wala na syang pakialam kung naririnig sila ng tatay at kuya ni Dei.

                         " I love you too." ang sagot ng dalaga. 

                         Di na napigilan ni Dei ang sarili. Wala na rin syang pake kung nandyan ang tatay nya. Hinawakan nya ang mukha ni Chard at hinalikan ito. Biglang parang nasamid ang nakatingin na si Nico. Pinandilatan naman sya ng tatay nya sa rearview mirror kaya natahimik sya. Saglit lang ang halik na yun pero parang ibinuhos ni Dei ang pagmamahal nya s ahalik na yun. Nang maghiwalay sila ay may ngiti na sa mga labi nila. Pumasok na si Dei sa kotse at kumaway sa binata.

                          " See you later." ang nakangiting sabi ni sa npatulalang si Chard. Di akalain ni Chard na hahalikan sya ni Dei sa harap ng tatay at kuya nito.

                          " Yes I'll see you later." napangiti na rin si Chard.

                          Isinarado na ni Chard ang pinto ng kotse. Kumaway sa dalaga at unti unti ng umalis ang sasakyan nila. Nang makaliko ang sasakyan ay sumakay na rin sya sa sasakya nila.He has a silly smile plastered on his face. Napangiti na lang rin ang Daddy at kuya nya.

                         " Ang swerte mo RJ, mukhang mahal na mahal ka ni Dei." ang sabi ng kuya nya.

                         " Oo kuya ang swerte swerte ko. At mahal na mahal ko din si Dei." ang bulong na sagot ni Chard.

                         Umalis na sila sa parking lot at malayo pa ang byahe nila pauwi ng Laguna. Habang palayo sila sa building ay di mapigil ni Chard na mapangiti. Naalala nya ang ginawa ng dalaga. Hinalikan sya ni Dei sa harap ng tatay at kuya nito. Napaka spontaneous talaga ng dalaga. Napaka unpredictable. At lalong napapamahal sa kanya ang dalaga sa pagiging unpredictable nito.


***********************************************************************************************


hi guys. sencia na kung medyo maiikli. pero babawi ako sa next chapter. sa next chapter for sure kikiligin kayo.

don't forget to vote. comment naman kayo. let me know your opinion. thank you and enjoy reading.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon