Chapter Forty-seven

1.7K 98 4
                                    



           Busy na nanonood sina NIkki, Coleen at Andrea nang maisipan ni Dei na itext si Chard. Bigla nyang namiss ang binata dahil sa pinanonood nilang kdrama. Kaya kinuha ni Dei ang cell phone nya at tahimik na nagtext sa binata.

           ' Mahal gising ka pa?' ang bungad na text ni Dei.

           Agad namang nag vibrate ang cellphone nya.

           ' Can't sleep, I'm missing you.' ang mabilis na sagot ni Chard.

           Napangiti naman si Dei sa reply ni Chard. Napakasweet talaga nito.

           ' I miss you too.' ang sagot ni Dei.

           ' How was the pajama party? Nag eenjoy ka ba?' tanong ni Chard.

           ' Okay naman. We're bawling our eyes out. Namamaga na nga ata ang mata ko eh.' sagot naman ni Dei.

           ' Di bale maganda ka pa rin naman.' ang reply ni Chard.

           Kinilig si Dei sa sinabi ng binata. Napangiti sya ng matamis.

           ' Talaga?  Kahit tumaba ako at umitim pa lalo?' tanong ni Dei.

           ' Oo naman. Kahit ano pa maging itsura mo para sa akin ikaw pa rin ang pinakamaganda. Dahil ang kagandahan wala sa panglabas na anyo nasa kalooban yan. Bonus na lang yung itsura. At saka pag tanda natin mawawala din yan.'  ang sagot ni Chard sa dalaga.

            Napangiti uli si Dei. Napakaswerte nya kay Chard.

            ' What time should I pick you up tomorrow Love?' tanong ni Chard.

            ' Mga 4 pm siguro. Can I ask you a favor?' tanong ni Dei.

            ' Sure ano yun? You can ask me anything. Your wish is my command.' ang sagot ni Chard.

            ' Can I sleep at your place tomorrow? Para you don't have to pick me up very early the next day.' ang sabi ni Dei na pigil ang hininga.

            ' What? Are you sure?' tanong ni Chard.

            ' Ayaw mo? Okay lang.' ang reply ni Dei.

            ' Hindi hindi. Gustong gusto ko. Gustong gustong gusto.' ang reply ni Chard.

            Napangiti uli si Dei sa sinabi ni Chard.

            ' Talaga?' tanong uli ni Dei.

            ' Oo naman. Ang tagal ko ng hinintay to. Finally.' ang reply ni Chard.

            ' Mahal matutulog lang naman tayo eh.' ang sagot ni Dei.

            ' Oo nga matutulog lang tayo. Kaso love I only have one bedroom. I can sleep on the couch naman. You can sleep in my room.' ang reply uli ni Chard.

            ' Okay. We'll talk about it tomorrow na lang. Di ka pa ba antok?' tanong ni Dei sa binata.

            ' Nawala antok ko sa sinabi mo eh. Hehehehe. Excited na ako for tomorrow.' reply ni Chard.

             Napangiti si Dei sa reply ni Chard. Ang di nya alam eh kanina pa sya pianonood ng tatlong mga kasama nya dahil panay ang ngiti nya at hagikgik ng tahimik habang sila ay ay panay ang iyak. Di rin nya napansin na naka pause na ang pinanonood nilang palabas.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Where stories live. Discover now