5

8K 145 3
                                    

First day ko ngayon sa trabaho pero yung utak ko nandoon sa malayo.

"Possible kayang?"...

Yan ang tanong na laging nasa utak ko noong may nakits ako kahapon sa tabi ng kalsada.

"Focus Kath." Biglang may nag sabi sa akin at agad akong lumingon. Si Kuya Kev lang pala. Ningitian ko nalang siya. He's right. I need to focus on this one.

The business that I will handle pala is our hotel. Bakit na niya ako dito inassign? Eh hindi naman ako mahilig sa dito.

Naglibot libot ako and I must say na napaganda pala dito. Dito daw kasi usually iniheld yung mga important events. The most common is debut and wedding reception. Iyan ang nakalagay doon sa folder na binigay sa akin.

Noong may nakakita sa akin agad silang bumati ng, "Magandang Umaga Ms. Bernardo." Nakakatuwa!

So pumunta na ako sa office ko at malaki ito. Pero sa pagtataka ko ay bakit may isang malaking lamesa sa aking harapan?

"Maybe daddy is gonna be here with me." Sabi ng aking utak.

Well I don't mind atleast mag kakasama kami dito.

While I was working bigla nalang tumumog yung cellphone ko.

"Hello?" Tanong ko

"Kath anak!" I recognised her voice. Si Mama Karla pala to. Hala! Lagot ako. Hindi ko tinupad yung pangako niya.

"Mama, hi po." Tipid kong sabi

"Balita ko nandito kana sa Iligan ah. Bakit hindi ka bumisita anak?" Tanong niya

Bakit nga ba? Ay ewan ko, maghahanap nalang ako ng rason.

"Uhhh. Kasi mama na busy po ako eh. Noong dumating ako binigyan lang ako ni daddy ng isang araw na bakasyon kasi ipinahandle niya sa akin yung isa sa mga business namin." Paliwanag ko

"Bakit hindi ka pumunta kahapon?" Tanong ni Mama

"Kasi Mama, naglibot libot ako sa tourist attraction dito sa Iligan ma at tsaka namili din ako ng mga damit para pang work. Sorry talaga." Totoo naman di ba? Yan naman talaga ginawa ko kahapon.

There was a long silent.

"Pumunta ka dito mamaya anak, nag pa lechon ako kasi umuwi kana. Sinabihan ko na rin sina Min at Teddy tungkol dito at pumayag sila." Sabi niya

Wait what?! Pupunta ako sa kanila mamaya?!!

"Po? Hindi ko po alam kung makakapunta ako mamaya mama." Sabi ko

"Kath naman, hindi na talaga kita mapapatawad kapag hindi ka pupunta mamayang gabi." Seryoso niyang sabi.

"Sige po ma, pupunta ako mamaya." Sagot ko

"Aasahan ko yan anak. See you!" At yan ang huling sinabi niya sa akin bago niya ako binabaan ng telepono.

"Wala lang yun Kath. Magkikita at magkikita din naman kayo eh." Sabi ng utak ko.

Lumabas muna ako at pumunta sa restaurant para kumain ng tanghalian. Everyone looked at me. Bakit naman sila hindi mapapatingin sa akin eh klarong klaro naman na yung katawan ko ang tinitignan nila. I'm wearing kasi just a simple white dress na nagpapakita ng figure ko.

Naririnig ko ang nga bulong bulungan nila but I don't mind.

"Steak please." Sabi ko sa waiter.

Kumain ako, hindi ko namalayan na malapit na pala akong dapat bumalik sa aking trabaho.

Noong pumasok na ako sa hotel, I saw someone familiar. I think I saw her yesterday. Tumingin lang siya sa akin at umirap. What the hell? She's a rude costumer in my hotel.

Lumakad na ako papunta sa office ko at may naririnig ako galing sa office ko. May multo ba dito? Sana naman wala.

Noong binuksan ko ang aking opisina ay nagulat ako sa aking nakita.

"What the hell are you doing in my office?" Pasigaw kong tanong sa lalaking nakatalikod sa akin.

Unting unting humarap yung nasa swivel chair at para akong natunganga.

"No this can't be happening. Panaginip lang to Kath. You're having nightmares." Paalala ko sa aking sarili.

"Nightmares na pala ako Kath?" Tanong niya

"What are you doing in my office?" Tanong ko ulit

"Correction Kath. Our office." Sagot niya

Our? Wag mong sabihin na magkakasama kami? Hell no.

"Now it's rude for not saying anything to me Kath after 6 long years." Sabi niya.

What does he want me to say?

"Well, hi." Cold kong sabi.

"Long time no see Kath." Sabi niya while having a smirk on his face

"Yeah, long time no see Dj." Sagot ko.

Byaheng ForeverWhere stories live. Discover now