19

7.5K 148 1
                                    


"Shhh, Elle don't be noisy you'll wake them up." mahinang sabi ng batang lalake ngunit nagising si Daniel sa kanilang pag-uusap.

"See look at what you done, Daddy is awake." sabi ni Gabriel kay Isabel. Tinignan ni Daniel ang babaeng anak at nakita niyang ito ay naluluha.

"I'm sowy daddy, I didn't mean to. I just want to see you and mommy." naiiyak na sabi ni Isabel

Hindi narin nag tagal ay nagising si Kath na mas lalong ikinaiiyak ni Isabel.

"Now look at what you've done Elle." matigas na sabi ni Gabriel

"I-I'm sowwyy mommy and daddy." hagulgol na sabi ni Isabel

"No, you don't need to be guilty baby. Me and mommy are not mad at you." sinabi ni Daniel kay Isabel at dahil dito ay tumahan na sa pag iyak. Tinignan ng masama ni Isabel si Gabriel at kinuha ang kamay nito at kinaladkad palabas.

"Oh, don't fight ah!" sigaw ni Kathryn

Tinignan ni Daniel si Kathryn, hindi niya maiwasan na maisip kung gaano ito kaganda kahit siya ay bagong gising lamang. Nakita ni Kath ang titig ni Daniel at hinampas niya ito ng unan para hindi makita ang pamumula ng kanyang pisngi.

"Mommy naman ang KJ." nabibirong sabi ni Daniel

"Stop looking at me like that Daddy Love." sabi ni Kathryn sa kanya

Hindi inaasahan ni Kathryn ang mga nangyari, mabilis kumilos si Daniel at biglang nilagay siya sa kanyang ilalim at kinulong gamit ang kanyang mga kamay. Hinalikan niya si Kathryn.

"Daddy, the kids will see it." sabi ni Kathryn sa gitna ng kanilang mga halik. Agad naman tumigil si Daniel at tinignan ng masama si Kathryn. "Humanda ka sa akin" he mouthed to her. She giggles and rolled her eyes at him.

"What's the plan today Love?" tanong ni Kathryn kay Daniel

"I made my day free for my kids and their mommy. I was thinking to spend a family time with you para this will be our first gala as a family tsaka pagkatapos punta tayo sa bahay para sabihin kina mama na may kambal tayo." sabi ni Daniel

Her heart was happy of what she heard but at the same time she was scared. "Love, baka magalit sila Mama sa akin." she said worriedly.

"Wag kang mag alala Tangi, mahal ka nila." He assured her

Bumaba sila habang ang kanilang mga kamay ay magkahawak. Naghanda ng almusal ang ina ni Kath at nakaupo na ang kanilang mga anak sa upuan. Bumati sila ng magandang umaga at tinanong ng ama ni Kath kung okay na ba ang kanyang pakiramdam. Sinubuan ni Daniel si Kathryn at yan din ang ginawa ni Kathryn kay Daniel.

"Ang haharot ng dalawa." pabulong na sabi ni Min kay Teddy ngunit sapat na ito na marinig ng lahatna nasa hapag kainan. Agad naman tinakpan ni Kathryn ang kanyang namumulang mukha. Ang kanilang mga anak naman ay nagtataka kung bakit sila tumatawa at kung bakit namumula ang kanilang ina.

"Wag ka nang mahiya Kath, sus alam na namin gaano kayo kalandi!" natatawang sabi ng mas nakakatanda na kapatid ni Kath na si Kevin.

"Stop it kuya!" iyan lamang ang nasabi ni Kathryn

"I don't understand what's going on."nalilitong sabi ni Gabriel sa kanila

"It's nothing baby, you finish your meal same as you Elle because afterwards we'll go out." masiglang sabi ni Daniel

Nag 'yehey' na nakapakpak ang kamay ng dalawang bata at binilisan kumain para sila ay maka handa na. "Oh, dahan lang baby baka you will choke." alalang sabi ni Kath sa kanila

"Buti naman Daniel at hindi ka nagalit sa anak namin." sabi ni Teddy kay Daniel

"Wala lang po iyon Pa, mahal ko naman anak mo at yung anak namin." sabi ni Daniel

Natapos silang kumain at agad ng umakyat si Kathryn upang maghanda habang si Daniel ay umuwi muna at babalikan lang ang kanyang mag ina pagkatapos niyang maligo at maghanda.

Alas onse nang bumalik si Daniel. Agad naman siyang sinalubong ng kanilang anak at sinabihan niyang pumunta na sa kanyang sasakyan. Agad naman niyang nakita ang suot ni Kath. Ito lang ay naka simpleng shorts at tshirt. Ayaw na ayaw niyang nag shoshorts si Kathryn kapag lumalabas sila. Nakita ni Kathryn ang pagkunot ng kanyang noo at sinabihan si Daniel na, "Wag kanang mag protesta Love. Kasama ko naman kayo oh. May mga anak na tayo!"

Walang nagawa si Daniel dahil kumander niya si Kathryn at siya ay sumusunod sa kanyang mga kagustuhan. Nagpunta sila sa mall. Kilalang kilala ang mga Bernardo at Padilla dito sa Iligan kaya hindi nila maiwasang tumingin sa pamilya. Nagpasya si Daniel na pumunta sila sa arcade. Habang naglalaro ang kanilang mga anak sa bouncy castle ay nagtanong si Daniel tungkol sa kanilang anak.

"Kailan yung kaarawan nila?" tanong niya

"17 September 2012" Sagot ni Kathryn kay Daniel

"Malapit na pala kaarawan nila." sabi ni Daniel

"Yup. Sabi nga nila that I gave them the best gift this year, and it's you. They've been dying to meet you Love." buong puso na sinabi ni Kathryn sa kanya

"Magpapaparty talaga ako ng sobra, may allergies ba sila?" tanong niya ulit

"Thankfully wala. Nagmana sila sayo." sabi ni Kath, "Gabriel so much like you. He's possessive and caring while Isabel she's kinda like me. Shy at maiyakin." dagdag niya.

Nagkwentuhan pa sila noong sinabihan sila ng kanilang mga anak na sila ay nagugutom na sila. Agad silang pumunta sa paboritong pagkainan ng mga bata. KFC. Namana nila ito sa kanilang dalawa. Noon pa man ay saksi ang KFC sa pagmamahalan ni Kathryn at Daniel.

Pagkatapos nilang kumain ay pumunta sila sa bahay ng mga Padilla. Hindi maitatago ang kaba na nararamdaman ni Kathryn. Ang pakiramdam niya ay para ba siyang haharap sa pamilya ni Daniel noon. Noon kasi ay halos mabulol si Kath sa kanyang mga salita kasi ito pa ay nahihiya. Hinawakan ni Daniel ang kamay ni Kathryn at naramdaman niya ang pagkalamig nito.

"Tangi, don't be nervous." sabi ni Daniel sa kanya

"I can't help it Love, I'm scared." sagot niya kay Daniel.

Dumating na sila sa bahay. Halatang halata sa mukha ng kambal kung gaano sila ka excited na makilala ang isa pa nilang lolo at lola. Pagkapasok nila ay tahimik pa ang bahay at biglang sumilpot si Karla kasama si Magui.

"Kath, Dj! Di man lang kayo nag sabi!" pumunta si Karla sa kanila at yumakap, ngunit sa kanyang pagyakap ay nakita niya si Isabel at Gabriel. Lubos itong ikinagulat ni Karla. Hindi niya maiwasang maiyak. Kahit hindi pa siya nagtatanong ay alam na niyang apo niya ito dahil kuhang kuha nila ang mukha ng kanilang mga magulang.

"I'm sorry Ma. Tinago ko sila sa inyo." naiiyak na sabi ni Kathryn

"Isabel and Gabriel go ahead and hug your lola." pabirong sabi ni Daniel ito ang dahilan kung bakit ito nasampal ni Karla sa balikat. Agad naman lumpait ang mga bata. Nagyakapan sila. Tinawag ni Magui ang buo nilang pamilya upang makilala si Isabel at Gabriel. Naging masaya si Kath dahil tinanggap nila ang kanilang anak.

"Happy family." mahinang bulong ni Kath sa kanyang sarili

"Always." sagot ni Daniel sa kanya.

Byaheng ForeverWhere stories live. Discover now