6

7.8K 142 2
                                    

-Third Person's POV-

Ang awkward ng situasyon nila Kathryn at Daniel dahil una, may nakaraan sila at pangalawa ay nasa iisang kwarto sila.

Si Kath ay naka tutok lamang sa kanyang laptop habang nanonood ng She's Dating the Gangster. Ni recommend kasi ito ng kaibigan niyang si Arisse.

"Thankyou for the 2 months 2 weeks..."

"Shit" napabulong si Kath at hindi na naiwasang mapaiyak. "Ang sakit sakit" dagdag niya pa.

Napatingin lamang si Daniel sa kanya at nagtataka kung ano ang nangyayari kay Kath.

"Baka, hiniwalayan ng nobyo niya." Sabi ni daniel sa kanyang utak, "may nobyo ba siya?" Tanong niya ulit

"Bakit ko ba tinatanong yung sarili ko?" Sabi niya naman.

Habang si Kath naman ay patuloy na pinanood yong movie.

"Shit. Bakit ang martyr mo Athena?" Mahina niyang sabi ngunit narinig ito ni Daniel at agad niyang nalaman kung ano ang pinapanood ni Kath.

"She's dating the gangster ba iyan?" Tinanong niya si Kath

Si Kath naman ay nagulat sa pag salita ni Daniel. "Oo" tipid niyang sagot.

"Nagpaka martyr siya dahil mahal niya si Kenji." Sabi ni Daniel

Umiling naman si Kath, "Kung mahal mo ipaglalaban mo." Sagot naman niya

"Bakit hindi mo pinaglaban yung sa aton dati?" Gustong gusto itong sabihin ni Daniel pero iba ang sinabi niya, "Love is Sacrifice."

"Mas kailangan ni Athena si Kenji kasi may sakit siya sa puso." Sagot naman ni Kath

"May sakit nga siya sa puso pero mahal niya si Kenji kaya pinakawalan niya. Para maging masaya si Abigail at para mabuhay siya ng matagal." Sabi ni Daniel

Noon, si Daniel ay sumasangayon palagi sa mga opinion ni Kath but now he has changed.

"Whatever." Sinabi ni Kath ng mahina at bumalik sa kanyang panonood. Hindi man iyon kalakasan na naisabi pero sapat na iyon para marinig ni Daniel ang sinabi ni Kath.

"Bitchy." Mahina ring sabi ni Daniel pero narinig ito ni Kath.

Tinaasan lamag siya ng kilay ni Kath at hindi na pinansin. Hindi namalayan ni Kath na tapos na pala ang pinanonood kaya agad siyang tumayo at lumabas sa opisina.

"Hindi man lang nag paalam." Sabi ni Daniel.

Habang naglalakad si Kath ay nakita niya naman yung babae at lumakad kung saan siya galing. Binalewala niya nalang ito at naglakad lakad muna.

Noong bumalik na siya at bumukas yung pinto ay nagulat nanaman siya dahil nandoon si Daniel at yung babaeng nakita niya na naghaharutan.

"Naghaharutan dito pa talaga sa opisina eh meron namang mga kwarto dito, bat hindi niyo nalang dalhin doon?" Sabi ni Kath ng walang emosyon. Agad siyang umupo sa kanyang upuan at nilagay yung earphones niya.

Tumingin lang ang dalawa sa kanya at napatingin din siya pabalik.

"Don't tell me nakakaistorbo ako?" Tanong niya sa kanyang utak

"By the way, continue what you guys are doing. I don't mind at all." Sabi niya sa dalawa at binuksan agad yung laptop niya at gumawa ng kanyang trabaho.

"Naghaharutan ba kami ni Jane?" Tanong ni Daniel sa kanyang isip.

Matagal na niyang alam na may husto si Jane sa kanya pero binalewala niya lang ito dahil para sa kanya, si Jane ay kapatid.

"Who is she ba? She's so grumpy." Sabi ni Jane kay Daniel

"Kath name niya." Sagot naman ni Daniel

"Don't tell me as in Kath your ex?" Tanong ni Jane

Tumango lamang si Daniel at nagulat si Jane sa kanyang nalaman. Natatakot ito na baka ay saktan niya ulit si Daniel o kung hindi ay magkakabalikan ang dalawa.

Ilang oras ang nakalipas at naroon parin si Kath sa kanyang upuan at hindi kumikubo habang isang oras na noong umalis si Jane sa kanilang opisina.

"Ano naman ang problema nito?" Tanong ni Daniel sa kanyang sarili.

Habang si Kath ay hindi namalayan yung oras at nagulat na lamang ito noong ito ay kanyang nakita.

"Oh shoot." Agad siyang tumayo at niligpit ang kanyang gamit.

"Saan kaya naman ito pupunta?" Tanong ni Daniel sa sarili. "Wala namang masama kung magtanong diba?" Dagdag niya pa.

"Saan kaba pupunta at parang nagmamadali ka?" Tanong niya kay Kath

Tinaasan lang naman siya ng kilay ni Kath at sinabing, "None of your business." At agad itong binuksan yung pintuan at tuluyan ng umalis.

"So wala pala siya mamaya sa gathering namin. Thank God." Sabi ni Kath sa sarili at binuksan na ang kanyang kotse at umalis patungo sa bahay ng mga Padilla.

Habang si Daniel naman ay naiwan sa opisina. Nagulat siya noong may nag text sa kanya.

Nak, umuwi kana dito sa bahay kasi nandito na ang mga Bernardo. Magsasalo salo kasi tayo ngayon. -Mama

"Kaya pala nag mamadali siya kanina." Nasagot na niya ang tanong niya.

Niligpit niya ang kanyang mga gamit at tuluyan ng umalis patungo sa kanilang bahay.

"Magkikita na naman kami." Bulong niya sa kanyang sarili.

Byaheng ForeverDove le storie prendono vita. Scoprilo ora