12

8.3K 185 2
                                    

I know that I told y'all that I'll be having goals but then I had the mood to update today and di niyo naman ako masyadong mahal eh hahaha

-Third Person's POV-

A month had passes since nangyari lahat ng iyon. Hindi makapaniwala si Kathryn na isang buwan na pala siya sa Iligan.
As what she had promised she had spent time with Lelay and Magui. Todo bantay pa nga roon si Daniel dahil natatakot itong mabinat si Kath. In the end ay hiniling niya na sana hindi nalang siya sumama kasi nag shopping ang mga babas at ginawa siyang tagabitbit.

Here she is now tambak ng trabaho sa kanyang opisina. Things improved between her and Daniel but hindi pa sila nagiging official again.

'Hindi niya kasi ako tinatanong.' sabi ni Kathryn sa kanyang utak.

"Bally, do you want to come with me?" tinanong ni Daniel sa kanya out of the blue. Tinaasan lamang siya ng kilay ni Kath.

"Where are you going?" tanong niya

"I'm actually meeting a new investor para sa hotel ng parents natin." sagot ni Daniel

"I have things to finish pa kasi Bal. Susunod nalang ako." sabi ni Kathryn

Bago tuluyang umalis si Daniel, he gave Kathryn a quick kiss pero sa cheeks lang. An hour has passed and finally she finished all the things that she needs to do. She grabbed her car keys and headed where Daniel is having a meeting.

Pagdating niya ay napatulala siya sa view. It was simply a whole view of the city. She never knew that a place like this has existed. As she was walking to where Daniel was, napakunot ang kanyang noo.

She saw a girl flirting with Daniel. Kathryn might be a softie but she is really possessive.

'No one should touch my man.' bulong niya sa kanyang sarili

She immediately went there and removed the hand that was placed over Daniel's shoulder. Nagulat si Daniel sa pag punta agad ni Kathryn. Nasanay kasi siya na sinasabihan siya ahead of time.

Agad namang tumayo ang babas at tinaasan ng kilay si Kathryn.

'Aba't tang ina tong babae to ah!' inis na sabi niya sa kanyang sarili

"Who are you?" mataray na tanong ng babae sa kanya

"The man you're touching is mine so get the hell out of my sight before I will kick your arse!" inis na sabi ni Kathryn. Effective naman ang sinabi ni Kathryn kasi nakita niya sa mata ng babae ang takot.

She then turned her attention to Daniel, nakangiti ang loko.

"I love it how you're so possessive with me tangi." malambing na sabi ni Daniel noong umupo si Kath sa kanyang tabi.

Hindi masaya si Kath. Jealousy ran through her blood stream.

"Shut up Daniel." yon lamang ang sinabi ni Kath

Parang hindi narinig ni Daniel ang sinabi ni Kath noong nagsimula itong hinalikan ang kanyang mga kamay. Naiinis si Kath but at the same time kinikilig.

'Hindi ko dapat pinapakita that his kisses affects me.' sabi niya sa kanyang utak

Hinawi niya ang kanyang kamay at kumunot ang noo.

"Shit tangi, ang cute cute mo." sinabi ni Daniel

"Shut up! I'm not happy with what you did." sinabi naman ni Kathryn

"Wala lang iyon tangi." sagot ni Daniel

"Ang baba baba ng taste mo Bal. Para yong kambing eh! pinapatulan mo pa?"  sabi ni Kathryn

Napatawa nalang si Daniel sa narinig niya galing kay Kath.

"Hindi kaya siya mukhang kambing, tangi." sagot ni Daniel

Agad namang lumingon si Kathryn at nakakunot na talaga ang kanyang noo. "So are you saying na maganda siya?" inis na tanong niya

"No, ikaw lang naman ang pinakamaganda dito sa mundo ko tangi." with this reply, he made Kathryn blush. Swear she was redder than a tomato.

"Nakakainis ka!" sinasabi niya habang tinatakpan ang kanyang mukha.

Magsasalita na sana si Daniel noong may dalawang estudyante na lumapit sa kanilang dalawa.

"Omggg, diba kayo si Kathryn at Daniel?" masiglang tanong ng dalaga

"Uhhh, yes. How did you know us?" tanong naman ni Daniel

"Kasi po, you're known since you both of your families owns mostly all the business here in the city. Pwede po ba kaming mag pa interview?" Daniel looked at Kathryn as if asking her if it was okay. She nodded in response.

The interview went for about twenty minutes.

"Last na po ito. Since you're a couple. Who easily gets jealous?" curious na tanong ng dalawang estudyante

"Me." matapang na sagot ni Kath

"Bakit ka naman po magseselos?" tanong ng mga dalaga

"Ang daming pasaway ang sarap pitikin." she even did the actions

Napatawa lang si Daniel sa sinabi ni Kathryn. Damn, how he loves when Kath becomes so possessive of him.

"May mensahe ka po ba sa mga pasaway ate?" pabirong tanong ng mga dalaga

"Kung nanonood man kayo ngayon, kapag nakita ko kayo magkakasapakan talaga tayo." seryosong sabi ni Kathryn.

Napatawa naman silang lahat. Ginugulo ni Dj ang buhok ni Kathryn.

"Gusto ko lagi mo iyong gawin tangi." sabi ni Dj sa kanya

"Ang alin Bally?" tanong ni Kath

"I want you to be always possessive when it comes to me cause it's so damn attractive." sinabi ni Daniel habang pinaglalaruan ang mga kamay nila.

"Omg, ang sweet niyo po! Hehehe sige po thankyou! Nakakaistorbo na kami eh." sabi nila at tuluyan ng umalis

"Tangi, hindi parin dumarating yung investor." sabi ni Daniel

"Then if hindi sila pupunta rito ay mag de date nalang tayo." sinabi ni Kathryn

Nag simula ng kumain ang dalawa noong dumating na ang kanilang order. The place has a beautiful ambiance. Perfect for couples talaga. Since it was perfect, naisipan ni Daniel na ito ang perfect moment para tanungin si Kath na maging opisyal na ulit sila.

"Tangi." tawag ni Daniel sa kanya. Tinignan siya ni Kathryn at sinasabi sa kanya to continue whatever he was gonna say.

Magtatanong na sana siya noong biglang may dumating.

"I'm sorry to keep you waiting." sinabi ng lalaki.

'Tang ina! ang epal naman nito!' inis na sabi ni Daniel sa sarili.

Nagulat ito sa kanyang nakita.

"Omg, Kathryn nice to see you again!" masiglang bati ni Diego at binigyan ng halik si Kath sa cheeks

Kumukulo naman ang dugo ni Daniel sa ginawa ni Diego.

"Hi Diego!" masiglang sabi ni Kath

"Hi. Why are you here?" tanong ni Daniel

"Not a nice way of greeting your client Padilla." sinabi ni Diego

Mas kumulo ang dugo ni Daniel. The man standing next to him was Diego Loyzaga. The guy that was still totally smitten by Kath na binakuran niya noon.

'Ang epal talaga kahit kailan.' sabi niya sa kanyang sarili habang tinitignan si Diego na kung makatitig kay Kath ay nakakatunaw.

Happy KathNiel day KathNiels! Don't forget to watch BALU! Nakakaproud yung fandom natin kasi 200m+ in less than two weeks and to think it's only the local gross. Today is also KathNiel's road to one billion out of their 5 movies!💙

Byaheng ForeverWhere stories live. Discover now