8

7.4K 144 1
                                    

Dumaan ang ilang mga araw. Ang panahon ay pabago bago rin. Minsan ay umiinit pero kadalasan ito ay umuulan ng malakas. Si Kathryn ay nasa opisina ngayon nag-iisa. Habang si Daniel naman ay may ginagawang importanteng bagay.

Nawala wala na yung jetlag na nararanasan ni Kath dahil sa time difference.

Sa kalagitnaan ng kanyang pagbabasa sa mga reports ay biglang sumakit ang kanyang ulo.

"Kailangan ko lang magpahinga later." Sabi niya sa kanyang sarili.

She didn't mind the pain piercing through her head. Ang pakiramdam niya ay parang minartilyo ang kanyang utak.

Ilang minutong nakalipas ay biglang pumasok si Daniel sa opisina at binigyan siya ng karagdagang reports.

"Eto na yung reports sa iba." Sabi ni Daniel

Napatingin lamang si Kath at tinanong ang kanyang sarili kung kaya ba niya ito tapusin ngayong araw.

"Pwede bang bukas nalang yan?" Tanong niya kay Daniel

"Hindi raw pwede eh. Kailangan daw matapos ngayon." Paliwanag ni Daniel

She let out a deep sigh. Papayag kaya siya kung siya ang ipapagawa ko? Tanong niya ulit sa kanyang sarili. There's no harm in asking naman diba?

"Umm pwede bang ikaw gumawa nito?" Mahina niyang tanong kay Daniel

"Sorry Kath pero magkikita pa kasi kami ni Jane at mag didiscuss ng mga projects." Sabi ni Daniel

"Ah sige, salamat." Sabi ni Kathryn

Noong pagkalabas ni Daniel ay parang nanghihina na ng tuluyan si Kath.

"Kaya mo to Kath." Sabi niya sa kanyang sarili

Habang si Daniel naman ay papalabas na ng hotel ay hindi niyang maiwasan na magtaka bakit nang hihingi ng tulong si Kath sa kanya.

Nagdalawang isip siya na balikan si Kath doon sa loob ng opisina at samahan. Sa pagkatalikod ni Daniel ay bigla namang tumunog ang kanyang telepono.

"Daniel saan ka na ba?" Tanong ni Jane

"Nandito pa ako sa hotel." Sabi ni Daniel, "pwede bang e move yung meeting? Sasamahan ko lang sana si Kath." Paliwanag ni Daniel

"No, hindi pwede. Kanina pa ako naghihintay sa iyo at paparating na yung mga investors." Sabi ni Jane.

"Sige, pupunta na ako." Binaba na ni daniel. Napatingin siya pabalik sa hotel.

"Babalik ako pagkatapos nito." Sabi ni Daniel sa kanyang sarili.

Si Kath ay hindi parin natapos sa kanyang ginagawa at mas lumala pa ang sakit niya sa ulo.

"Shit, ang sakit." Sabi ni Kath habang hinihimas ang kanyang ulo. Kath doesn't normally cry but this time she was on the verge of crying due to the pain that she is in.

Again she didn't mind it. Ilang minuto ang nakalipas at pagod na pagod na si Kath. Napatayo siya noong lumipad ang papel sa sahig.

Noong pagtayo niya ay agad siyang nahilo. Her vision was blurry and the pain throbbing in her head was too much. Feeling niya ay kinuha na lahat ang kanyang lakas. And with just one blink. Darkness had embraced her and she had hit her head in the cold floor. The last words that she spoke was, "Help."

Hours had passed at walang kamalay malay ang mga tao kung ano ang nangyayari sa loob ng opisina. Napaisip sila na baka ay ayaw ma istorbo ni Kath kaya siya nag lock ng pintuan.

"Hay salamat, natapos na rin ako." Maligayang sabi ni Daniel habang nag mamaneho pabalik ng hotel. Balak niyang tulungan si Kath pero hindi siya sigurado kung natapos na ba niya o hindi.

Pagdating niya sa hotel ay agad siyang tumungo papuntang opisina. Nabigla siya noong naka lock yung pintuan.

"Kath doesn't lock doors." Sabi niya sa kanyang sarili. He has known Kath for so long that he's sure that it was not her thing to lock doors.

Agad siyang kumatok ngunit sa tagal ng pagkatok niya ay hindi parin ito binubuksan.

"Kath, si Daniel to. Buksan mo naman oh. Magtratrabaho pa kasi ako." Sabi ni Daniel ngunit nabigla siya noong wala siyang narinig na sagot.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hinampas niya pa ng malakas yung pintuan habang sumisigaw, "KATH! SISIRAIN KO TONG PINTONG TO. BUKSAN MO ITO."

May pumunta na tagalinis kay Daniel at sinabihan siya na kanina pa iyan naka lock at kahit ano pang gawin nilang katok ay di ito binubuksan. Sinabihan din siya na hindi pa ito nakakakain. Akala nila'y ayaw niyang magpaistorbo.

"Putang ina! Bakit di niyo ako tinawagan?! Kunin mo uung susi! Dali!" Pasigaw na utos niya.

Dumating agad yung inutusan niya at klarong klaro sa mukha niya amg kaba at takot.

"Ngayon ko pa nakita si Sir Daniel na ganyan kagalit." Sabi ng isang employado na nakapalibot sa paligid.

Agad itong binuksan ni Daniel. Nagulat siya dahil sobrang madilim ang paligid. Binuksan niya ang mga ilaw.

Parang huminto ang kanyang mundo noong nakita niya si Kath, nasa sahig, hindi kumikibo at walang malay.

"Tang ina mo Daniel, kasalanan mo to! Kung nanatili ka nalang at tinulungan si Kath ay baka mas maayos pa siya ngayon." Bintang niya sa kanyamg sarili

Bumalik siya sa realidad noong may lalaking trabahante na kakargahin na sana si Kath.

"Put her down! Ako lang dapat ang hahawak." Galit na sabi ni Daniel

Agad namang binigay sa lalake si Kath kay Daniel.

He examined her face as he was carrying her patungo sa sasakyan para dalhin ito sa hospital. 'Ang ganda ganda mo parin.' Bulong niya

"Hang on in there Kath, please be okay."

"I won't forgive myself if something bad had happened to you."

"Please Kath, please be okay." He whisphered to her.

"Bali, please be okay." Sabi ni Daniel at di namalayan na tumutulo na pala ang kanyang luha.

Byaheng ForeverWhere stories live. Discover now