TASK 8: Sick
Cold, cold, cold.
I'm dreaming about winter, my most hated season. Hindi ko naman dati ayaw ang tag-lamig pero natigil yun ng mawala si Kuya, my older brother, my bestfriend, my buddy. It was a car accident. An accident when my brother tried to rescue me from blizzard.
I was trap alone in school because I have to finish a project. I'm scared, I need someone to bring me home and that's my Kuya Kyen. He immediately rushed to get me but he never arrived. I waited for hours, hours that seems endless. I'm cold and I'm tired and I'm worried.
I was rescued the next day by the police. They brought me to the hospital to checked me. I was happy when I saw my Mom and Dad rushing to my way but not to meet me but the person covered by a white sheet of a blanket, it's my Kuya Kyen.
He died. He never arrived because he died. Malakas ang snow, wala siyang makita kaya hindi niya napansing may sasakyan sa harap niya. Nabunggo siya. Wala kagad nakakita. Kinabukasan lang. Wala. Wala nang buhay ang kuya ko. He died and I'm cold and I'm cold. My Dad treated me coldly after my Kuya died. He blamed me for what happen. 'Ikaw ang may kasalanan nito! Kung hindi dahil sayo hindi sumugod sa bagyo ang kuya mo'. And I know he was right but my mom don't blamed me. Never but I felt her indifference. I felt cold. I feel cold.
"Oh, you're burning Kyra."
I heard a voice. Sabi niya nagbabaga raw ako. Pero nilalamig ako!
"Can someone turn on the heater?" I groaned shivering from coldness. Usually, every winter sa Seattle umaabot ng -9 or more ang lamig. Kahit hindi pa nga winter binubuksan ko na ang heater ko. I'm not fond of coldness... Kuya Kyen once told me that I should live in the Philippines, tropical country, average weather.
"Daddy, what's heater?" I heard a tinny voice. I don't remember my Dad adopting kid nor relatives with a child. None... but the voice sound familiar. "Daddy, Is Queen Kyra okay?" I heard her again. Asking his Dad. How? I live by myself in my own flat.
"She's sick Alice. We need to give her medicine."
Alice.
A man's voice.
I know them... I remember!
I slowly opened my eyes and saw two set of the same shape of eyes looking at me. I know them, I now remember... sila ang amo ko, Alice and Nico.
"Daddy do you think witch gave her a poisonous apple?" Puno ng pag-aalala ang tingin sa akin ni Alice. "She's awake!"
"Alice..."
Bakit ang bigat ng pakiramdam ko? Para akong nilagay sa freezer.
"Kikay, are you okay?" I saw Nico. Kagaya ng anak niya nag-aalala siya sa akin at hinahawakan niya yung noo ko. "May lagnat ka. Kumain ka na ba?"
Umiling ako sa dalawang tanong niya. Hindi ako okay at hindi pa ako kumakain.
"I'm going to cook." He announced and walked out of my room.
"I will help Daddy!" Then Alice came running outside.
Napapikit ako at naalala ko kung bakit ako nagkakaganito.. Napagod ako sa ginawa ko ngayon. I never cleaned my own flat my entire life. I always have my maids to follow my dirt. I wear clothes once so mostly I dumped them after. May mga magilan-gilan lang na pinapalaba ko. I don't cook. I order foods or eat outside or eat with my family.
I realize that I'm lucky for having a luxurious life but now, I left everything... bakit? To feel free and to feel that I have control over my life. Yeah, lumayas ako at nagpakatulong. Smart move Kyra, smart move.
"Queen you are crying!" Nabigla na lang ako kay Alice na nasa tabi ko. May dala-dala siyang ice bag. Sumampa siya sa kama at nilagay yung icebag sa ulo ko. Tinitigan niya ako ng mabuti. Nakita ko ang takot sa kaniya. Pinahiran niya yung pisngi ko at niyakap ako. "Don't cry Queen Kyra. Princess Alice is here to be your nurse."
"Excuse me Alice," I heard Nico. Pumasok siya sa kwarto ng may dalang tray. Umalis si Alice sa kama at nag give way sa ama niya. "Kumain ka muna."
Wala akong gana. Umiling ako.
"Kumain ka muna Kikay. Susubuan kita."
Nagha-hallucinate na ata ako at kung ano-ano naririnig ko. Ako susubuan ng boss ko? Eh ni yung nanay ko nga hindi ako mabantayan pag may sakit ako.
Naramdaman ko na lang yung kamay ni Nico sa ulo at likod ko. Pinauupo niya ako. Hindi ko naman magawang mag protesta kasi maski ako hindi ko kayang kumilos sa sarili ko.
Kinuha niya yung bowl ng soup. Hinipan niya yun para mawala ang init tapos itinapat sa bibig ko. Napatingin ako sa spoon na may soup tapos sa bowl of soup tapos sa mukha ni Nico.
"Kikay, hindi kita lalasunin. Kain na para makainom ka ng gamot."
Sumakit yung mata ko at nanlalabo. Naiiyak na naman ako. This time hindi dahil sa nalulungkot ako o nagsisisi ako. This time I'm happy. Nandito si Alice at Nico para alagaan ako. Nakikita ko sa mga mata nila ang pag-aalala at pagkalinga. Wala pang tao ang gumawa sa akin nito, wala simula ng mamatay si Kuya. Nakalimutan ko na nga ang pakiramdam na 'to. I felt warm and comfortable. Itong mag-ama, hindi ko sila kilala, hindi rin nila ako kilala pero inaalagaan nila ako kahit na ako dapat ang nag-aalalaga sa kanila.
"Oh, bakit ka umiiyak?"
Umiling-uling ako. "Thank you," tapos isinubo ko na yung soup. Kakain ako kahit wala akong panlasa.
<3
Afterwards, I felt slightly good. Nakainom na kasi ako ng gamot at nakapagbihis na ng malinis at komprtableng damit. Alas' nuebe na rin ng gabi at pinapatulog na ni Nico si Alice.
Ako slight na nangangasim. I know this feeling. Suka! Urg! Ayoko!
Pilit kong pinipigilang wag sumuka. Inihiga ko na lang at nag-isip ng masasayang bagay. Pinipilit ko pero nakakaramdam na ako ng ginaw. Sht! Nakailang oras na ba simula ng uminom ako ng gamot? Kailangan ko na atang uminom pero nanghihina pa rin ako... Bumabalik yung sama ng pakiramdam ko. Nasusuka, nahihilo, nananakit ang katawan.
"Kikay?" I opened my eyes to see Nico's frown.
Parang mas lalo ata akong nasusuka sa sobrang lapit niya sa akin.
Oh no, no, no, no!
Bumangon ako kaagad, tumama yung ulo ko sa kaniya pero hindi ko na pinansin ang sakit kasi na suka na ako. Sht! Nasukahan ko si bossing!