TASK 55: Before The Party

118K 1.8K 111
                                    


TASK 55: Before TheParty




"Girlfriend? Daddy, you like Queen?"



Kung shocked ako kanina mas lalo na ngayon. Hindi ko alam ire-react ko. Of course I want everyone to know about us but now is not the best time. For goodness sake, alam ng mga tao na sila ni Ashley, Hindi niya pa talaga kilala kung sino ako at madali akong mahuhuli pag nalaman ito ng media!



"Daddy, Daddy, is it true?" Nagpabuhat si Alice kay Nico habang patuloy pa rin ang tanong.

"Yes, baby."



What the hell! Nasiraan na ata ng bait si Nico!



"Uhmm.. I guess I need to go. Good day Mr. Ciriaco." Sabi ni Ms. Valdez kay Nico tapos alanganin namang ngumiti sa akin saka siya umalis.



Ako tuliro pa rin. Sinundan ko lang yung mag-ama papunta sa kotse. Nag-uusap sila tungkol sa foundation day at sa birthday at sa kung ako daw ang magiging bagong mommy ni Alice.



"Maybe if she wants it, Princess." Sagot naman ng napakabuti niyang ama.



Gosh!



"Queen, you're going to be my mom? I want you to become my mom!" She jumped and hugged me.



Ano ba itong napasukan ko?





Tahimik lang ako hanggang sa maka-uwi. It feels like I'm taking in all the shock in one day! Parang papatayin ako ng guilty at commitment sa araw na ito.



"Kyra, okay ka lang ba?" Nico suddenly hugged me behind while I'm busy washing dishes and thinking.



"O-oo." Sagot ko pero hindi pa rin makatingin sa kaniya.



"Kikay?"



"Bakit?"



"Kyra? Queen?" Kung ano-anong tinatawag niya sa akin para madistract ako.



Pero ayaw ko namang magpatinag sa ginagawa ko at sa gumugulo sa isip ko.



"May problema ka nga. Yun ba yung kanina? Ayaw mo bang malaman nila?"



This is it. Humarap na ako sa kaniya para makausap ng maayos. Eto na siguro ang time para masabi ko na kung sino ako. Magalit man siya o hindi basta malaya na ako sa kasinungalingan ko. "Nico, gusto kong malaman ng lahat ng tao na proud ka na ako ang girlfriend mo.."



"Then what's bothering you?"



"A lot of things. Unahin na natin na alam ng buong Pilipinas na girlfriend mo si Ashley. Ano na lang sasabihin nila sayo? Two-timer?"



"Ginagawa ko lang ito para limabas si Ashley at wag na niya akong pagtaguan. Their is something wrong between Ashley and I.. I need to know it, I need to set closure between us."



"Hindi lang yun," Huminga ako ng malalim. "May dapat akong sabihin sayo, Nico."



"What?"



"I'm sorry if I have to hide this but.."



Riingggg! Riiinnggg!



Naputol na naman yung sasabihin ko! What the hell!



"Wait a minute." Umalis si Nico sa harap ko para sagutin yung phone. Mukhang nananadya ang tadhana. Important call pa talaga yun tungkol sa birthday party ni Alice.



...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon