TASK 41: Another Realization
"Oh?"
Ikinagulat at ipinagtataka ni Nico ang biglaang pagsulpot ng manager niya sa kaniyang unit. Mukhang galing pa ito sa trabaho at nagpunta kaagad dito.
"Where's Kyra?" Tanong kaagad ni Maj.
"Sinundo si Alice. Bakit napasugod ka dito? Bakit mo siya hinahanap?" Pansin niya sa manager. May kung anong bagay ang kinaiinisan niya tuwing hinahanap ni Maj si Kikay.
"Mag-usap tayo." Seryoso namang sagot ni Maj sa kaniya.
"Ano bang problema? Papayagan mo na ba akong mag stay sa US para mag-aral ng filming?"
Matagal ng gusto ni Nico ang mag-aral sa Amerika para maging mahusay na direktor. Simula ng mapasok siya sa industria ng pag-arte, nagkainteres na siya kaagad sa pagiging direktor. Kung minsan pag may time siya ay nagpapaturo siya sa mga sikat na direktor pero nais niya pa rin ang mas malalim na pag-aaral at diploma.
"Hindi tungkol doon ang pag-uusapan natin. It's something personal."
Kumunot ano noo niya sa sinabi ni Maj. Personal?
"May gusto ka ba kay Kyra?" Kaagad na tanong ng kaibigan. Tanong yun na siguradong alam na ang sagot ngunit nais pa ring marinig ang kasagutan mula sa taong inaakusahan niya.
"Maj," Hindi alam ni Nico ang sasabihin. Bukod sa ayaw niya ng tono ng boses ni Maj, hindi niya rin alam ang sagot sa tanong nito.
"Sagutin mo ako, Nico."
"Damn! You're not my mom nor my dad. Bakit ganyan ka makausisa?"
"I like Kyra." Malinaw na pagkakasabi ni Maj.
At doon natigilan si Nico. Gusto ng matalik niyang kaibigan si Kyra? Ang katulong niya?
"I said it, Nico. Stay away from her. She's mine."
Parang nagpapagting ang tenga ni Nico sa sinabi. Samo't sarinh emosyon ang naglalaro sa kaniya. Hindi niya namalayan ang lumabas sa bibig niya.
"She's not yours."
"Kung hindi siya sa akin, kanino siya?" Paghahamong tanong ni Maj.
Kanino nga ba si Kyra? Maski siya'y hindi alam ang sasabihin.
"Walang nag mamay-ari sa kaniya." Sagot ni Nico na hindi makatingin sa kaibigan. Shock pa rin siya sa narinig mula sa dito.
"DADDY! NINONG MAJ!"
Biglang nag-iba ang itsura ng dalawa ng makita si Alice. Ngumiti na sila uli na tila walang pinag-usapang seryoso kanina.
"Alice!" Si Maj kaagad ang niyakap ni Alice. Sabik na sabi na makita ang ninong.
"Ninong Maj, Look, star!" Pinakita niya yung red mark sa braso niya na nakuha niya sa school. Walang humpay na nagdadadaldal si Alice sa ninong niya.
Samantalang si Nico tinulungan si Kikay na bitbitin yung bag ni Alice. Gusto ni Nico na magsalita at kausapin si Kikay pero wala siyang maisip na sasabihin.
"Salamat." Sabi ni Kikay ng mabigay na niya yung bitbit kay Nico. Napansin nang lalaki na wala sa kaniya ang atensyon nito kundo nakay Maj.
Nagmamadaling lumapit si Kikay sa mag ninong. "Maj!"
Ngumiti ang kaibigan kay Kikay. "Wait for a minute, Alice. I am going to talk with Kyra, okay?"
Tumango naman ang bata.
Nakita ni Nico ang pagbubulungan ng dalawa. Hindi niya marinig lalo na ng mapansing nakikinig siya. Nagpaalam pang lalabas muna saglit yung dalawa.
Iba ang naramdaman ni Nico. Inis at galit. Gusto niyang hablutin si Kyra pabalik sa kaniya. Gigil na gigil siya hindi lang dahil Kyra at Maj kundi pati sa sarili niya.
Bakit siya nakakaramdam ng ganito?!
______
"So, ano nang plano mo?"
"Aalis na ako dito?"
"Saan ka naman pupunta?"
"Sa.." I don't know. "Basta, aalis na ako." Ayoko nang ganitong feeling. Yung alam kong may gusto sa akin si Nico pero wala akong magawa. Teka, ano bang magagawa ko? I can't love him back. No I don't want.
"Stay in my house."
Nanlaki yung mata ko sa invitation niya. Seryosong sinabi yun ni Maj.
"Maj, ayoko nang makagulo pa sayo. Kung aalis ako lalayo na ako ng tuluyan."
"But I want to help you. You can stay with me as long as you want."
Nabigla ako sa sagot niya.. As if he was saying hidden meaning in his words. I've been with different kinds of guy. I lost my virginity during senior prom. I went to college and joined sorority for four years. Alam mo naman sa sorority, once you're in, you're popular. Dahil dyan I got to date different guys. I know if they like me for sex or for something much deeper.. At sa sitwasyon ni Maj..
It's deeper than pleasure.
"Why are you doing this, Maj? Why are you helping me? Tell me, do you like me?"
Hindi siya nakasagot. Parang fish lang siya na bubuka-sasara ang bibig. And before he can utter a word, Nico went out of the unit. May dala siyang duffel bag na lagi niyang dala tuwing may taping.
"Nico, saan ka pupunta?" Tanong ko pero nilampasan niya pang ako.
"Shooting." Pahabol niya lang sabi saka sumakay sa elevator.
"Anong problema nun?" Napatanong na lang tuloy ako sa sarili ko. Kaninang bago ako umalis pangiti-ngiti pa siya; halos buntot ng buntot sa akin tapos ngayon umalis na lang basta.
Binalik ko ang tingin ko kay Maj. Ayoko na marining pa ang sagot niya. I already know the answer... He likes me.
Para saan pa ang paghingi ko ng tulong sa kaniya kung pati siya mag gusto rin pala sa akin?
"Maj, sorry pero aalis ako. One week. One week then I'll be gone." Hindi ko na siya hinintay na makasagot. Pumasok na ako sa loob para hanapin si Alice.
The whole remaining hours of the day, kami lang ni Alice ang magkasama. Nanood kami ng TV, naglaro ng Monster Doll, Kumain, nag-ready na matulog, bed time stories hanggang sa makatulog na siya.
Naglinis muna ako bago matulog. Actually, hindi ako makatulog kasi wala si Nico. It's already 11pm and I haven't received any calls from him telling that he can't go home. Kung hindi kasi niya sinasabi personal, atleast tumatawag yun sa landline para magpaalam at paalalahanan akong mag sara ng pinto habang wala siya.
Ngayon talaga WALA. Nag-aalala at naiinis na ako!
Makapaglaba na nga lang.