Napost ko na kagad yung Task 30 😂
TASK 27: Request
Isang linggo na rin ang nakakalipas simula ng bumalik kami galing sa Subic. Back to normal Boss-maid relationship kami ni Nico. Lagi nga siyang nasa condo ngayon eh kaya walang humpay na paglilinis na naman ang gagawin. Kahapon nga kulang na lang ilabas na yung kama ni Alice. Nako, I tell you, nilinis namin yung bawat sulok ng kwarto ni Alice. Daig pa ang nag disinfect.
"Kikay hiwain mo naman ng maayos."
Hindi po yan si Nico. Si Ashley pong witch ang naguutos sa akin ngayon. Kung si Nico laging nasa condo, pati rin ang magaling niyang girlfriend nasa condo rin. Hayy.. Okay na sana si Sir Nico na lang eh kaso dagdag pa si Ashley. Ngayon nagluluto siya para kay Nico ng Pinakbet which consist of different vegetables cut in cubes or something. I don't remember eating Pinakbet in my life. I hope I will not be bias with the taste. Baka kasi mapangitan ako sa lasa dahil si Ashely ang gunamawa.
"Ouch!" Sht! Nasugatan ko sarili ko.
"Nasugatan mo na naman ang sarili mo? Hayy nako Kikay, bakit ang clumsy mo?"
"Kasi clumsy talaga ako?"
She rolled her eyes. "Alam mo, hindi ko alam kung bakit ka pa naging katulong kung halos wala kang alam na gawaing bahay."
"Natanong ko rin yan sa sarili ko."
Well, for the past week I started to hate myself for not hating Ashley. Kahit na puro bad words ang lumalabas sa bibig niya patungkol sa akin, I can't like her less. Sure she'a clingy, loud, girly and bitchy but somehow it reminds me of myself. Kagaya niya rin ako noong nasa Seattle ako kaya instead na magalit ako sa kaniya, mas lalo ko siyang nagugustuhan.
"Dugo? Tsk! Nasugatan mo na naman ang sarili mo." Bigla namang dumating si Nico at hinigit ang kamay ko. Tinignan niya muna ito bago isinubo ang daliri ko sa bibig niya.
"Oy! W-wag mo nga sipsipin ang daliri ko."
Hindi siya umimik. Pinagpatuloy niya ang pagsipsip.
Eto naman ang kinaiinisan ko ngayon kay Nico. He cares more! As in tinuturing niya akong parang anak niya. Alam mo yun? Tss.. Lagi kang inuutusan pero inaalagaan ka....yung ganung feeling.
"Akin na nga." Hinatak naman ni Ashley yung kamay ko papuntang lababo. "This is the proper way to clean a cut. Running water." She was looking Nico smuggly. "Kikay, if you can, wash it with soap. Ako na magpapatuloy ng hinihiwa mo."
Pumagitan siya sa amin ni Nico at siya na ang naghiwa ng gulay.
Now I feel guilty. Ashley may be mean but she cares a lot. At alam kong nagseselos siya pero hindi niya sinasabi. Napapanisin niya atang napapalapit na si Nico sa akin. I want to talk to her; to make it clear that Nico and I were not more than employer-employee relationship. Pero naaalala ko yung kiss. Urgh! Dapat kinakalimutan ko na yun but everytime I met Nico's eyes I felt like I was drowning. Huhu! Kailangan ko ng umalis dito.
"Queen!" Alice came running.
And that's the reason I want to stay here forever. It's because of Alice. Napamahal na ako sa bata.
"Why?"
"I draw you. Come! Come!" She pulled me to come to her room. May mga papel na nakakalat sa table niya. Kinuha niya yung isa. May nakadraw na tatlong tao. I just figured that it's a human. May brown na buhok, bilog na mukha, mata, bibig, ilong. Nakasuot ito ng pink na dress. "This is you Queen Kyra." Tapos may katabi yung babae na maliit na babae rin. Nakasuot ito ng color blue na damit tapos may korona. "This is me, Princess Alice."